bc

The Amnesiac Husband Is The Ruthless Mafia Boss—Chevy Winkler

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
dark
HE
dominant
badboy
mafia
bxg
lies
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Chevy Winkler, ang panganay sa anim na anak ng mafia boss ng Golden Mafia Family ngunit siya ay anak lamang sa labas. Sa kabila ng katotohanang ito, siya pa rin ang napupusuan ng ama na humalili bilang mafia boss ng GMF. Ang desisyon na ito ay hindi mapapayagan at matatanggap ng limang nakababatang mga kapatid ni Chevy. Dahil dito, ipinapatay ng limang magkakapatid si Chevy.Nagluksa ang Winkler family, ngunit lingid sa kanilang kaalaman, si Chevy ay buhay at nasa pangangalaga ng babaeng nagngangalang Fiorella Lopez.Si Fiorella, isang napakaganda, inosente, at napakahinhing tagapagmana. Ngunit ang kaniyang kainosentehan at pagiging mahinhin ay maglalaho dahil ipinambayad siya ng ama sa isang kasalanang kailangang pagbayaran. Ipinambayad siya ng ama kay Ciro Winkler, ang pangalawang kapatid ni Chevy.Sina Chevy at Fiorella ay parehong itinuturing ng patay at iyon ay dahil sa magkakapatid na Winkler. Subalit ang pagkakataong ibinigay kay Fiorella upang mabuhay ay ginamit niya upang maghiganti sa mga Winkler sa pamamagitan ng isang Chevy Winkler na walang maalala kahit ano tungkol sa pagkatao nito...Ngunit sa sandaling magbalik na ang alaala ng tunay na mafia boss ng GMF, kamumuhian nito si Fiorella at gagamitin upang makabalik sa dating buhay at pasasakitan bilang paghihiganti sa paggamit nito sa kaniya noong mga panahong nasa kaniyang kahinaan pa siya...

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Chevy and Fiorella
Isang malakas na pito ang nagpahinto kay Chevy sa walang tigil na pagsuntok niya sa mukha ng isang lalaking halos hindi na gumagalaw sa pagkakahiga sa semento. Kaagad siyang umalis mula sa pagkakatungkod ng tuhod niya sa tiyan ng lalaki at mabilis ng tumakbo palayo roon. Tiyak niya kasing pito ng pulis ang narinig niya at hindi naman siya makakapayag na mahuli nang dahil lang doon sa lalaking lasing na nakasalubong niya. Nananahimik kasi siyang naglalakad pauwi nang mabangga siya ng lalaking lasing na iyon at pagkatapos ay bigla siya nitong sinigawan. Hindi mahaba ang pasensiya niya sa mga ganoong bagay kaya walang sabi-sabi niya itong binigwasan sa mukha. Hindi niya na tinigilan ang lalaki hanggang sa bumagsak na nga ito sa gilid ng daan. Hindi pa siya nakuntento at halos kubabawan niya na ito habang patuloy pa ring sinusuntok ang mukha nito. Nang matiyak niyang hindi na siya masusundan ng pulis, tiyak ang mga hakbang na naglakad siya pabalik ngunit sa ibang daanan siya dumaan. May kailangan siyang balikan. Huminto siya sa isang matarik na hagdanan na gawa sa metal. Tiningala niya iyon at pipito-pitong umakyat. Taga squatter's area siya kaya masasabi niyang ang lugar na kinaroroonan niya ng mga sandaling iyon ay hindi rin nalalayo sa tinatawag na iskwater. Nang mapatapat na siya sa tapat ng kulay pulang pinto ay kumatok na kaagad siya. Napangisi siya nang bumukas kaagad ang pinto. "Good evening, ho, tatay," ang bati ni Chevy. Ngunit gulat ang rumehistro sa mukha ng isang kalbong lalaki na walang suot pantaas at nasa edad singkwenta. Kaagad nitong isinara ang pinto ngunit nakaharang na pala ang kaliwang paa ni Chevy. "Put*ng ina..." Pigil ang boses na bulalas ni Chevy dahil sa sakit na naramdaman sa kaniyang kaliwang paa. Takot na takot na napaatras ang lalaki palayo sa pinto. "P-Patawad..." Ang nahihintakutang sambit ng lalaki kay Chevy. Dumura muna si Chevy malapit sa kaniyang paanan bago sinipa ang pinto at tuluyang pumasok sa bahay ng lalaki. "Ilang taon ka na ba, tatay?" Kalmadong tanong ni Chevy. Napalunok ang lalaki at tila ayaw magsalita. "Matuto kang sumagot kapag tinatanong ka," mahinahong sabi ni Chevy kasabay ng isang malakas na sipa sa dibdib ng lalaki. Napaubo ang lalaki at napahawak