CHAPTER 5

2317 Words
“ARE you not going to tell me what happen with your right hand?” Natigil si Lorelei sa akmang pagpihit niya pabukas ng pinto ng sasakyan ni kuya Theon nang marinig niya itong magsalita. Akala niya makakaligtas na siya roon. Bumuntonghininga muna siya bago niya ito hinarap ulit. “Nah, it’s just a small accident, kuya. So, no worries.” aniya at tipid itong nginitian. Hindi ito sumagot at mariin lang siya nitong tinititigan, tila hindi ito naniniwala na aksidente nga lang ang nangyari sa kamay niya. “Kuya, believe me this is just a small---" “Then, why that boy acting so worried about your injury?” tanong nito kaya natigil siya sa pagsasalita. Nasa nakabendaheng kamay pa rin niya ito nakatingin. Mahina naman siyang natawa. "I'm serious, baby. Kaya h'wag mo akong pagtawanan." seryoso ang mukhang sita nito sa kaniya kaya napangiwi siya. Alam niyang seryoso nga ito dahil nagtatagalog na ito. “He’s just overreacted, so just quit it,” aniya. Nag-o-overreact lang naman talaga ang lalaking iyon. But she felt kilig---agad siyang natigilan. What the heck! No way! “Anyway, ayaw mo bang pumasok muna sa mansion?” Pagkuwan ay tanong niya rito para ibahin ang topic. Nakita naman niyang napailing ito. Napangiti siya. Alam niyang hindi pa rin ito kumbinsedo pero alam niyang hindi na ito mangulit pa kapag iniiba na niya ang usapan. “I’m going home, since you don’t want me to date you,” anito na tila kinukonsensya pa siya. She sighed again. "Sorry." "Nah, it's okay. I'll include this on my list, na kailangan mong bayaran, soon." nakangisi ng sabi nito. Napairap na lang siya at pinihit na pabukas ang pinto ng sasakyan nito. Gustuhin man niyang pagbigyan ito sa date na hinihingi nito pero may mga assignment pa siyang gagawin at alam niya na nag-aalala rin ito sa kamay niya kaya hindi na siya nito pinilit pa. Akmang bababa na sana siya nang may maalala siyang itanong dito. Isinara niya ulit ang pinto at hinarap ito ulit. "What?" he asked. "Why did you do that?" Kumunot naman kaagad ang noo nito."Do what?" "You killed Mr. De Lucca." sabi niya. Ito naman ang natigilan at hindi kaagad nakapagsalita. Nakita pa niya ang pag-iigting ng mga panga nito at iniwas ang tingin sa kaniya. "That incident was a long time ago, Lu. So, forget it." malamig at walang emosyong sabi nito sa kaniya. Napayuko siya. Paano ko iyon kakalimutan, kuya kung nakapatay ka nang dahil sa katangahan ko?" mahinang sabi niya, may namumuo na ring luha sa gilid ng mga mata niya. "We'll talk about this some other time, Lu." sabi nito, kaya alam niyang ayaw na talaga nito iyong pag-usapan pa. Marahas na nagbuga siya ng hininga. Dumaan ang ilang minuto at hindi pa rin ito nagsalita kaya tahimik na bumaba na lang siya ng sasakyan nito. Bumusina lang ito, pagkuwan ay agad na nitong pinaharurot ang sasakyan nito. Malungkot na sinundan na lang niya ito ng tingin, pagkuwan ay marahas siyang napabuntonghininga. Pagkapasok niya sa loob ng mansion ay agad niyang nakita si Mommy Margareth na prenteng nakaupo sa malaking couch sa malawak nilang sala habang nagbabasa ng magazine. “Good afternoon po, Mommy,” bati niya rito pero sinulyapan lang siya nito at ibinalik na kaagad ang mga mata sa magazine. Napabuntonghininga na lang siya nang hindi man lang ito tumugon at naglakad na lang papunta sa hagdanan paakyat sa ikalawang palapag ng mansion. Pang-ilang ulit na ba siyang bumuntonghininga ngayong araw? Kagat ang pang-ibabang labing napailing-iling na lang siya. Nasa paanan na siya ng hagdanan nang mapatingin siya sa opisina ni lola Conchitta. Natigil siya sa pag-akyat nang makita niya roon ang matanda at kausap nito ang kuya Brixton niya. Gawa sa glass ang pinto ng opisina ng matanda kaya kitang-kita niya ang dalawa sa loob. And based on kuya’s face expression, alam niyang seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa. Kumunot ang noo niya nang makitang may inabot na itim na folder si lola Conchitta kay kuya Brix. Kinabahan siya, may bago na naman kayang misyon si kuya Brix? Aalis na naman ba ito? “What are you still doing there?” Napaigtad siya at agad napatingin sa kaniyang ina nang marinig niya ang boses nito. Nakatayo na ito at nakataas ang isang kilay na nakatingin na sa kaniya. “W-Wala po, aakyat na po ako.” nauutal na aniya at mabilis na umakyat ng hagdanan. Halos pigilan pa niya ang kaniyang hininga sa sobrang kaba. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makapasok na siya ng kaniyang silid. Mabilis siyang nagbihis ng pambahay, pagkuwan ay tinanggal niya ang bendahe sa kaniyang kamay. Ayaw niyang makita iyon ni kuya Brix at baka mag-aalala na naman ito sa kaniya. Hindi na rin naman masyadong masakit at medyo nawala na rin ang pamamaga. Matapos niyang masiguro na okay na ang kaniyang kamay ay bumaba na siya. Nang mapatingin siya sa opisina ay ang lola Conchitta at Mommy Margareth na naman niya ang nag-uusap at wala na ang kuya Brix niya. Dumeretso na lang siya sa kusina para tulungan si Manang Seleng sa paghahain ng kanilang hapunan. “Manang, kanina pa po ba nag-uusap sina kuya Brix at lola Conchitta?" tanong niya sa matanda habang naghahain ng kanin. “Aba’y sa pagkakaalam ko ay kaninang susunduin ka sana sa school ng kuya mo ay pinigilan siya ng Donya dahil may pag-uusapan daw sila." Napatango-tango naman siya. Mukhang kanina pa nga ang mga ito nag-uusap dahil naabutan pa niya ang mga ito kanina. “Bakit nandoon pa ba silang dalawa---” “Is dinner ready, Manang?” Natigil si Manang Seleng sa pagsasalita at sabay silang napalingon sa may pinto ng kusina nang marinig nila si kuya Brixton. “Oo, anak. Sandali lang at ihahain lang namin ni Lorelei ang mga ito.” ani Manang at natatarantang dinampot ang rice bowl na puno ng kanin. Siya naman ay agad na dadamputin na sana niya ang bowl na may lamang ulam nang hawakan ni kuya Brix ang kamay niya. “Stop it, Lu. I know your hand is not in a good condition.” anito at ito na ang dumampot n'yon. Nakangangang napatitig na lang siya sa kapatid. “Kailangan nating mag-usap mamaya.” dugtong pa nito bago naglakad palabas ng kusina dala ang bowl na may lamang ulam. Nakangiwing sinundan na lang niya ito ng tingin. Mukhang naitsismis na ni kuya Theon dito ang pagkapinsala ng kamay niya. Tahimik lang silang apat na kumakain. Panaka-naka’y sinusulyapan din niya si lola Conchitta pero mukhang wala naman itong balak na magsalita. Napakagaan din ng awra nito na tila ba may natanggap itong magandang balita. “I’m done. Mauna na ako sa inyo.” ani Mommy matapos uminom ng tubig at nagpunas ng bibig gamit ang table napkin. Tumayo ito at walang imik na lumabas ng dining area. Nakita naman niyang sininyasan din ni lola Conchitta ang private nurse nito para magpa-alalay rito. “Eat, Lu.” ani kuya Brix nang sila na lang dalawa ang naiwan sa mesa. Marahan lang siyang tumango at ipinagpatuloy ang pagkain pero natigil din nang maalala niya ang pag-uusap nito at ni lola Conchitta. She’s too curios that she wanted to know before this night end. “Kuya, nakita ko kayo ni lola na nag-uusap kanina at nakita ko rin na may inabot siya sa’yo na itim na folder.” aniya at tiningnan pa niya ito para makita niya kung ano ang magiging reaksyon nito. Nakita naman niya itong tumigil sa pagkain at nag-angat ng tingin sa kaniya. Malamlam ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya kaya alam niyang iiwan na naman siya nito. “I'm going to the Philippines,” anito. Napayuko na lang siya at agad nanunubig ang mga mata. “Look, Lu---” “Iiwan mo na naman ako…” garalgal ang boses na sabi niya. Naninikip din ang dibdib niya sa pagpipigil na ‘wag maiyak sa harap nito. “Lu, napag-usapan na natin ito, hindi ba?” anito sa nahihirapan ding boses. Pinahid niya ang isang butil ng luha na lumabas sa kaniyang mga mata, pagkuwan ay nag-angat siya ng tingin. Marahan siyang tumango at pilit na ngumiti rito. “Tapos na po ako. Aakyat na po ako, kuya.” walang buhay na aniya at mabilis na tumayo at iniwan na ito. Pagkapasok niya sa kaniyang silid ay saka lang niya pinakawalan ang kanina pa niya pinipigilang mga luha. Gusto niyang umuwi na rin ng Pilipinas. Gusto na niyang dalawin ang puntod ng kaniyang Nanay Lucy at higit sa lahat ang mabigyan niya ng hustisya ang pagkamatay nito. Pero kahit anong gusto niya na gawin ang mga bagay na iyon ay hindi pa niya kayang ipilit ang mga iyon. KINABUKASAN ay hindi na niya naabutan si kuya Brixton. Gusto sana niya itong kausapin tungkol sa inasal niya kagabi pero nakaalis na raw ito sabi ni Manang Seleng. Sinubukan din niyang tawagan ito pero out of reach na ang telepono nito. Pagkapasok niya ng university ay agad siyang nagtaka nang lahat ng makakasalubong niyang estudyante ay yumuyuko at umiiwas pa sa kaniya. The last time she checked, wala naman siyang sakit na nakakahawa at hindi ba dapat ay galit ang mga ito sa kaniya dahil sa pakikipag-usap niya kahapon kay Andrei Miguel? “Girl!” Napalingon siya nang marinig niya ang boses ni Mercury. Mabilis itong naglakad papalapit sa kaniya kaya huminto na siya para hintayin ito. “Alam mo ba na may tatlong lalaking nasa gymnasium ngayon at pinaparusahan?” Kumunot ang noo niya. “Bakit daw?” “Ikaw dapat ang nakakaalam n’yon,” anito kaya mas lalong kumunot ang noo niya. “Ha? B-Bakit ako? Eh, ngayon nga lang ako dumating.” “Narinig ko kasi sa mga bulung-bulungan kanina ng mga estudyante na kaya pinarusahan ang dalawang lalaking iyon ni Del Rio---” “Wait! Si Andrei?” putol niya sa sinasabi ni Mercury. Pero agad siyang napasinghap nang maalala niya ang nangyari kahapon. “Mercury, samahan mo ako sa gym.” aniya at mabilis na hinila ang babae papunta kung saan ang gymnasium. Pagdating nila roon ay agad niyang nakita ang tatlong lalaki na halatang pagod na pagod na pero patuloy pa ring sinasalo ang mga bola ng baseball na binabato ng limang lalaki sa mga ito. Wala ring suot na gloves ang tatlong lalaki. Napalunok siya nang makilala niya ang limang lalaki. Mga ka-teammates ito ni Andrei Miguel, at tila nage-enjoy pa ang mga ito sa pagpapahirap sa tatlong lalaki. “Now, tell me what happened ba yesterday?” Mercury asked. Umiling lang siya at mabilis na nilapitan ang grupo ni Andrei Miguel. “Lei, wait. Hindi mo sila pwedeng pakialaman.” Narinig niya pang saway sa kaniya ni Mercury pero hindi siya nakinig at patuloy pa rin siyang mabilis na naglakad palapit sa mga ito. Pero nasa kalagitnaan na siya nang mahagip niya nang kaniyang paningin ang isang lalaking nakasuot ng uniporme ng isang janitor. Napahinto siya at napasinghap ng malakas nang makilala niya ang lalaki. Si kuya Randolf. Nakita pa niyang umiling ito sa kaniya habang titig na titig sa mga mata niya. Kaagad naman siyang natauhan. s**t! Bakit nga ba siya makikialam? Damn it! Pinapangunahan na naman siya ng awa. Kuyom ang kamaong pumuhit siya patalikod at aalis na sana roon nang agad din siyang natigilan nang sa pagpihit niya ay nakita niya si Andrei Miguel. He’s standing like he owned the whole premises and was looking at her intently. Tagos sa kaluluwa niya ang tinging ipinupukol nito sa kaniya. He’s wearing his uniform now and he looks so…dashing and she can’t take away her eyes off him. Kung hindi pa niya naramdaman ang paghawak ni Mercury sa braso niya ay patuloy pa rin siyang makikipagtitigan sa lalaki. “Mauuna na ako,” ani Mercury na may nakakalokong ngiti na nakapaskil sa mapupulang mga labi nito at hindi na rin siya nito hinintay pang makasagot at pumihit na paalis ng gymnasium. Ibinalik niya ang tingin kay Andrei. “Stop them.” Mariing sabi niya rito. Mahina lang iyon pero alam niyang naririnig nito iyon. “They have done wrong, so they just deserve to be punished.” He said, heartlessly. “Hindi ikaw ang nagawan nila ng kasalanan kaya wala kang karapatan na magparusa sa kanila.” aniya. Alam niyang nakakaintindi ito ng tagalog dahil sabi ni Mercury, ito ang nagturo na magsalita ng tagalog sa mga ka-teammates nito. "I have my rules, Miss Navarre." Nagtagis ang bagang niya. Marahas din siyang napabuga ng hininga para pigilan ang namumuong galit sa dibdib niyahabang patuloy na nakipagtitigan sa lalaki. “Fine, ano ba ang gusto mong iparusa sa kanila?” tanong nito. Nanatili pa rin ang tingin nito sa kaniya. Umiling siya. “Nothing. Kaya patigilin mo na ang mga ka-grupo mo.” Humakbang ito palapit sa kaniya. Sinubukan niyang humakbang paatras pero mabilis nitong hinawakan ang braso niya. His touch sent different on her body. She felt too alive just by his mere touch. Damn it! Nakita niyang bumaba ang tingin nito sa kanang kamay niya. Pagkuwan ay marahan itong nagbuga ng malalim na hininga. “Okay,” anito at tinawag nito si Cairu nang hindi pa rin nito binitawan ang kaniyang braso. “Cairu!” “Yes, captain.” Alertong sagot naman ni Cairu. “Itigil niyo na iyan.” utos nito na agad naman sinunod ng mga ka-teammates nito. “Aye! Aye! Captain.” ani Cairu at sumaludo pa. Nang tumingin ito sa kaniya ay ngumiti ito. Lihim naman siyang napangiti. Pero nagulat siya nang lumuhod ang tatlong lalaki sa harap niya. “Sorry, Miss Navarre. We promise that will never happen again!” sabay na sabi ng dalawa. Tatango na sana siya nang maalala niya ang babala ni kuya Randolf sa kaniya. Don't show mercy. Malamig lang niya ang mga itong tiningnan, pagkuwan ay tuluyan ng umalis sa gitna ng gymnasium.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD