Lihim kong naikuyom ang kamao ko habang pinagmamasdan ang mag-inang magkayakap. Masakit para sa akin ang makitang naluluha ang mga ito sa pag-aalala sa matandang Niamh. Ilang oras na ang lumipas ngunit wala pa ring balita sa mga ito. Hindi rin kami maaaring tumawag sa kompanya nito at baka ma-trace naman kami kung nasaan. "Wala pa bang signal?" tanong ko kay Leron na nakatutok sa laptop. "Wala pa boss." Napaupo naman ako habang sapo ang ulo. Kung nasa kapahamakan sila, sana gamitin nila ang relo kung saan maaaring ma-trace namin kung saan sila naroon. Nang sabay-sabay na tumunog ang relong nasa bisig namin. Lahat sila napatingin sa akin. "Trace them!" wika ko sa tauhan kong magaling sa computer. Hinugot ko naman ang cellphone at 'agad tinawagan ang mga kapatid. Group call para ma

