CHAPTER 3

2242 Words
“WHAT time does your class end?” Mula sa labas ng bintana ng sasakyan ay agad nabaling ang tingin ni Lorelei sa kaniyang kuya Brixton. Maaga pa lang ay nasa daan na sila patungo sa Ysabella de University. Her brother insisted that he would take her to school even though it was not necessary, may school bus naman kasi na parati niyang sinasakyan papuntang University. “Five in the afternoon, kuya. Why?” kuryosong tanong niya rito. “Logan wants to have a date with you,” sagot nito. Agad namilog ang mga mata niya. Napaayos pa siya sa pagkakaupo at mariin niya itong tiningnan, baka binibiro lang siya nito. Pero seryoso lang mukha nito habang ang mga mata ay nakatutok sa daan. Shocks! Kaya ba nag-message ang lalaking iyon sa kaniya kahapon? At ngayon, gusto siyang i-date nito? Pero bakit? Bigla ay bumalik sa isip niya ang sinabi ng kuya Brix niya kagabi. Si kuya Theon Logan Montreal ang bumaril kay Mr. De Lucca ng gabing iyon. Tatlong taon na ang lumipas pero sariwa pa rin sa isip niya ang nangyari sa gabing iyon. She felt guilty, pero kailangan niyang maging matigas para sa kalayaan niya. Wala naman talaga sa plano nila na patayin si Mr. De Lucca ng gabing iyon o kung sino man sa miyembro ng pamilya nito. Pero kahit ilang beses pa siyang makonsensya ay wala rin namang magbabago. Tapos na. Nangyari na. Masama rin namang tao ang lalaking iyon at ang pamilya nito dahil nang mamatay ang lalaki at naghirap ang pamilya ay napakarami ang nagsasaya dahil sa wakas malaya na raw ang mga ito sa pagmamanipula ng mga De Lucca. At sa tatlong taong lumipas mula nang mangyari iyon ay ni minsan hindi pa sila nagkita ni kuya Theon. “Ha?” natatangang tanong niya sa kapatid. Malinaw naman sa pandinig niya ang sinabi nito pero ewan, para siyang tanga. Kababata ni kuya Brix si kuya Theon, matalik na magkaibigan ang dalawa at isa si kuya Theon sa mga taong itinuturing niyang nakatatandang kapatid at sa tingin naman niya ay gano’n din ang lalaki sa kaniya. Kaya nakakagulat na gusto siya nitong i-date. O baka friendly date lang. “Sus! Kilig ka naman.” Panunukso nito sa kaniya at nginisihan pa siya. “Hindi, ah! Bakit naman daw ako kikiligin eh, kuya ko lang din naman iyon.” Depensa kaagad niya sa sarili at sinimangutan niya pa ito. He chuckled and smirked at her knowingly. “Hindi ba crush mo siya?” anito na may panunukso sa boses. Agad namang nag-init ang kaniyang mukha. Kaya mas lalo siyang napasimangot. “Oo, pero noon iyon.” Inaamin niyang crush nga niya ang kaibigan nito noon pero hanggang doon lang naman iyon. Noong unang nakita niya si kuya Theon nang minsang nagpunta ito sa mansion ay kaagad na napahanga siya sa lalaki. Guwapo naman kasi ito, matalino at mabait kagaya ni kuya Brixton. Plus, she liked a mature man than men at her age. Kaya kapag nandoon ito sa mansion noon ay patago niya itong pinagmamasdan at nahuli siya ni kuya Brix kaya tinutukso na siya nito. Noong una kinilig pa siya pero kalaunan ay unti-unting na-realize ng puso niya na hinahangaan niya lang ang lalaki katulad ng paghanga niya kay kuya Brixton. “Bakit may iba ka ng crush?” tanong nito at pinagtaasan pa talaga siya ng kilay. “Kuya naman… porke’t nawala na ang crush ko sa kaniya dapat may kapalit kaagad? At saka kaya nga tinawag na crush, 'di ba? Dahil isang linggo, dalawa o maging buwan lang ang itatagal noon.” Mahabang sabi niya sa kapatid. He just chuckled again and crumpled her hair, na ikinasimangot niya. “Mukhang ang dami ko na talagang na-miss sa’yo, ah?” Napailing-iling na napangiti na lang siya. Tatlong taon din naman kasi itong namalagi sa Pilipinas kaya madami na itong hindi alam sa kaniya. “Kasalanan mo iyan dahil ang tagal mong umuwi.” sabi niya na may halong pagtatampo sa kaniyang boses. Naiintindihan naman niya ito pero siyempre iba pa rin kapag nasa mansion ito. Dahil pakiramdam niya safe siya kapag kasama niya ang kapatid niya. “Sorry, Lu. Kailangan ko lang tapusin iyong ginawa ko, para makaalis na tayo rito.” Mabilis naman siyang napatingin dito at nakita niya ang pagtatagis ng bagang nito. Nang mapasulyap siya sa mga kamay nito ay mahigpit na iyong nakahawak sa manibela. Pero ang mas nakaagaw talaga ng atensiyon niya ay iyong huling sinabi nito. Hindi siya makapaniwalang may balak itong umalis at isasama