sa dibdib nito bago hirap na sumagot. "F-Fifty-three." Napabuntong-hininga si Chevy. "Napakatanda mo na pala ay pakialamero ka p," iiling iling si Chevy. "P-Patawad..." "Pasensiya na, hindi uso sa akin ang magpatawad mula pa noong bata ako," sagot ni Chevy bago nito sinipa sa mukha ang lalaki. Kinuha ni Chevy ang nakita nitong pala malapit sa may pinto. Hinawakan niya iyon nang mahigpit at walang habas na pinaghahampas ang mga paa't kamay ng lalaki. Hindi pa siya nakuntento ay binaliktad niya naman ang pagkakahawak sa pala. Ang hawakan ng pala ay ginamit niya upang ihampas naman sa bibig ng lalaki. Duguan ngunit humihinga pa ang lalaki nang ihinto na ni Chevy ang ginagawa. Naglakad ito palapit sa bintana at sa bandang malayo ay nakita niya ang kalsada kung saan may binugbog siya kanina. "Magsumbong ka ulit sa pulis, isusunod ko itong pamilya mo," banta ni Chevy sa lalaki habang nakatingala sa picture frame na nakasabit sa dingding. Lumabas na si Chevy at bumaba sa matarik na hagdanan. Kaninang may binubugbog siya sa kalsada, nasulyapan niya ang bahay na iyon at kita niyang may nakasilip sa bintana. Hindi man siya ganoon kasigyrado, duda niyang ang lalaki ang tumawag ng pulis dahil nakita siyang may binubugbog. Pinakaayaw niya ay mga taong mahilig makialam nang hindi alam ang sitwasyon kaya naman binalikan niya ang lalaki at tinuruan ng leksiyon. Siya lang naman si Chevy Winkler, pero mas ginagamit niya ang apelyido ng ina kapag nagpapakilala siya, Chevy Del Rosario. Sa edad niyang thirty three, marami na siyang natutunan sa buhay. Una na doon ay ang magsurvive sa mapait na kapalaran. Marami na siyang kinasuungang panganib at lahat ay nalagpasan niya. Natuto siyang magnakaw sa edad niya na disisais noon para sa kaniyang may sakit na ina. Sa murang edad ay madalas na siyang habulin ng mga pulis. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Galit na galit din ang kaniyang ina noon dahil gusto nitong magtapos siya. Pero anong magagawa niya? Uunahin niya pa ba iyon sa dami ng pinagdadaanan niya? Ang mga kaklase niya noon ay grabe kung itrato siya. Wala siyang kalabanlaban noon dahil mahina pa siya. Subalit lahat ng napagdaanan niya ay naging paraan upang makaligtas siya sa mundong ginagalawan. Ngayon nga na hindi na siya teenager o underage, madami na siyang pinasok na itinuturing na kalaban ng batas. Pero walang problema sa kaniya hanggat iyon ang nakakatulong sa buhay niya. His father, hindi niya man lang ito nakilala subalit dala niya ang apelyido nito. Judging by the name, Winkler, may hinala na siyang mayaman ang kaniyang ama. Kaya naman ganoon na lamang katindi ang galit niya dahil hindi man lang siya binigyan ng magandang buhay. Marami siyang katanungan. Why would his father abandon him? Why did he left? Mga katanungang ilang beses na rin niyang itinanong sa ina ngunit walang kasagutan. Now, he's trying to survive. To survive, he grew up to not be just a man, but to be a monster. To conquer world. That's what he believes. Ipinangako niya sa sariling wala ng sinumang aapi sa kaniya kahit na wala siyang pera. Sinigurado niyang siya ang katatakutan ng kahit na sino. Kaya ganoon na lamang siya kasensitibo sa mga taong masasama ang tingin sa kaniya o kahit pa sa mga taong nakikialam sa mga ginagawa niya o desisyon niya sa buhay. Katulad na lamang ng dalawang lalaking halos mapatay niya sa gabing ito. Ang lasing na lalaking bumangga at bumulyaw sa kaniya at ang lalaking tumawag ng pulis dahil lang sa binubugbog niya ang lalaking bumulyaw sa kaniya. There's no one who can lay a finger on him. Not to Chevy Del Rosario or Chevy Winkler, whatever his name is. ....................... "Y-You can't do this to me, dad..." Gumagaralgal ang boses na sabi ni Fiorella. "This is not just for me, Fiorella. This is also for you and for all the wealth you're going to inherit!" Katwiran ni Fio Lopez, ang ama ni Fiorella. Tuloy tuloy lang sa pagluha ang mga mata ni Fiorella. "Someday, you'll understand me, hija..." Hirap na saad ni Fio. "Don't do this to me, dad... H-Hindi ko kailangan ang kahit na anong yamang sinasabi mo... K-Kung ang kapalit din naman niyan ay ang pagbebenta mo sa akin!" Malakas na sabi ni Fiorella. Nilagok ni Fio ang alak na laman ng basong hawak nito. "I'm done explaining things to you, Fiorella. Ayusin mo na ang sarili mo dahil parating na ang sundo mo," wika lamang ng ama. Sunod-sunod na iling ang sagot ni Fiorella. "H-Hindi ako sasama sa kanila..." "You don't have a choice...", Blangko ang mukhang sagot ng ama. "P-Please, dad..." Sinubukan muling magmakaawa ni Fiorella. "If only mom... Don't do this to me..." Napapikit ang ama. "Pagdating mo doon ay kailangan mong makisama, Fiorella. At huwag mong gamitin ang mommy mo para konsensiyahin ako... Alam mong para sayo ang lahat ng ito. Nagkamali ako, oo, pero itatama ko ang lahat at kailangan ko ang kooperasyon mo..." Humigpit ang hawak ng ama sa baso. "D-Dad..." Ilang sandali pa ay bumukas na ang malaking pinto sa malapalasyong bahay na iyon. Bumungad ang lalaking katiwala ng mga Lopez. "Don Fio, nandito na po ang sundo ni Señorita Fiorella..." Tumango si Fio. "Ikaw na ang maglabas kay Fiorella, Sidio..." Wika ng ama. "No... No..." Patuloy sa pag-iyak si Fiorella. Hinarap ni Fio ang anak, puno ng lungkot ang kaniyang mga mata ngunit kailangan niya iyong gawin. "Anak, isang araw lamang... Pagkatapos ng gabing ito ay—" "No! I will not go there no matter what you say, dad!" Sigaw ni Fiorella. "Need help?" Napalingon sila sa lalaking basta na lamang bumungad. "C-Ciro... W-What are you doing here?" May kabang tanong ni Fio sa binatang bumungad. Napangisi si Ciro. "I know that this will happen... Kaya sumama na ako sa pagsundo sa aking prinsesa..." Sukat doon ay tumakbo si Fiorella paakyat sa hagdanan ngunit napasigaw siya nang may malalaking braso na pumigil sa kaniya. "P-Please, don't hurt her..." Pigil ni Fio sa lalaking madiin ang pagkakahawak kay Fiorella. "Let's go. Bitbitin mo na siya nang makaalis na tayo. Kailangang makabalik tayo ng Cebu ngayong gabi bago pa malaman ni papa na wala ako ngayon doon," patay-malisyang utos ni Ciro sa lalaking may hawak kay Fiorella. "Please take care of my daughter, Ciro," nakayukong sabi na lamang ni Fio. Nagsisigaw nang nagsisigaw si Fiorella ngunit namaos lamang siya dahil wala namang tutulong sa kaniya. Tuluyan siyang naisakay sa limousine na naghihintay. Kahit anong palag niya sa loob ay sadyang malakas ang lalaking nakabantay sa kaniya at nakatitig lang naman si Ciro. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa utak ng Cirong iyon. Wala siyang magawa kundi umiyak at umaasang babawiin pa rin siya ng ama. ................... Napabalikwas ng bangon si Fiorella. Inilibot niya ang paningin sa loob ng kuwartong iyon. Napakunot noo siya dahil ang pagkakatanda niya ay nasa loob lang siya ng sasakyan. "Finally! Nagising na rin ang prinsesa." Takot na napaatras sa dulo ng kama si Fiorella nang makita si Ciro. "W-Where am I?" Ngumisi lang si Ciro bago ito tumayo at naglakad papunta sa mesa. Sinindihan nito ang kandilang nasa ibabaw ng cake at saka iyon dinala kay Fiorella. "Happy twenty-ninth birthday, Fiorella," pagngisi ni Ciro na nagpakilabot kay Fiorella. "L-Let me go, please..." "Uh-huh," pag-iling ni Ciro. "Starting tonight, you're mine." Nangilabot lalo si Fiorella. "Ang ibig kong sabihin, tonight, akin ka. Pero hindi ibig sabihin non ay pupuwersahin na kita. I'm willing to wait, baby," ani Ciro bago nito hipan ang kandila sa cake na hawak. "No..." Muling napaluha si Fiorella. "If you want to get over this, huwag mo ng patagalin. Dahil kung panay no ang sasabihin mo sa akin, tiyak na magtatagal ka sa poder ko. So, it's your choice."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.8K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook