Araw ng lunes.
Nakakaramdam na ako ng gutom ngunit pinilit kong balewalain para lang matapos ang mga papeles na kailangan kong tapusin. Ito ang huling araw ko sa trabaho.
Nahirapan man akong magpaalam sa mga katrabaho at kakilala ko ngunit kailangan, alang-alang sa buhay ko't mga magulang.
Napakagat-labi ako ng masiyakapan at iyakan ang mga ito. Pati tuloy ako napapaluha sa kalungkutan. Alam ko namang mamimiss ko ang mga ito.
"Ang daya mo naman, Ann. Iiwan muna kami. Mawawalan na tuloy kaming napakagandang dilag at napaka-sexy model," wika ng kaibigan kong bakla.
"Kaya nga. Pero kung anuman iyang tunay mong dahilan, susupurtahan ka namin. Basta anytime na bumalik ka, bukas na bukas ang company para sa iyo."
"Yeah. Mahihirapan lang kaming makahanap ng kasing ganda at sexy mo. Hirap kayang maghanap ng may lahi."
"Sorry guys. Gustuhin ko mang manatili ngunit may pinakamahalaga kasi akong gagawin na sa ngayon, 'di ko muna puwedeng sabihin. Sana maintindihan niyo. Matapos lang talaga ito, babalik din ako," wika ko sa mga ito.
"Promise 'yan ha?" sabay-sabay pang wika ng mga ito.
Kaagad naman akong napatango kahit alam kong wala akong kasiguraduhan kung babalik pa nga ba ako sa trabahong ito.
Itinanggi ko naman kasi sa mga ito ang nangyari nakaraang linggo. Kahit posibleng may ilan sa kanila na nag-iisip na posibleng dahil doon kaya ako aalis ng trabaho.
Kumaway pa ako sa mga ito palabas ng building.
Naglalakad na ako palayo ng marinig ko pa ang boses ng bakla kong katrabaho.
"Napaka-sexy talaga ni Annabelle. Nakakaiyak lang na biglaan siyang umalis!"
"Mahihirapan tayong makahanap ng katulad niya."
Malungkot akong napangiti habang nagpatuloy sa paglalakad.
Nakasuot akong sexy fitted black dress backless kaya naman kitang-kita ang kaputian at bilugan kong legs. Ang kurbada ng katawan kong bakat-bakat sa suot kong fitted dress.
Itinali ko rin ang mahaba kong buhok kaya naman kitang-kita ang likuran ko at batok ko.
Ang mga tauhan naman ni daddy nasa paligid lamang. Hanggang sa makalabas ako ng building.
Nasa byahe kami pabalik ng bahay ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napabuntong-hininga ako ng magsimula ang matinding traffic.
Halos isang oras yata bago umusad ng mabilis ang mga sasakyan ngunit patuloy pa rin ang malakas na ulan.
"Tito Dante, ihinto niyo na muna ang sasakyan diyan sa restaurant. 'Di ko na kanyang pigilan ang gutom ko," wika ko.
"Sige, Miss Ana." Hanggang sa tumingin ito sa driver.
"May mga bagong tauhan po bang kinuha si Daddy, Tito Dante?" tanong ko.
Iniisip ko kasi iyong tinutukoy ni daddy na kukunin Personal Bodyguard ko na hanggang ngayon wala pa. Hindi ko naman alam kung anong problema, 'di ko na rin kasi tinanong pa si daddy lalo na' t kampante naman ako't narito si Tito Dante.
Pasalamat nga akong pumayag si daddy na lumabas ako ngayon kahit wala pa ang tinutukoy nitong Personal Bodyguard ko.
Naisip ko ring tanungin si tito at mukhang bago sa akin ang driver namin ngayon. Nakasuot itong itim na subrero kaya hindi ko maaninag ang mukha nito.
Napansin ko rin kanina na may bagong mga mukha sa tauhan ni daddy kaya naitanong ko ito kay Tito Dante.
"Mayroon, Miss Ana."
Hindi na ako umimik ng humimpil ang sasakyan.
Napatingin ako sa lalaking nakasumbrero na alam kong ito ang driver namin. Nakahawak ito sa payong habang hinihintay akong bumaba.
Tumango lang si tito sa akin. Kaagad naman akong humawak sa braso ng driver namin na stranghero pa sa akin at naglakad papasok sa restaurant.
Hindi ko maintindihan kung bakit naka-mask ang lalaking ito. Naiinis din ako sa sarili kung bakit ba ako kinakabahan habang magkalapit kami nito sa iisang payong.
Napakabango ng pabango nito. Lalaking-lalaki ang datingan.
Napasigaw ako ng muntik na akong matapilok. Mabuti na lang mabilis ang lalaking driver namin ng hawakan nito kaagad ang baywang ko.
Ngunit kaagad din akong napadistansya. Hindi yata tamang nahawakan nito ang katawan ko. Wala pa sa tauhan ni daddy ang nakakahawak sa balingkinatan kong katawan.
Maliban na lang kay tito, nang sakipin ako nito sa barilan nakaraang linggo.
"I'm sorry, Senorita."
Napalunok ako ng marinig ko ang baritonong boses nito.
Para bang napakasimpatiko ng boses nito. Akala mo eh, napakaguwapo nito. Kung pagmamasdan kasi ang tangkad at pangangatawan nito, parang ganoon nga ito.
Pero 'di naman sa pagiging judgemental, sa dami ko nang nakitang tauhan ni daddy, wala pa akong masasabing guwapo katulad ng nasa imahinasyon ko ngayon sa kaharap kong ito. Kung bakit naman kasi palaging nakayuko sa tuwing titingnan ko ito. Nakasumbrero pa at naka-mask na itim.
Dumistansya ito ng kaunti sa akin. Hindi na lang ako umimik at ang lakas bigla ng kabog ng dibdib ko.
At dahil sa traffic, inabot na kami ng alas-7pm ng gabi. Kaya naman nanginginig na ako sa gutom.
Pumasok kami sa loob ng restaurant. At tulad ng dati sa tuwing kakain ako sa labas, hindi nakikihalubilo ang mga tauhan ng daddy ko kahit si Tito Dante sa table ko. Sa kabilang table ang mga ito.
Habang naghihintay ako ng orders ng mapansin ko ang isang grupo na nagsipasukan.
Malakas pa rin ang ulan sa labas.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng kalabog sa dibdib ng sa akin kaagad ang tingin ng mga ito. Hindi naman ako judgemental na tao, ngunit sa nakikita ko sa mukha ng mga ito, hindi mapagkakatiwalaan. Nakakatakot kung tumingin lalo na ng ngumisi ang isa sa mga ito sa 'kin.
Napalunok ako at mabilis ibinaling ang tingin sa ibang bahagi.
Nang mapatingin ako kila Tito Dante. Napansin ko rin ang mga tingin nila sa mga taong kakapasok lang.
Napatingala ako ng umalis sa upuan nila Tito Dante ang bagong tauhan ni daddy. Ang driver namin.
Nasundan ko ito ng tingin ng umupo ito sa kabilang table kung saan sa likuran ko.
Hanggang sa bigla akong mapabaling sa pintuan.
Nataranta ang mga mata ko ng isang grupo ulit ang pumasok. Doon na ako nakaramdam ng matinding takot. Lalo na't nakaitim ang suot ng mga ito habang may patong na jacket na itim.
Babangon na sana ako sa pagkakaupo upang yayain ang mga tauhan ni daddy na umalis na lang ng biglang mamatay ang ilaw na ikinahiyaw ng mga taong nagsisikainan.
Nahintakutan ako ng may biglang tumakip sa bibig ko. Pinilit kong makasigaw ngunit malakas ang pagkakatakip sa bibig ko.
Nagpupumiglas ako ng marinig ko ang bulong nito sa akin.
"Senorita, huwag kang maingay. Ilalabas lang kita rito. Ang driver niyo ito," pagpapakilala nito.
Bigla akong natahimik. Dahan-dahan nitong inalis ang kamay sa bibig ko.
"Damn! Hanapin niyo ang babae!" rinig kong wika ng kung sino.
Pansin ko ring nagkakagulo na sa loob. At dahil madilim kaya naman nagkakabunggo-bunggo namin ang ilang customers na naroon.
Hawak-hawak ako nito sa kamay hanggang sa mapatili ako ng may biglang may pumutok.
Nanginig ako sa takot lalo na ng bitiwan ang kamay ko ng driver namin at pansin kong nakikipagsuntukan ito.
Nasaan na ba si Tito Dante..
Napaatras ako sa takot at napaiyak ng marinig ko ang sunod-sunod na putukan kahit madilim ang paligid.
Nang biglang may humatak sa akin na siyang ikinasigaw ko ng malakas. Ngunit kaagad din nakabitaw ang kung sinuman ang humawak sa akin at bigla kung naramdaman ang isang yakap sa balingkinitan ko.
"Hindi ko hahayaang masaktan ka, Senorita," matigas at baritonong sambit ng driver namin.
Hindi ko pa alam ang pangalan nito. Pero ewan ko ba kung bakit nawawala ang matinding takot ko kapag nasa tabi ko ito.