pa siya nito. “Aalis ka at isasama mo ako? Kailan ba kuya?” sunud-sunod na tanong niya, hindi pa rin makapaniwala pero masaya siya. “Yes, but of course, kailangan mo munang tapusin ang pag-aaral mo rito.” sagot nito na ikinangiwi niya. She felt disappointed. Akala niya ngayon na sila aalis dahil hindi talaga siya magdadalawang-isip na sumama rito. “Puwede naman siguro, kuya kung saan tayo pupunta ay doon ko na lang ituloy iyong pag-aaral ko,” nakayuko na ang ulong sabi niya. Gustong-gusto na talaga niyang makawala sa pagmamanipula nina lola Conchitta at Mommy Margareth sa kaniya. "Lu, you know why we can't leave the mansion yet, right?" puno ng pagpapaunawang sabi nito sa kaniya. Naramdaman naman niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya kaya agad siyang kumurap para pigilan ang luhang gustong kumuwala doon. “I understand, kuya.” Mahinang sabi niya, at tahimik na itinuon na lang niya ulit sa labas ang paningin. Naiintindihan naman niya ito. Nag-aaral pa ito at wala pa itong sapat na pera para tuluyan silang makalayo sa puder nila lola at Mommy. Nang huminto ang sasakyan ni kuya Brix sa tapat nang matayog na gate ng Unibersidad ay agad niyang isinukbit ang backpack sa kaniyang kanang balikat at agad na nagpaalam rito. “Text me, when your class done, okay?” bilin pa nito sa kaniya. Ngumiti siya at masiglang sumaludo pa siya rito. “Yes, Sir.” Napailing-iling naman ito at akmang guguluhin na naman sana ang buhok niya kaya mabilis siyang umiwas at binuksan ang pinto sa may gilid niya at mabilis na bumaba siya ng sasakyan nito. “Bye, Kuya.” aniya at kumaway pa rito bago siya tumalikod at naglakad papasok ng gate at nakipagsabayan sa ibang estudyanteng naglalakad lang din papasok. The school was so strict when it comes to rules. At isa sa mga rules nila na kung hinahatid ka lang ng sundo mo, driver, o ng kapamilya mo ay hanggang sa labas lang talaga at bawal ng pumasok ang sasakyan unless kung ang estudyante mismo ang nagda-drive sa pagmamay-ari nitong sasakyan. Sometimes she even thinks, na baka ayaw ng may-ari ng paaralan na magpapasok ng mga hindi estudyante o staff ng school. Wala ring nakakaalam kung sino ang may-ari ng prestihiyosong unibersidad na ito, so it’s hard to define what are the reasons for them to come up with those stupid rules. Biglang naagaw ang atensyon niya sa limang lalaking makakasalubong niya. They are laughing that caught everyone’s attention. Sila iyong mga lalaki na kasama noong Andrei Miguel Del Rio kahapon sa may canteen. Ang sabi sa kaniya kahapon ni Mercury ay mga fourth year college na raw ang mga ito sa kursong Business Administration. “Hi, friend of Mercury.” Nagulat siya at napahinto pa nang pansinin siya ng isa sa mga kasamahan ng limang lalaki. Kung hindi siya nagkakamali ay Cairu ang pangalan nito. Bigla kasi siyang na-curious kung gaano ba kasikat ang mga ito kagaya ng sinabi ni Mercury kaya hinanap talaga niya ang mga ito sa internet. Cairu Pichler, a Filipino-Austalian. He is the grandson of a former president in Australia and the nicest member of the group. Iyon ang nabasa niya sa social media mula sa mga fans nito. Sikat ang The Aces Player saang sulok ng Europe dahil sa larangan ng basketball. Ilang taon na kasing inuuwi ng grupo ang tropiyo bilang basketball champion sa lahat ng university. Hindi lang ang mga ito sikat dahil doon, sikat din ang mga ito dahil sa taglay na mga hitsura. Lalo na ang captain ball na si Andrei Miguel Del Rio. He’s the heartthrob in this university dahil walang mga babae ang hindi nagka-crush dito. Well, except her, of course. Ayon din sa isang article na nabasa niya ay pati mga estudyanteng babae sa iba’t ibang University ay crush ang lalaki. Mayaman, guwapo at matalino ang lalaki. But he's cold and distant, maliban na lang sa mga ka-teammates nito. “May I know your name, Miss?” tanong ni Cairu sa kaniya, nakaharang na rin ito sa dinadaanan niya. Malamig lang niya itong tiningnan. Kung makangiti pa ang lalaki ay daig pa ang nasa pageant. She wondered kung bakit hindi kasama ng mga ito si Mr. Del Rio. “I just want to ask kung bakit hindi mo na kasama si Mercury,” anito nang hindi pa rin siya sumagot. Bahagya pa siyang namangha nang magsalita ito ng tagalog. “Kakarating ko lang,” tipid niyang sagot. Nakita niya naman ang pagkamangha sa mukha nito, gano’n din ang apat na lalaking kasama nito na nanatiling nakatingin lang sa kanila. Hindi yata makapaniwala na nakapagsalita rin siya ng tagalog. “Wow! Nagta-tagalog ka rin. That’s very nice,” anito at tumango-tango pa. “By the way, I’m Cairu.” Pagpapakilala nito sa kaniya at naglahad pa ng kamay sa harap niya. Pero tiningnan lang din iyon. “Hi, Cairu!” Agad nabaling ang tingin niya sa mga babaeng bumati sa lalaki. “Where’s Andrei?” tanong pa ng isang babae kaya lumingon na si Cairu sa mga ito. Nakita rin niyang pinalibutan na ng mga babae ang apat pang mga kaibigan nito. Agad niya naman iyong sinamantala at mabilis siyang naglakad palayo sa mga ito. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makapasok na siya sa loob ng classroom sa unang subject niya ngayong umaga. Dumeretso lang siya sa kaniyang upuan. Inilagay niya muna ng maayos ang kaniyang bag bago naupo, pakatapos ay kinuha niya ang kaniyang libro sa Physics at nagsimula ng nagbasa. “Hi,” agad namang napa-angat ang tingin niya nang may nagsalita sa harap niya at nakita niya kaagad ang isang nakangising lalaki. Mapula ang mga labi nito na tila parating basa, he was chewing a bubble gum while watching her intently and that made her uneasy. Maaliwalas naman ang mukha nito lalo sa kaliwanagan ng araw ngayon pero may mapaglaro namang awra. “Hello…” tipid niyang sagot at bahagya lang niya itong nginitian. “I’m Keanu Lee, I was absent yesterday because I am not feeling well.” anito kahit hindi naman niya tinanong at inilahad pa ang kamay para makipagkamay sa kaniya. “What’s your name?” tanong nito habang nakangiti pa rin. Wala siyang balak na tanggapin ang kamay nito kaya tiningnan lang niya iyon. Mukhang nakaramdam naman kaagad ito dahil ibinaba naman nito ang kamay. “Lorelei,” tipid niyang sagot, at ibinalik din kaagad ang tingin niya sa kaniyang libro at nagbasa ulit. Wala siyang gana na makipag-usap kaya pasensya na lang ito. “Tsk, rude.” anito at nagmartsa pabalik sa mga ka-grupo nito. "I told you, dude! Muller was really bashed yesterday that he was even more handsome than you." Narinig niyang sabi ng isang lalaki at agad na nagtawanan ang mga kabarkada ng lalaking lumapit sa kaniya. Isang tingin niya pa lang sa mga ito ay mga bad boy na kaya wala siyang balak na makipag-usap sa mga ito. Ka-grupo rin pala ng mga ito iyong Enrique Muller. Alam din niyang pinagpustahan lang siya ng mga ito dahil bago pa man siya pumasok kanina ay narinig niya na ang pangalan niya na pinag-uusapan ng grupo nila. She’s not a certified con artist for nothing. Tsk, what a pathetic loser! Napailing na lang siya at ipinagpatuloy na ang pagbabasa. Pagsapit ng lunch break ay pinili niyang doon na lang sa may lilim ng punongkahoy na kaharap ng quadrangle kakain. Mas gusto niya roon kaysa sa canteen. Dahil lunch break kaya marami rin siyang mga estudyanteng nakakasabay sa paglalakad sa may hallway papunta roon. “Hey, Miss, watched out!” Narinig niyang sigaw nang isang babae at gano’n na lang ang gulat niya nang makitang may isang rumaragasang bola ng baseball papunta sa direksyon niya. Narinig niya pa ang mga nagtitiliang mga estudyante sa sobrang takot para sa kaniya. But on reflex ay kaagad niyang hinarang ang kanang kamay sa kaniyang mukha para saluhin ang bola. Damn! It’s sting. She’s not wearing any baseball gloves. At sa sobrang lakas ng impak ng bola ay siguradong magkakapasa ito mamaya. Well, she’s not bother about it. Sanay na siya kung pasa lang ang pag-uusapan. She’d experience worse than that. Ang inaalala niya ay paano kung hindi niya alam kung ano ang gagawin? Siguradong tumama iyon sa kaniyang noo, and maybe this time she was lying on the ground, lifeless. She cringed on that thought. “Motherfucker!” Hawak ang bola ng baseball ay nag-angat siya ng tingin nang marinig niya ang galit na boses ng isang lalaki. Nakatalikod ito sa gawi niya habang pinapagalitan nito ang tatlong lalaki na nakayuko. Kung hindi siya nagkakamali ang tatlong lalaking iyan ang may pakana ng pagbabatuhan ng bola kanina pa. Pero agad kumunot ang noo niya nang makilala niya ang lalaking nakatalikod pa rin at patuloy na pinapagalitan ang tatlong lalaki. It’s Andrei Miguel Del Rio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD