LORELEI’S heart beats very fast when Andrei Miguel turned to faced her. Nahigit pa niya ang kaniyang hininga nang magtama ang mga mata nilang dalawa.
Ang kulay tsokolate nitong mga mata ay deretsong nakatitig sa kaniya. Ang labi nitong natural na mapupula ay naka-isang linya. His jawline is prominent and very virile. His narrow nose is match with his luscious thick eyebrows.
Hindi ito nakasuot ng uniporme kagaya kahapon nang makita niya ito sa cafeteria kasama ang mga barkada nito. He's now wearing a fitted white long sleeve that emphasizes his broad shoulders and his manly built with maong pants and a pair of branded black leader shoes.
She cleared her throat, trying to stop her heart from thumping. Agad din niyang iniwas ang tingin dito.
Damn! Bakit ba siya kinakabahan? Wala naman siyang ginagawang masama. In fact, siya pa nga ang muntik ng mapahamak kung hindi niya kaagad nasalo ang bola.
Kunot ang noong tiningnan niya ulit ang lalaki. Papalapit na ito sa kaniya at wala man lang siyang nakitang emosyon sa mukha nito.
“I apologized, what my teammates did,” mababa at seryoso ang boses na paghingi nito ng paumanhin, nang tuluyan na itong makalapit sa kaniya.
Damn! Kahit seryoso pero nakakabighaning pakinggan.
Nagtaas siya ng kilay para pagtakpan ang totoo niyang nararamdaman.
“It’s okay,” Inilahad niya sa harap nito ang hawak niyang bola ng baseball na agad naman nitong kinuha. “But next time, tell your teammates not to do it here, dahil puwede silang makadisgrasya. Excuse me.”
Akmang lalagpasan na sana niya ito nang hawakan nito ang kanang braso niya.
She gasped silently. Nilingon niya ito at hindi niya napigilang pagtaasan na naman ito ng kilay.
“What?” she asked, coldly.
Ang ginamit niyang boses ay ang madalas niyang gamitin kapag kaharap niya ang boss ng BSO. Walang buhay at malamig, na kapag ang mga kasamahan niya ang ginamitan niya ng ganoong tono ay matatakot na sa kaniya. Pero hindi man lang naapektuhan ang lalaki. He remained stoic and cold.
“Allow me to bring you to the clinic,” sabi nito.
She sighed and shook her head lightly.
“It’s okay. I can bring myself there,” aniya at binawi ang braso niyang hawak pa rin nito.
“I insist.”
Napailing na lang siya. Bahala ito. Mas mabuti na rin siguro iyon dahil hindi niya pa alam kung nasaan ang clinic dito.
Sa pagpihit niya patalikod ay agad niyang nakasalubong ng tingin ang tatlong lalaking siyang nagbabatuhan ng bola kanina. Pero agad din na nag-iwas ng tingin ang mga ito nang makita si Andrei na nakasunod lang sa kaniya.
Napailing na lang siya at nilampasan na ang mga ito.
Pagdating nila sa clinic ay agad silang sinalubong ng isang babaeng nurse. Nakita pa niya kung paano namula ang pisngi ng babae nang kausapin ito ni Andrei.
Sa tingin niya ay nasa late 20’s na ito. Maganda ito, matangkad, maputi at singkit ang mga mata. Mukhang pati ito ay hindi nakaiwas sa karisma nitong lalaking kasama niya.
“Can you give me a cold compress and a gel?” sabi ni Andrei sa babaeng nurse.
“Right away, Sir,” sagot naman kaagad ng babaeng nurse.
Ngumiti pa ito bago mabilis na umalis sa harap nila at nagtungo sa kung saan.
Napaigtad siya nang muling hawakan ni Andrei ang braso niya at iginiya siya nito sa may bakanteng higaan at doon siya nito pinaupo.
“I’m okay here. You can go now,” pasimple niyang taboy rito.
Pero parang wala itong narinig at naghila pa ito ng monobloc chair. Ipinuwesto nito iyon sa harap niya, pagkuwan ay naupo ito roon.
Bigla naman siyang nakaramdam ng pagkailang nang titigan siya nito na para bang pinag-aaralan nito ang mukha niya.
“I said, I’m okay at puwede ka ng umalis—"
“What’s your name?” he asked, cutting her words off.
Kumunot ang noo niya. Bumuka ang bibig niya at akmang sasagot na sana nang dumating ang nurse na may dala ng cold compress at first aid kit.
“Narito na po iyong hinihingi niyo, Sir,” ani ng nurse.
Uupo na rin sana ito sa tabi niya para gamutin ang kamay niyang nag-umpisa ng mamaga nang pigilan ito ni Andrei.
“I’ll be the one to do it, Miss,” sabi ni Andrei sa nurse, kaya agad siyang naalarma.
Magpoprotesta na sana siya nang agad namang sumang-ayon ang nurse, pagkuwan ay umalis na kaagad ito sa silid. Tila ito natatakot na kapag hindi ito sumunod sa lalaki ay bigla na lang itong mawalan ng trabaho.
Kumunot ang noo niya. Bakit ba napakapakialamero ng lalaking ito? Ano ba ang posisyon nito rito sa YDU aside sa sikat ito? At hindi niya gusto itong nararamdaman niya kapag nasa malapit ito sa kaniya.
Is she attracted to him too? Gagaya rin ba siya ng mga babaeng naghahabol ng atensiyon nito—s**t!
No. That’s not going to happen. She's here to study and graduate, hindi siya nandito para lumandi.
“Give me your hand,” utos nito.
Agad namang naningkit ang kaniyang mga mata.
“Look Mister—whoever you are—”
“Call me, Andrei Miguel,” putol na naman nito sa sasabihin pa sana niya.
The way he says it, he is not asking her. It is more like he commanded her, na iyon ang itawag niya rito. Gusto niya tuloy itong sapakin pero pinigilan lang niya ang sarili.
Nang hindi pa rin niya ibinigay ang kamay rito ay ito na mismo ang kumuha sa kamay niya at ipinatong nito iyon sa may lap nito at sinimulan ang paglalagay ng gel sa namamaga na niyang palad.
Namayani ang katahimikan sa buong silid. Iyong tipong nakakailang iyong katahimikan.
“The way you caught the ball earlier. You seem to know how to play baseball.”
Mula sa kamay niyang ginagamot pa rin nito ay agad siyang nag-angat ng tingin dito nang bigla itong magsalita. Agad namang nagtama ang kanilang mga mata.
“I used to play that game,” simpleng sagot niya.
Ibinalik niya ang tingin sa kamay niyang ngayon ay binabalot na nito ng puting bandage.
Noong nagte-training pa siya sa BSO ay madalas silang naglalaro ng mga kasamahan niya ng baseball.
“Then, why did you catch the ball when you knew you don't have a glove?” tanong nito sa kaniya.
May nahimigan pa siyang galit sa boses nito kaya agad lumukso ang puso niya sa kaba.
She hates someone got angry at her. Pakiramdam niya na ang mga taong iyon ay ang lola Conchitta at Mommy Margareth niya.
Hindi siya sumagot at malamig lang niya itong tiningnan. Nang makitang tapos na nitong gamutin ang kamay niya ay mabilis niyang binawi ang kamay at tumayo na.
“Thank you. Aalis na ako,” aniya at mabilis itong tinalikuran at malalaki ang mga hakbang na lumabas siya ng clinic.
Lumipas ang maghapon na hindi na niya nakita pa si Andrei na ipinagpasalamat naman niya. Hindi pa rin kasi mawala sa isip niya iyong galit nitong boses.
She sighed. Hindi puwedeng ganito ang maramdaman niya sa lalaking iyon.
Nang makalabas siya ng YDU ay doon muna siya sa may waiting area para hintayin ang kapatid.
Ang sabi naman nito ay malapit na raw ang mga ito. Hindi na rin siya nagtanong kung sino ang kasama nito dahil alam naman niya kung sino.
Busy siya kaka-scroll sa kaniyang faceme nang may humintong sasakyan sa harap niya. Pero hindi na siya nag-abalang tingnan pa dahil hindi lang naman siya ang narito at naghihintay ng mga sundo nila.
Pero ilang sandali lang, narinig niyang natitilian ang mga babaeng nandito sa may waiting area kaya mabilis siyang nag-angat ng tingin. At gano'n na lang ang pagkamangha niya nang makita si Andrei Miguel na naglalakad palapit sa kaniya.
“Going home?” tanong nito nang tuluyan na itong makalapit sa kaniya.
She composed herself and faced him with her stoic face. Wala rin naman siyang makitang emosyon sa mukha nito. But his eyes speak something... something that will make you fall on your feet.
“Yeah,” aniya sa malamig ding boses.
Naiilang din siya sa mga babaeng nasa kanila na lang nakatingin. At alam niya na pinapatay na siya sa mga utak ng mga ito. Halata iyon sa mga kilos at tinging ipinupukol ng mga ito sa kaniya.
“How was your right hand?” tanong nito.
Ang mga mata ay nakatingin na sa kanang kamay niyang nakapirmi sa may gilid niya.
“Does still hurt?” dugtong pa nitong tanong.
Umiling naman siya. “No,” aniya.
“Are you going home? I can drive you home,” anito na ikinagulat niya.
Damn! Hindi nito puwedeng malaman kung saan siya nakatira. Magsalita na sana siya nang marinig niya ang boses ni kuya Logan.
“Baby Lulu!”
Sabay silang napatingin ni Andrei kay kuya Logan. Nakapamulsang nakatayo ito malapit sa sasakyang hindi pamilyar sa kaniya. Sasakyan yata nito iyon.
Nang magtama ang mga mata nila ng lalaki ay agad sumilay ang mga ngiti nito kaya agad na lumabas ang malalim nitong dimple sa kaliwang pisngi nito.
Narinig pa niya ang malalakas na pagsinghap ng mga babaeng kanina lang ay si Andrei ang hinahangaan.
Well, she can’t blame them. Kuya Logan is also a campus crush. Kung hindi siya nagkakamali ay matanda lang ito ng isang taon kay kuya Brixton at kaka-graduate lang din nito sa kurso nito at katatapos lang nito ng training sa Navy.
Pero bigla ring nawala ang ngiti nito nang mapatingin ito sa katabi niya. Kunot ang noong mabilis itong naglakad palapit sa kaniya.
“Let’s go, baby,” anito nang tuluyan na itong makalapit sa kaniya.
Hinawakan din nito ang kanang kamay na ikinasinghap niya dahil sa sakit.
“F**k! Her hand was injured.” Galit na sabi ni Andrei kay kuya Logan.
Pero tiningnan lang ito ng masama ni kuya Logan. His face looks murderous now. Ngunit hindi man lang niya nakitaan ng pagkatakot ang mukha ni Andrei, instead he just stared kuya Logan equally. Bigla ay nagkaroon ng malaking tensyon sa kanilang paligid.
"She already has a boyfriend but still flirting with Andrei. What a slut!"
Her jaw clenched, when she heard what one of the female students said. She glared the girl, and she seemed frightened.
“Tayo na, Kuya.” mahinang sabi niya.
Hinawakan ng kaliwang kamay niya ang braso ni kuya Logan at hinila na ito papunta sa sasakyan nito.
Binitawan lang niya ito nang makarating sila sa sasakyan nito. Mabilis naman nitong binuksan ang pinto sa may passenger seat at agad siyang pinasakay.
Nakita naman niya itong mabilis na gumilid para makasakay na rin.
“Nasaan si kuya Brix?” tanong niya nang hindi niya makita ang kapatid.
Akala pa naman niya, nandito lang ito sa loob ng sasakyan at si kuya Logan na ang pinababa nito.
“Do you like that boy?” tanong nito sa halip na sagutin nito ang tanong niya.
Kumunot ang noo niya at tiningnan ito. Pero wala naman sa kaniya ang mga mata nito kundi nasa labas pa rin, particularly kay Andrei na ngayon ay papasakay na sa sasakyan nito.
“No!” tanggi niya kaya napatingin na ito sa kaniya.
Matagal pa siya nitong tinititigan na tila inaalam ang buong katotohanan sa reaksiyon ng mukha niya.
“You must be ‘cause you don’t know that boy,” anito at umayos na rin sa pagkakaupo at ikinabit ang seatbelt sa katawan.
Napailing naman siya sa sinabi nito. Kung makatawag ng boy, akala mo ay matanda na. But yeah, she must be. Hindi niya puwedeng gustuhin si Andrei Miguel Del Rio.