HINDI alam ni Lorelei kung maiinis o matutuwa sa sitwasyon niya ngayon. Gusto niyang mainis dahil hindi naman siya makakalabas dito sa cabin dahil tanging t-shirt lang ang suot niya at wala siyang panloob dahil basa ang mga iyon. Gusto kasi niyang makausap sina Evander at Cairu tungkol kay kuya Randolf dahil sigurado siya na pagdating nila sa Maynila ay hindi na niya ito makausap pa kaya kailangan talaga niyang makausap ang mga ito ngayon. Pero hindi niya iyon magagawa sa ganitong suot niya. Hanggang sa hita lang kasi niya umabot ang puting t-shirt na ipinasuot sa kaniya ni Andrie at wala siyang suot na panloob. Bakat din ang malulusog niyang dibdib at nakakahiya kung lalabas siya ng ganito ang hitsura. Okay lang sana kung mga babae ang kakausapin niya. “Are you done?” Napaigtad siya

