Episode 4 (Steven POV)

1695 Words
Hawak-hawak ko ang sintido habang bumababa ng hagdan papuntang dining area. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang kaunting kirot ng sintido ko dahil sa ininom kong alak kagabi. Nagulat pa ako ng kaunti ng may tumapik sa akin na siyang ikinalingon ko. "Hey bro." Si Marco. "Nakailang round ka?" Bigla namang sumingit ang panganay kong kapatid. Ni hindi ko napansin kong saan ito nanggaling. Sabay-sabay kaming patungo ng dining. Tipong inaantok ka pa nang bigla ka na lang matawa dahil sa sinabi nito. Pati yata sakit ng ulo ko naglaho dahil sa kalukuhan nito. Ito rin ang gusto ko sa mga ito eh, tipong madalas mga seryosong tao, ngunit mababaliw ka naman kapag nagbiro na ang mga ito. Simpleng banat pero matatawa ka na lang bigla. Paano ba naman kasi, hindi ko alam kung kailan ito magsasalita ng kalukuhan at kung kailan magsasalita ng kaseryosohan. Katulad ngayon. Umagang-umaga pa lang, pinapatawa na ako nito dahil sa maruming isipan nito. "Are you serious?" natatawang tanong ko. "What do you think?" nakangising tanong nito. Natatawa naman ako habang napapailing. "Wala akong ginawang kababalaghan kagabi. Uminom lang ako," wika ko sa mga ito. Sabay pa ang mga itong tumingin sa akin. Tingin na hindi naniniwala. "Isang himala." Napahagalpak tuloy ako ng tawa dahil sabay pa ang mga itong nagsalita. Sino ba naman kasi ang maniniwala kung pumunta ako ng bar tapos walang nangyaring kababalaghan. Sanay na kasi ang mga ito sa akin. Kahit nga ang mga ito, once na pumunta ng bar tiyak, titikim ang mga ito. Pero hanggang doon lang. Never ko pang nalaman na nagkaroon ang mga itong serious relationship. Siguro dahil na rin sa trabaho o baka walang makitang babaing makakapasa sa taste ng mga ito. Pangarap kasi naming magkakapatid iyong katulad sa Queen namin. Walang iba kun'di ang mommy namin. Mapagmahal at si daddy lang talaga ang mamahalin. Sa panahon kasi ngayon, hirap ng makatagpong matinong babae. Kaya siguro hindi naniniwala ang mga ito sa akin. Pero iyon naman ang totoo, hindi ako nag-aksayang tumikim ng babae dahil ang laman ng puso't isip ko ang babaing nakita ko sa ibang bansa. Alas kuwatro ng hapon. Nangunot ang noo ko ng mapansin kong may mga tauhan sa private room kung saan madalas kaming tumambay ng mga kapatid ko kapag nagpapapawis ng katawan. Naroon din si dad at ang mga kapatid ko. "Anong mayroon?" tanong ko sabay upo. Pansin ko ang pagngisi ng dalawang kapatid ko habang seryoso naman ang mukha ng daddy namin. "Matagal-tagal ka na ring 'di nasasanay, anak. Kaya kailangan naming makita kong eneensayo mo pa rin ba ang itinuro sa iyo ng mga Secret Agent noon," wika ni dad na ikinagulat ko. "What?" kunot ang noong wika ko sabay tingin sa mga tauhang naroon. Limang tao ngunit matatangkad at malalaki ang braso. Ngunit hindi iyon alintana sa akin. Nakakagulat lang ang sinabi ng dad ko. Anong ibig sabihin nito? Oh, this is st*pid! "Don't tell me dad--" "Yeah. Ganoon nga ang mangyayari ngayon," pagpuputol nito sa sasabihin ko. Hindi naman ako nakaimik. Wala yata sa plano ko ang ipakita sa mga ito kung anong training ang ginagawa ko sa ibang bansa. Pero mukha yatang magkakaalam ngayon. Napapailing akong tumayo. "Dad, wala ako sa mood ngayon. Baka puwedeng buka--" Palusot ko sana ng may biglang may humablot sa braso ko. At dahil hindi ko iyon inaasahan kaya muntik na akong mapasubsob. Mabuti na lang at mabilis ang kilos at balanse ko. Lihim akong napangisi habang nakatalikod sa mga ito. Napatiim-bagang din ako. "Lampa na pala ngayon ang bunso niyo boss. Baka puwede na nating--" Natigilan yata ang pagsasalita ng isang tauhan ng daddy ko ng bigla akong pumihit paharap. Alam kong 'di naitago ang galit sa mukha at mga mata ko sa pang-iinsulto nito sa akin. Naapakan yata ang ego ko nito! Bumigat ang paghinga ko ng sabihin nitong lampa ako. Hindi ko napigilang mapakuyom ng kamao. "Huwag bunganga mo ang pairalin mo at baka kainin mo ang sariling iniluwa mo," makahulugang wika ko. Ramdam kong galit na ako ng mga oras na iyon. Hanggang sa makita ko ang senyas ng daddy ko sa mga tauhan nito. Sabay-sabay yata ang mga itong sumugod sa akin. At dahil unang sumugod ang mapangahas na nagsalitang lampa raw ako kaya naman binigyan ko ito ng napakalakas na sipa sa dibdib at sa mukha nito. Sisiguraduhin kong hindi ito makakabangon dahil sa lakas ng impact na ginamit ko rito. Bumulagta ito sa harapan ng daddy at mga kapatid ko. Hindi na ako nagulat ng sumuka ito ng dugo. Gulat na tumingin sa akin ang daddy ko at mga kapatid ko sa akin. Pati yata iyong apat na tauhan biglang napaatras ng makitang naglalagablab sa apoy ang mga mata ko sa galit. Sa lahat ng ayaw ko ang iniinsulto ako lalo na kung tauhan lang ito ng daddy ko. Nang akmang lalapitan ko pa sana ito upang patikimin ng malutong na suntok ng humarang ang panganay kong kapatid. Tumitig ito sa akin. Gumuhit naman ang ngisi sa labi ko at napamulsa sa harapan ng mga ito. Nang bigla kong hugutin ang baril sa ding-ding na malapit sa akin. Sa isang kisapmata pumutok iyon sa legs ng tauhang nakasalampak pa sa sahig. Nanlaki ang mga mata ng daddy at mga kapatid ko. Lalo yatang napaatras ang apat pang tauhan na naroon. "What the hell are you doing?!" sigaw ni daddy. Inihipan ko pa ang ulo ng baril na hawak-hawak ko. Rinig ko pa rin ang impit na ungol ng tauhan nito. "Ipinaalam ko lang sa mayabang niyong tauhan kung sino ang lampang tinutukoy niya. Ipinamulat ko rin sa kaniya kung sinong tao ang sinasabihan niya. Baka kasi nakakalimot siya na isang Hamish ang kinakalaban niya. Masyado yatang confident ang tauhan niyo dad, dahil kayo ang boss niya. Hindi niya alam na kaya ko silang patayin mismo sa harapan niyo." Ramdam ko ang pagsinghap ng daddy ko. Titig na titig rin ang dalawa kong kapatid sa akin. Nang tumingin ako sa tauhan nitong nasa sahig, pansin ko ang pamumutla ng mukha nito. At sa isang kisap-mata kinalas ko ang baril sa harapan ng mga ito. Isa-isang nagkandalaglag sa sahig. Hindi makapaniwala ang tingin ng daddy at mga kapatid ko. "So, pasado na ba ako?" Sabay ngisi at talikod sa mga ito. Iniwan ko ang mga itong walang sinumang nakapagsalita. Pansin ko rin ang pagbibigay daan sa akin ng apat pang mga tauhan nito habang nakayuko ang mga ulo. Nagpalipas ako ng oras sa likod bahay kung nasaan ang malawak na swimming pool. Hanggang sa marinig ko ang mga yabag na papalapit sa akin. Ni hindi man lang ako nag-aksayang lumingon. Hanggang sa maramdaman ko ang pag-upo ng mga ito. Tumiim-bagang ako ng may tumikhim sa mga ito. Halatang nagpapapansin. "Hey bro. Are you mad?" Sabay tapik sa 'kin ng kapatid kong si Marco. Doon naman ako tumingin. Nangunot pa ang noo ko ng pareho ang mga itong nakangisi. Para bang natutuwa pa ang mga ito. "Anong nakakangisi?" seryosong tanong ko. Ito ang isa sa pag-uugali ko. Kapag wala ako sa mood o bad trip ako, nawawala ang pagiging bunso ko. Nawawala rin ang matamis kong ngiti sa mga labi. At magkasalubong din ang makakapal kong kilay. "Ang pagkakaalam namin, malamig sa Europe. Pero mukha yatang mabilis kang uminit?" nakangising wika rin ng panganay na si Marnix. Hindi ako umimik. Hanggang sa may umakbay sa akin. Ang daddy. Pansin ko ang pagiging proud nito sa mga mata nito. Hanggang sa ngumiti ito sa akin. Nang mapalingon ako sa dalawa kong kapatid na lalaki dahil tumawa ang mga ito. Kunot naman akong tumingin sa mga ito. "Son, huwag ka nang magalit sa tauhan natin. Ini-utos ko iyon sa kaniya. Pati na ang sasabihin niya sa iyo. Alam kong posible kang tumanggi kaya iyon ang ini-utos kong sabihin niya upang magalit ka at pagbigyan mo ang kahilingan ko. Ang totoo, tumanggi pa siya dahil takot ang mga iyon sa maaring kalalabasan once na magsalita siya ng ganoon. Pero dahil sinabi kong ako ang bahala at I know you because you're my son, kaya napilitan siyang pumayag kahit na kinakabahan daw siya. Ngunit hindi ko inaasahan na ganoon ka katinding magalit ngayon. You change a lot, son. But I love it." Proud pang sambit nito na ikinagulat ko. "Ini-utos niyo iyon dad? Oh sh*t!" Sabay sabunot sa ulo ko na ikinahagalpak ng mga ito. Ang isiping napagbuhatan ko ng galit ang tauhan nito kahit hindi naman pala nito kagustuhan ang mga nangyari. Nakakakonsyensya. Lalo na't binaril ko pa ito sa legs nito. Damn! "Don't worry, son. Gagaling din siya. Pero mukhang takot ng humarap sa iyo ang limang iyon at mukha ka raw nakakatakot kaysa sa dalawa mong kapatid," natatawa pang wika ni dad. "Sino ba naman kasi ang matutuwang sabihan ng lampa?" simangot na wika ko. Tumawa na naman ang mga ito. "Kaya nga iyon ang naisipan kong sabihin niya para lumabas ang dugong Hamish sa iyo. Alam ko naman na umiiral ang kabutihan diyan sa puso mo at puro business minded ka lang, 'di tulad namin na sa giyera ang pinupuntahan. Kaya gusto ko lang makita kong kaya mo bang lumaban mag-isa kung sakaling nasa panganib ka, na hindi ko naman gustong mangyari." Napabuntong-hininga naman ako ng malakas. "Don't worry dad. Isa akong Hamish. Kaya wala kang dapat ikatakot o ipag-alala. Maliban na lang kung 'di ako totoong Hamish at inampon niyo lang pala ako," pagbibiro ko na ikinatawa ng malakas ng dalawa kong kapatid. Tiningnan naman ako ni daddy ng pamatay na tingin. Napalunok naman ako sabay peace sign. "Huwag na huwag kang magbibiro ng ganiyan sa harapan ng mommy mo. Baka biglang tumaas ang blood pressure noon." Sumaludo naman ako rito na ikinatawa lang ng mga kapatid ko. "Where are you going?" tanong ng mga ito ng tumayo ako. "Nasaan iyong tauhan niyo dad?" tanong ko. "Bakit? Babarilin mo rin ba iyong kabilang legs?" pagbibiro ng kapatid kong si Marco. Tiningnan ko naman ito ng matalim na ikinangisi nito. "Hihingi ng apologize. Happy?" Ngiting hilaw ang ibinigay ko na ikinatawa lang nito. Lumapit naman ang daddy at inakay ako nito. Nag-tumbs up pa ang dalawa kong kapatid sa 'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD