“YOU did great!” nakangiting sabi ni Dra. De Sandiego kay Lorelei. Isang buwan ding nakaratay lang si Lorelei sa kama dahil iyon ang utos ng Doktora para mabilis maghilom ang sugat sa tiyan niya. But aside from that, she knew there was something else Dra. Chel was avoiding that could happen when she moved uncarefully. At iyon ay ang pagputok ng linen na nakabalot sa droga na nasa loob ng tiyan niya. “Puwede ka na ulit makipag-wrestling sa mga kalaban mo.” sabi pa nito nang hindi man lang siya nagsalita. Biglang dumilim ang mukha niya. Nagtagis ang mga bagang at mariin niyang naikuyom ang dalawang kamay niyang nakapirmi lang sa tagiliran niya. May araw rin kayo, sa akin. She thought. At kapag darating ang araw na iyon. She will show them no mercy. Lahat ng mga pananakit ng mga ito sa ka

