Nakatanaw ako sa malawak na karagatan habang iniisip ang sinabi ng nakakatandang kapatid ko. Isang Mafia ang matandang nagkakagusto sa dalaga. Hindi simpleng leader kun'di ito mismo ang halos namamahala ng mga illegal na gawain. "Hindi siya madaling kalaban, bro. Sa lahat ng misyon na nahawakan namin, ito ang pinakamabigat. Maraming bansa ang pinamumunuan niya sa mga illegal na gawain. Hindi rin siya lumalantad sa lahat ng ka-business partner nito. Tanging kanang-kamay lang nito ang nakikipag-usap at nakikipagkita. " "Malas lang talaga ni Mr. Niamh at ito pa ang nakalaro niya noon." Dugtong pa nito. "Anong kailangan kong gawin?" I asked. Rinig ko ang buntong hininga nito sa kabilang linya. "Tiyak na hindi siya titigil na hindi matagpuan ang dalaga. Marami siyang komunikasyon dito sa

