SUNUD-SUNOD na buntonghininga ang pinakawalan ni Lorelei. Matindi rin ang pagpipigil niya na hindi maiyak. After what she did, she didn't really expect him to treat her right. Pasalamat na nga lang siguro siya at hinayaan pa siya nitong makaalis at hindi ito tumawag ng mga pulis para ipahuli siya. Napahawak siya sa tapat ng kaniyang dibdib. Akala niya ay nawala na ang pakiramdam na iyon kapag nakikita niya ang lalaki pero hindi pa pala. Tatlong katok ang narinig niya mula sa labas ng pintuan ng kaniyang kuwarto. Kasabay naman niyon ay ang pagbukas ng pinto pero hindi pa rin siya gumagalaw sa kaniyang pagkakahiga sa kaniyang kama. Kahapon pa siya na narito lang sa loob ng kaniyang ang kuwarto. Matapos kasi ang graduation ceremony nila ay mabilis siyang nag-aya sa kuya Logan niya na uuwi

