TAHIMIK na pinagmamasdan lang ni Lorelei ang kanilang dinadaanan papunta sa penthouse ni kuya Brixton. Gano'n din ito na panay lang ang dotdot sa cellphone na kanina pa nito hawak-hawak. Siguro parte na naman ng trabaho nito. They are now in the Philippines. She’s here already, pero pakiramdam niya ay hindi niya kilala ang bansa kung saan siya ipinanganak. She felt like a stranger in her own country. Nang sabihin niya sa kaniyang ama na gusto na niyang umuwi rito sa Pilipinas ay kaagad naman itong sumang-ayon na sobra naman niyang ikinatuwa. Akala niya ay pipigilan siya nito lalo pa at hindi ito kasama sa pag-uwi pero hindi, ito pa nga ang atat na atat na makabili kaagad sila ng plane ticket. May driver din na sumundo sa kanila sa airport pero sa tingin niya ay hindi lang ito basta dr

