Mahigpit nitong hinawakan ang kanang kamay ko ng biglang bumukas ang ilaw. Napatili ako ng marinig ang sunod-sunod na putok sa malaking restaurant na iyon.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang lalaki na may baril na nakatutok sa direksyon namin. Hindi ito pansin ng driver namin dahil nakatalikod ito sa lalaki.
"M-may.." Hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin sa matinding takot.
Pakiramdam ko oras na iputok nito ang baril may mamatay isa man sa amin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napayakap sa bagong driver namin.
"May babaril sa likod natin!" Huling sambit ko.
"Senorita!"
Naramdaman ko pa ang matitipunong bisig nito sa balingkinitan kong katawan bago ako nawalan ng malay.
Samantalang si Steven, matinding pag-aalala ang naramdaman ng mahimatay ang dalaga.
Alam niya sa pangalawang pagkakataon na nakita niyang muli ang dalaga, alam niyang may nararamdaman na siyang kakaiba para dito.
Labis siyang humanga ng makita ito sa pangalawang pagkakataon. Kung noon masyado pa itong bata ng masilayan niya.
Pero ngayon, damn! She's so hot, beautiful and very sexy! Hindi nakakapagtakang isa pala itong model.
Para yatang tinatambol sa matinding kabog ang dibdib niya habang pinagmamasdan ito kanina na confident na naglalakad palabas ng building kung saan ito nagtatrabaho.
Halos hindi ko mapigilan ang mapalunok at mapamura na rin sa isipan. Kung puwede ko nga lang ipagdamot ang kagandahan nito. Sana ginawa ko na.
Hindi ko maintindihan kung bakit ayoko kong may ibang nakakakita ng mapuputing legs nito. Kulang na lang takpan ko ang lahat ng parte ng katawan nito na ako lang ang dapat nakakakita.
Masyado itong sexy na tiyak pagnanasahan ng kahit na sinong lalaki.
At sa isipin pa lang iyon para bang gusto ko nang makapatay ng tao.
Mabilis ko itong kinarga at 'agad inilabas ng restaurant.
"F*ck!" sigaw ko ng muntik na akong matamaan ng bala.
Gigil kong kinalabit ang baril at pinaputukan sa paa ang taong nasa labas.
Pasalamat ka, hindi ako pumapatay ng tao!
Mabilis akong pumasok sa sasakyan.
"Senorita.." bulong ko sa dalaga na hanggang ngayon wala paring malay.
"Bibilisan ko ba Sir Stev?" tanong ng isang tauhan na siyang nag-drive upang makaalis kaagad kami sa lugar na iyon.
"Yes."
Kahit na bata pa ako sa mga tauhan ni Mr. Niamh, ako ang tinatawag ng mga itong 'Sir' dahil alam nila kung saan ako nanggaling.
Maliban na lang kay Tito Dante na pinagkakatiwalaan ni Mr. Niamh na ang tawag sa akin ay 'hijo'.
Hinaplos ko ang maamong mukha ng dalaga. Damn!
Mabilis kong iniiwas ang mga mata sa mapupulang labi ng dalaga.
Kaagad kong napansin ang mag-asawang Niamh na naghihintay sa amin.
"Omg! What happened to our daughter?" Ang matinding pag-aalala ng ginang.
"Dalhin mo siya hijo, sa silid," wika ni Mr. Niamh.
Kaagad akong tumango at dinala ang dalaga sa kuwarto nito habang nakasunod ang mag-asawa.
Tinawagan 'agad ng mga ito ang Doctor upang tingnan ang nag-iisang anak nila.
"She's fine. Nahimatay lamang siya dahil sa sobrang gutom," wika ng Doctor.
"Kailan pa ba ito nagpabaya sa oras ng pagkain?" nag-aalalang sambit ng ginang.
"Huwag ka nang mag-alala. Ang mahalaga, she's safe," sambit ng asawa.
Kaagad naman akong nagpaalam sa mga ito upang magpalit ng damit. Tinapunan ko pa ng isang sulyap ang dalaga bago tuluyang umalis sa kuwarto nito.
Pagkababa ko ay siyang pagdating nila Tito Dante at mga tauhan nito.
"Ayos lang ho ba kayo?" tanong ko.
Tumango naman ito sabay tapik sa balikat ko.
"Marami lang sugatan sa mga tauhan. Ang iba naman nasawi," malungkot na wika nito.
Hindi naman ako nakaimik.
Hindi ako mapakali sa kuwarto na inilaan sa akin. Iniisip ang mga bagay-bagay para sa ikaliligtas ng pamilyang Niamh.
Hanggang sa mapatingin ako sa cellphone ng makitang tumatawag ang panganay kong kapatid.
"Yes?" sagot ko.
"Ayos ka lang ba?" bungad nito sa kabilang linya.
Napahilot naman ako sa sintido. Ramdam kong bagong karanasan ko ito lalo na't buwis buhay ang trabahong pinasukan ko.
Ngunit alang-alang sa dalaga gagawin ko ang lahat maprotektahan lang ito at ang mga magulang nito.
"Yeah. Don't worry."
"Take a rest. And later, maguusap pa tayo. Marami kang dapat pag-aralan lalo na't pinasok mo ang trabahong ito."
Bigla ko tuloy naalala kong paano ko natagpuan ang dalaga.
FLASHBACK..
Pagkapasok ko sa loob ng library ni daddy. Pansin ko ang masinsinang pag-uusap ng mga ito.
"Hindi madali ang kalaban natin ngayon," rinig kong wika ni daddy.
Ako naman itong umupo lang sa single chair na malapit sa mga ito. Wala naman akong magawa kun'di ang makikinig sa mga pinag-uusapan ng mga ito.
Ilang minuto yata ang mga itong naguusap-usap pero hindi pa rin matapos-tapos.
Napabuntong-hininga na lang ako at naisipang lumabas na lang muna at mukhang out of place na naman ako sa mga ito.
Nang bigla akong mapabaling sa table ni daddy. Napakunot-noo ako ng mapansin ang napakaraming litrato ng isang babae?
Babaliwalain ko na lang sana ng biglang may umagaw pansin sa akin. Awtomatikong napahakbang ang mga paa ko palapit sa table ni daddy.
Nanlaki ang mga mata ko at para yatang tinambol ng malakas ang dibdib ko sa kaba. Minuto yata akong nakatitig doon hanggang sa maramdaman ko ang tapik ni dad sa balikat ko.
"Hey son. Are you okay? Bakit gulat na gulat yata ang itsura mo? Do you know her?" sunod-sunod na tanong nito.
Doon naman ako parang natauhan. Tumikhim muna ako bago sumagot.
"Hmm, parang familiar lang sa akin. Pero baka nagkakamali lang ako," pagsisinungaling ko. "Anyway, anong mayroon sa babaing ito?" tanong ko.
"Well, isa siya sa kailangang protektahan. Nasa panganib ang kaniyang pamilya, lalo na ang dalagang iyan," sagot ni dad.
Ramdam ko ang matinding kaba sa dibdib ngunit pilit ko pa ring kinokontrol ang sarili. Mahirap ng mapaghalataan ng mga ito.
"What do you mean, dad?" pangungulit ko pa.
Ito ang kauna-unahang na curios ako sa lahat ng hinahawakan ng mga ito. Dati rati naman isang tanong lang, solve na ako lalo na't labas naman ako sa trabahong mayroon sila.
Ipinaliwanag naman ng kapatid kong panganay ang lahat-lahat hanggang sa..
"Kukunin ko ang misyong ito," wika ko.
Gulat ang rumihistro sa mukha ng mga ito. Ngunit ipinakita kong hindi ako nagbibiro. Ngayon pa ba na alam ko kung nasaan ang babaing matagal ko ng pinapahanap?!
And Damn! Sa dami ng lugar na puwede kong matagpuan, dito pa sa mapanganib na sitwasyon.
"Hey bro, wala tayo sa oras ng pakikipagbiruan--"
Pinutol ko ang anumang sasabihin ni Marco.
"I'm not kidding. Kailan ba ako nagbiro sa ganitong trabaho. You know na ayoko ng ganitong trabaho, pero--"
"Ayon na nga ang nakakagulat. Hindi mo gusto ang trabahong ito tapos bigla-bigla mo na lang kukunin ang misyong ito Stev? You know na hindi madali ang trabahong ito. Lalo na't hindi ka sanay sa bakbakang labanan. Ni hindi mo pa nararanasan ang pumatay ng kalaban. Don't tell me na kukunin mo ang trabahong ito dahil na love at first sight ka sa babae?" Ang mahabang wika ng panganay kong kapatid.
Mabigat naman akong bumuntong-hininga.
"Kukunin ko ang misyong ito."
Pansin kong tumitig ang dalawa King kapatid sa akin. Titig na hindi pa rin makapaniwala.
Hanggang sa tumigin ang mga ito kay daddy. Na ang ibig sabihin, sagot ng daddy namin ang hinihintay ng mga ito.
"As you wish, son. I trust you." Sabay tapik at ngiti nito sa akin.
Doon naman gumuhit ang ngisi sa labi ko.
"Sayang din naman kasi kung mapapahamak ang napakagandang dalaga na ito," bulong ni daddy na halatang sa akin pinaparinig.
Pigil naman ang ngiti sa labi ko. Sh*t! Bakit ba ako kinikilig.
Ngunit mabilis din iyong naglaho ng maalalang nasa panganib pala ang dalaga at ang mga magulang nito.
Marahas naman akong napabuntong-hininga at pabagsak na humiga.
Napabuga ako ng hangin ng rumihistro na naman ang maganda at inosenteng mukha ng dalaga.
You make me crazy, baby..
Nang makarinig ako ng katok mula sa labas ng kuwarto ko.
"Sir Stev, hinahanap ka ni Boss," wika ng isang tauhan.
Kaagad naman akong tumango rito.
Malayo-layo pa ako ngunit kitang-kita ko ang pagkabalisa sa mukha ng ama ng dalaga.
"Mr. Niamh.."
Mabilis naman itong bumaling sa akin.
"Sa library tayo hijo," wika nito.
Makalipas ang Ilang minuto ng magsalita ito.
"Hijo, lumipat ka ng silid. Doon ka sa katabi ng kuwarto ng anak ko," wika nito na ikiankabog ng dibdib ko.
Para yatang gusto kong mapangiti dahil sa sinabi nito.
"Hindi natin masasabi kung kailan tayo papasukin ng kalaban. At gusto kong malapit ka lang sa anak namin. Para anumang oras, mapoproktehan mo siya," wika nito.
"Masusunod Sir Niamh."
Bumuntong hininga na naman ito.
Palabas na kami ng library ng tumigil ito.
"At saka nga pala.."
Tulala ako habang nakamasid sa labas ng mansion ng mga Niamh. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang huling sinabi ng ama ng dalaga.
Hindi ko yata kakayanin ang hinihiling mo Mr. Niamh..
Mabigat na bulong ko sa sarili.