Napatitig ako sa inilapag na I. D ni Leron. "Iyan na po boss." Dinampot ko naman ang mga iyon at pinakatitigan. Ito ang bagong identity na ginawa ko sa mag-asawang Niamh. Gumamit ako ng ibang pangalan ng mga ito para hindi sila matunton oras na maipadala ko sila sa lugar na padadalhan ko sa kanila. Hindi sila maaaring manatili sa poder ko kasama ang dalaga. Hanggat maaari, ilalayo ko sila dahil hindi ko naman masasabi kong hanggang kailan ko sila kayang protektahang tatlo. Alam kong hindi madaling kalaban ang mga Mafia's. Napatitig naman ako sa bagong identity na ginawa para sa dalaga. Isabel San Lacosta "Ihanda mo ang mga tauhang kasama sa paghatid sa dalawang mag-asawa. Alam mo na kung saan kayo hihintayin ng kapatid kong si Marco." Tumango naman ito 'agad. "Boss, alam na ho ba

