CHAPTER 38

2185 Words

GABI na at hindi pa rin gumagalaw sa hospital bed si Lorelei kung saan kanina pa siya nakahiga ng patagilid habang ginawang unan ang nakatiklop niyang braso. Nakatitig lang siya sa labas ng bintana kahit wala namang nakakaaliw na bagay doon dahil madilim na at kung wala lang ang mga ilaw na naroon ay puro kadiliman lang talaga ang makikita niya. “Mommy will protect you, baby…” mahinang sambit niya at hinaplos-haplos ng kamay niya ang impis niyang tiyan. “Hindi ako papayag na kukunin ka nila sa akin. Ikaw na lang ang meron ako, kaya please kumapit ka at gagawin ko ang lahat mabuhay lang tayo.” Nang may tumulong luha na naman sa mga mata niya ay hinayaan lang niya muna iyon. Buo na ang desisyon niya. Kahit na ano ang mangyari ay hinding-hindi niya papatayin ang anak niyang kabubuo pa la

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD