Episode 7 (Ana POV)

1289 Words
Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng sikmura ko. Hindi pa pala ako kumakain.. Bumangon ako sa pagkakahiga ng bigla kong maalala ang mga nangyari. "Thanks God, you're awake." Bigla akong napalingon sa kanang bahagi ko. Naroon pala ang mommy ko at mukhang hinihintay na magising ako. "Mom.." "How are you feeling, anak? May masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong nito. Mabilis naman akong umiling. "Sila Tito Dante? Ang mga kasama--" "Don't worry about them, anak. Maayos ang kalagayan nila. Kumain ka na muna at hindi ka pa pala kumakain simula kanina. Ano ka bang bata ka, kailan ka pa nagpalipas ng oras sa pagkain ha?" biglang panenermon nito. Napakagat-labi naman ako. Ang ayaw kasi nito ang magpalipas sa oras ng pagkain. "I'm sorry, mom." "Oh siya, ipapaakyat ko lang ang pagkain mo rito," wika nito. "Huwag na mom. Ako na ho ang bababa. Sa dining na ako kakain." Doon ko rin napansin na pasado alas diyes na pala ng gabi. Pati tuloy mommy ko naistorbo sa kakahintay na magising ako. Pagkalabas nito kaagad akong naligo ng mabilis. Napakagat-labi ako ng maalala na naman ang nangyari kanina. Pakiramdam ko simula ng malaman ko na may mga taong nagtatangka sa buhay namin, hindi na mawala-wala ang pagkatakot sa puso ko. Mabigat akong bumuntong hininga bago nagpasyang lumabas ng kuwarto upang kumain. At dahil alas diyes na ng gabi kaya naman napakatahimik na ng buong kabahayan. Nang bigla kong maalala ang bagong driver. Hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko lalo na ng niyakap ko ito. Nang bigla akong matigilan. Tinamaan ba siya kanina? Ipinilig ko ang ulo sa masamang naisip. Siguro naman hindi at wala naman nabanggit ang mommy. Mabilis akong tumungo sa Dining. Bigla yata akong natakam sa lahat ng ulam na naroon. Lalo ko tuloy naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko sa kagutuman. Parang gusto kong saktan ang sarili at ito ang unang beses na napabayaan ko ang sarili sa pagkain. Hirap palang malipasan ng gutom. Nakakahimatay. Sunod-sunod ang pagsubo ko ng bigla akong mabilaukan. Naghahagilap ako ng tubig sa table ng makalimutan kong wala pala akong naihandang tubig. Pakiramdam ko mamatay ako sa matinding pagkasamid ko ng may isang kamay na ini-abot sa akin ang isang basong may lamang tubig. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon, mabilis ko itong kinuha at agad uminom. Ramdam ko pa ang panunubig ng gilid ng mga mata ko sa pagkasamid ko. "Kainis!" biglang sambit ko. "Para ka kasing mauubusan eh." Bigla akong napalingon sa likuran ko. Doon ko lang naalalang may kasama pala ako. Nangunot ang noo ko. Ito ba iyong bagong driver? Bakit pati yata sa gabi naka-sumbrero ito? Nakayuko pa? Ayaw ba nitong ipakita ang mukha? Nakajacket ding itim? "Ikaw ba iyong bagong driver?" tanong ko. I hear his nodded. "Eatwell, Senorita." Nasundan ko na lang ito ng tingin. Tindig pa lang nito parang.. Hindi ko naituloy ang nasa isip ko. Buong buhay ko ngayon lang ako nagkainteres sa isang lalaki na bigyang pansin. At sa bagong driver pa namin? Ni hindi ko pa nga nakikita mukha nito eh! Kinaumagahan. Napaungol ako ng maramdaman ang init na tumatama sa mukha ko. Ito ang unang araw na tinanghali ako ng gising. Well, ito kasi ang araw na wala na akong trabaho. Patamad pa rin akong umupo sa kama habang nakapikit pa rin ang mga mata. Para yatang gusto ko pang matulog. Nang makarinig ako ng katok mula sa labas ng kuwarto ko. "Ma'am Ana, pinapababa na ho kayo ng daddy niyo. Ipapakilala raw kayo sa Personal Bodyguard niyo," wika ng isang kasambahay namin. Tumango lang ako habang nakapikit pa rin. "Anong oras na ba?" Inaantok na tanong ko. "Alas onse na ho, Ma'am Ana." Bigla yatang napamulat ang mga mata ko. Tanghaling tapat na?! Halos patakbo akong bumababa ng hagdan papuntang living room. Napansin naman ako 'agad nila daddy at mommy. Hindi rin nakaligtas sa akin ang nakatalikod na isang lalaki. "Good morning dad, mom." "Hindi na kita ginising kaninang umaga, anak at alam kong pagod ka," kaagad na wika ni mommy sa 'kin. Napangiti naman ako sa tinuran ng aking ina ng biglang magsalita si daddy. "Anyway, anak. This is Steven, ang magiging Personal bodyguard mo," pagpapakilala ng daddy ko. Doon naman napabaling ang mga mata ko sa taong kaharap namin. Muntik na akong mapasinghap sa gulat. Ramdam ko rin na namula ang pisngi ko. Bigla rin kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi maaaring... Kulang na lang mapakagat-labi ako sa mga titig nito na napakalalim. Mga tingin nitong akala mo may ibig sabihin. Kaagad kong iniwas ang tingin dito dahil nararamdaman ko ang pag-iinit ng labis ng pisngi ko. "Hi, senorita. Nice to meet you," wika ng baritonong boses nito. Hindi ko naman napigilan ang mapalunok habang nakatingin sa kamay nitong nakalahad. Mabuti na lang talaga nakalugay ang mahaba kong buhok at hindi pansin nila mommy at daddy ang pagkagulat ko. "S-same." Muntik na akong magulat ng maglapat ang mga kamay namin. Napakainit ng palad nito at lambot din. Hindi ko sinasadyang nakagat ko ang ibabang labi ko ng maramdaman ko ang pagpisil nito ng mahina sa kamay ko. Nasundan ko ng tingin ang nagngangalang Steven ng magpaalam ito sa harapan namin. Base sa kilos at pananalita nito, masyadong napaka seryoso. Ni hindi man lang nga ngumiti kanina. Oh bakit parang disappointed ka? Kasi hindi napansin ang kagandahan mo? "Are you okay, anak?" Bigla naman akong natauhan. "Ahm, yeah dad. Para kasing familiar siya sa akin. I mean, kasing tangkad siya at katawan ng bagong driver natin," wika ko na lang. Pero totoo naman. Sa tangkad at pangangatawan nito kahit nga sa boses magkaparehong-pareho. Pero hindi iyon ang totoong nagpagulo sa isip ko. Kun'di ang mga taong nakalipas. Hindi ba siya iyon? Pero bakit kamukha niya? Hindi niya ba ako natatandaan? Nawala ako sa pagmumuni ng tumawa ang mga magulang ko. Sabay akay sa akin sa paglalakad papuntang Dining. "Siya nga iyon anak," nakangiting wika ni dad na ikinahinto ko sa paglalakad. "Siya iyon? Pero akala ko-" "Hindi anak. Hindi siya driver natin. Kun'di Personal bodyguard mo. Nahuli lang siya ng dating kaya naman sumunod na lang siya sa inyo noong inaasikaso mo ang pag-resign mo sa trabaho. At mabuti na lang na sumunod siya kaagad, dahil naprotektahan ka niya sa mga masasamang tao na iyon, " mahabang wika ni dad. Naalala ko na naman tuloy ang mga nangyari. Para yatang ayoko ng lumabas ng mansion kung sa tuwing lalabas ako may mga mangyayaring barilan at p*****n. Wala sa sariling pumasok ako ng silid ko ng bigla na lang akong magulat. "Ay mahabang--?! Natigilan ako at natutop ko ang bibig ng makita ang Personal bodyguard ko sa loob ng silid ko. "A-anong ginagawa mo dito?" mahinang tanong ko. Ipinakita naman nito ang bitbit. Magtatanong sana ako ng unahan na ako nito. "Naglagay lang ako ng cctv," tipid na sagot nito. Bigla tuloy nangunot ang noo ko sabay tingala. Nang bigla ulit akong mapatingin dito. Huling-huli kong nakatitig ito sa akin. Ngunit mabilis din nitong iniiwas ang tingin. Bigla rin tuloy akong naasiwa. "Lalabas na ako senorita," paalam nito. Nasa pinto na ito ng bigla kong maalala. "Wait." Napalingon naman ito sa akin. Para yatang umurong ang dila ko. Kung makatitig naman kasi ito para bang nakikita na ang kal*l*wa ko. Tumikhim muna ako. "Hmm, nagkita na ba tayo somewhere? Para ka kasing familiar sa akin?" alanganing tanong ko. Nailang ako ng titigan ako nito ng matagal. Para yatang namumula ang pisngi ko sa paraan ng titig nito. Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang tumunog ang cellphone nito na nasa bulsa. Nanlumo naman ako ng nagpaalam na ito. Siguro hindi siya iyon. Ang nakasimangot na sambit ko sa isipan. Pero bakit kamukhang-kamukha niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD