Lihim akong napalunok habang pinagmamasdan si Steven, na nakatutok sa laptop nito. Simula ng may mangyaring masama kila Daddy at Tito Dante, naging tahimik ito at palaging busy. Halos wala na itong oras sa akin. Pakiramdam ko, bigla itong nanlamig sa hindi ko malamang dahilan. Sinusubukan ko naman itong kausapin, ngunit palagi itong nage-excuse. Hindi ko alam kung sinasadya ba nitong iwasan ako. Hindi na rin ito malambing tulad ng dati. Blangko ang expression ng mukha nito sa tuwing nagkakatitigan kami. Hindi katulad ng dati na punong-puno ng pagmamahal. Aaminin ko naman na lihim akong napapaiyak sa pagbabago nito. Dahan-dahan akong lumapit dito. "Baby.." pagtawag ko. Napalunok ako ng hindi man lang ito tumingin sa 'kin. "Yes," malamig nitong tugon. "Nakahanda na ang pagka--" "Ma

