CHAPTER 6

2136 Words
LORELEI sighed heavily and stop for a moment. Kanina pa niya nalibot ang buong likuran ng YDU para hanapin si kuya Randolf pero sumakit na lang ang mga binti niya ay hindi pa rin niya ito nahanap. Nasa likurang bahagi siya ng YDU. Dito kasi madalas na naglilinis ang mga janitor dahil walang masyadong estudyante na tumatambay sa ganitong oras. Hindi talaga siya mapakali hangga’t hindi niya makausap si kuya Randolf, kung bakit ito narito at sino ang nag-utos nito. Nagpalinga-linga siya at gano’n na lang ang tuwang nararamdaman niya nang makita niya ito. Nakaupo ito sa ilalim ng malaking puno ng red oak tree habang may hawak-hawak itong mataas na walis tingting at sa gilid nito ay isang kulay yellow na de gulong na trash bin. Mabilis siyang naglakad palapit dito. “Kuya Randolf!” tawag niya sa lalaki. Nagulat naman ito at mabilis pang napatayo. Nakasuot ito ng kupas na coverall long sleeve na kulay asul at naka-cap din ito ng kulay itim. Matagal din niya itong hindi nakikita. Simula noong misyon nila na muntik ng ikapahamak niya ay hindi na niya ito muli pang nakita. Hindi na rin ito ang naging partner niya sa mga sumunod pa niyang mga misyon noon at hindi rin niya alam kung saan ito nagpunta dahil bigla na lang itong nawala. Naririnig lang niya sa iba na may misyon ito sa malayo. “Lorelei, why are you here?” tanong nito sa kaniya. Saglit na natigilan siya. Bahagya pang nangunot ang noo niya. Kuya Randolf never addressed her name before, unless kung nasa loob sila ng hideout. "I should be the one to ask you that," walang emosyong sagot niya at mariin itong tinititigan. Pakiramdam din niya ay parang estranghero sila sa isa't isa. Pero agad din niyang ipinilig ang ulo. Baka may nagbago na nga rito dahil tatlong taon din silang hindi nagkita at walang komunikasyon sa isa't isa. She sighed. “Hinanap kita dahil gusto kong malaman kung bakit ka narito.” "I am working—” “Don't make me stupid, Kuya." mariin niyang putol sa sinasabi nito. Matalim ang mga matang sinalubong niya ang tingin nito. Hindi siya ipinanganak kahapon na basta na lang maniwala rito. Kung hindi lang niya ito kilala ay baka nga. "Sino ang nag-utos sa 'yo para pumarito at ano ang mga binabalak niyo?” “Your brother.” “What?—" “Miss Navarre!” Natigil siya at napakurap pa sa gulat nang may sumigaw sa apilyedo niya. Mabilis din na lumayo sa kaniya si kuya Randolf at agad nagwawalis ng mga dahon. Kunot ang noong pumihit siya paharap sa lalaking tumawag sa kaniya. Sina Cairu, Race at ilan pang kasama ng mga ito ang nakita niya. Si Cairu ang sumigaw sa apilyedo niya at patakbong lumapit ito sa kaniya. Nilingon niya si kuya Randolf pero wala na roon ang lalaki. “Tapos na ba ang klase mo?” tanong ni Cairu kaya muli siyang napatingin dito. Nakita niya si Race na pormal lang na nakatingin sa kaniya, ganoon din ang tatlo pang mga kasamahan nito. “Bakit?” walang emosyong balik-tanong din niya kay Cairu. Mahina naman itong natawa at nagkamot pa sa batok. “You and your cold aura. Nakaka-intimidate,” he chuckled again. Her face heated. Aware siya sa ganoong ugali na ipinapakita niya sa ibang tao pero ang masabihan na ganoon siya ay nakakahiya pala. Marahas na huminga siya ng malalim, at medyo inaayos ang mukha para magmukha naman siyang hindi malamig. “Bakit ba? Ano ba ang kailangan mo?” “Well,” simula nito at lumingon pa sa mga kasamahan nito, then humarap ulit sa kaniya. “Iniiwasan mo ba si Del Rio?” tanong nito na deretsong nakatitig sa mga mata niya. Napasinghap siya. Ano ba’ng pinagsasabi ng lalaking ito? But damn yes! Iniiwasan niya ang lalaking iyon. Matapos ang encounter nila ng lalaking iyon doon gymnasium ay iniiwasan na talaga niyang makasalubong ulit ito. Pumunta ito sa classroom niya noong break time kanina pero hindi naman pumasok, naghihintay siguro na lalabas siya pero natapos na lang ang break ay hindi talaga siya lumabas. “What are you talking about?” kaila niya. “Miss Navarre, matagal na naming kaibigan si Del Rio at ngayon lang nangyari na may pinoprotektahan siyang babae. Kaya sana bigyan mo siya ng pagkakataon na makilala ka, na makilala niyo ang isa’t isa,” sabi nito bago tumalikod at naglakad pabalik sa mga kaibigan nito. Tigagal na sinundan na lang niya ito ng tingin. Pinoprotektahan? Siya? Pinoprotektahan ni Andrei Miguel? Pero bakit? Kaya ba lahat ng mga estudyanteng babae na tila may galit sa kaniya kahapon ay bigla na lang bumait sa kaniya? Naalala rin niyang hindi na rin siya kinukulit nina Mr. Muller at ng mga barumbadong mga barkada nito simula pa kahapon. Kinausap ba ang mga ito ni Andrei? Agad siyang napahawak sa tapat ng kaniyang dibdib. Bakit ganito kalakas ang pagtibok ng puso niya? Napailing na lang siya at naglakad na palabas ng YDU. Hindi muna iyon ang dapat niyang isipin. Kailangan niyang tawagan ang kuya Brixton niya. Alam niyang kahit kulitin niya si kuya Randolf ay hindi ito magsasalita kung ano ang totoong pakay nito sa YDU at bakit ito nandito. Pero ganoon na lang ang gulat niya nang sa paglabas niya ay nakita niya si Andrei Miguel na tahimik na nakahilig sa hood ng mamahaling sasakyan nito. His look sent goose flesh down her spine. Walang emosyon ang mukha ng lalaki at naka-krus ang mga braso sa dibdib nito habang direktang nakatingin sa kaniya. Napatingin siya sa paligid. Ang daming nakatitig dito lalo na ang mga babae na kilig na kilig habang malayang nakatitig sa lalaki. Pero ito ay tila wala man lang pakialam sa paligid. Bumalik ang tingin niya rito. He looked so bored. His soft black hair is a bit longer than those players who prefers clean-cut. Umalis ito sa pagkakasandal at naglakad palapit sa kaniya. She gasped mildly. “Ano na naman ba ang kailangan mo?” she asked when he finally got close to her. “I know you didn’t like my punishment to those three idiots,” he answered. Kumunot ang noo niya. Yes, hindi niya nagustuhan ang pagpaparusa ng tatlong estudyante na iyon. She maybe heartless outside pero hindi naman siya basta-basta nananakit ng mga tao in physical nang walang matinding rason. Maliban na lang kung kinakailangan at kailangan niyang ipagtanggol ang sarili. “Hindi nila ako sinaktan, that was purely an accident.” His lips lined up and shrugged his broad shoulders. “Fine, accident it is. And I’m sorry. Sana ‘wag mo naman akong iwasan,” anito na ikinasinghap niya. Hindi niya iyon inasahan dito. “Hindi kita iniiwasan,” aniya at agad na nag-iwas ng tingin dito. “Is just that, hindi kita kilala. Bago lang ako rito at hindi ako sanay na makipagkaibigan sa lalaki lalo at sikat pa,” pagsisinungaling niya. Dahil ang totoo, ayaw niyang makipaglapit dito dahil natatakot siya sa nararamdaman niya sa tuwing malapit ito sa kaniya. Gusto niya ito at ayaw niyang mas lumalim pa iyon. “Then, give me a chance to introduce myself to you.” anito. Kumunot na naman ang noo niya. “I’m Andrei Miguel Sanchez Del Rio,” anito at naglahad ng kamay sa harap niya. Matagal pa munang tinititigan niya ang kamay nito, kapagkuwan ay napakamot na lang siya sa kaniyang ulo at napilitang tinanggap ang kamay nito. Ayaw naman niyang mapahiya ito sa mga babaeng nakatingin sa kanila. Sa dami ring nakatingin sa kanila ay siguradong kuyugin siya ng mga ito kapag ipapahiya niya ang lalaking hinahangaan ng mga ito. “Lorelei Navarre,” pagpapakilala rin niya. Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya na mas lalong ikinainit ng mukha niya. Her heart pummeled harshly that hurts her chest completely. “So, let’s go?” Nagulat siya nang bigla na lang nitong kinuha ang backpack niya sa kaniyang balikat. “What are you doing?” gulat pa rin na tanong niya. “Driving you home,” he said and smirk. Binuksan nito ang pinto sa passenger seat ng sasakyan nito para ilagay doon ang bag niya pagkatapos ay binuksan naman ang front seat. “Look, Mr. Del Rio—hmmm.” Agad nanlaki ang kaniyang mga mata nang bigla na lang siya nitong hinigit at hinalikan sa kaniyang mga labi. Natuod na lang siya at hindi nakakilos. Nanlalambot din siya na kung hindi lang siya nito hawak ay baka kanina pa siya natumba. “I told you to call me, Andrei Miguel, right?” anito nang pakawalan na nito ang mga labi niya. Nakatanga pa rin siya habang nakatingin lang sa lalaki, hindi pa rin makapaniwala sa ginawa nito. “Call me, Mr. Del Rio again and I will kiss you again.” Naramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya at iginiya siya pasakay sa kotse nito. Natauhan lang siya nang nasa loob na siya ng sasakyan nito. Mabilis niyang pinihit pabukas ang pinto sa gilid niya pero naka-lock na iyon. "Buksan mo ' to." mariing utos niya sa lalaki, ngunit tila wala itong narinig na nagkakabit lang ng seatbelt nito. “Mr—Andrei,” bawi kaagad niya nang muntik na naman niya itong matawag sa apilyedo nito. Narinig naman niya itong mahinang tumawa at sinimulan ng patakbuhin ang sasakyan nito. “Seems you don’t like my kiss, huh?” he said and smirked at her. Napapikit na lang siya sa pagpipigil ng inis dito at sa sarili niya. Pero hindi ba niya iyon nagustuhan? But it was her first kiss! At hindi iyon ang in-expect niya! “Bakit mo iyon ginawa?” tanong niya sa nagpipigil pa rin na ‘wag itong masigawan. “Anong iisipin ng mga taong nakakita sa pag—damn it!” malakas na mura niya nang hindi na niya mapigilan ang inis dito. Wala siyang narinig na paliwanag nito kaya naiinis na itinuon na lang niya ang tingin sa labas ng bintana. Nagulat naman siya nang bigla na lang nitong inihinto ang sasakyan. “Bakit tayo huminto?” puno ng pagtatakang tanong niya. Nakangiting hinarap naman siya nito. Tila aliw na aliw sa naging reaksyon niya sa paghinto ng sasakyan nito. “Don’t worry. I’m not gonna do anything to hurt you—” “Bakit nga tayo huminto?” ulit niyang tanong mariing boses. Hindi naman siya nag-aalala na baka sasaktan siya nito. She can protect herself. Siya nga ba? Mapoprotektahan nga ba niya ang sarili kung sa titig pa lang nito ay parang matutunaw na siya? “Because we’re here in front your house, sweetheart,” sagot nito. Napakurap naman siya at agad tumingin sa labas. Narito na nga sila sa harap ng gate ng mansion ni lola Conchitta. Natigilan siya. Paano nito nalaman itong address nila? “Paano mo nalaman na dito ako nakatira?” Sa totoo lang ay hindi niya ma-gets kung bakit sa dami-dami ng mga babaeng nagkakandarapa rito ay wala itong pinapansin at siya na bagong salta lang sa University ay siyang pinagtutuunan nito ng pansin at oras. “’Cause, I have my ways,” bale-walang sagot nito sa kaniya. “Bakit mo ba ito ginagawa?” Ito naman ang kumunot ang noo. “Ang alin?” “Ito? Iyong paglapit mo sa akin na hindi mo naman gawain. You’re known as cold-hearted guy in the University, indifferent, and distrustful to anyone except with your teammates.” Once and for all, gusto niyang malaman kung bakit nito iyon ginagawa para aware naman siya sa mga binabalak nito. At nang marendahan na rin niya ang sarili kung may balak ngang masama ito sa kaniya. Because one thing she’d realize in these past few days, that Andrei Miguel Del Rio is dangerous. At kung gusto nitong makipaglaro sa kaniya, then mabuti na iyong handa siya. “Dahil gusto kita,” sagot nito na ikinasinghap niya nang malakas. Nanlalaki rin ang kaniyang mga mata. Hindi niya inaasahan iyon. “Yes, lahat ng sinabi mo ay ganoon ako, pero pagdating sa ’yo ay hindi ko iyon maa-apply dahil gusto kita. And if you want me to say sorry that I kissed you, then I won’t because I’ll be glad to do that again and again,” anito na mas lalong ikinalaki ng kaniyang mga mata. Bigla ay nakaramdam siya ng takot. Naramdaman din niya ang pag-iinit ng sulok ng kaniyang mga mata. Umiling siya, pagkuwan ay mabilis niyang tinanggal ang kaniyang seatbelt at pinihit ang pinto sa gilid niya. Nabuksan naman niya na ipinagpasalamat niya. Mabilis na kinuha niya ang kaniyang bag at agad na bumaba ng sasakyan nito. “Lorelei,” tawag nito sa kaniya kaya nahinto siya pero hindi niya ito nilingon. “I will court you, at sisiguraduhin kong magugustuhan mo rin ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD