"Nasaan tayo?" tanong ko kay Steven habang hawak nito ang kamay ko. Tumingin lang ito sa akin. Hanggang sa makita ko ang dalawang sasakyan na nag-aabang sa amin. "Boss." Sabay yuko ng mga ito. Pinagbuksan kami nito at kaagad naman akong inalalayan ni Steven na makapasok sa mamahaling sasakyan. Pansin ko ang pananahimik nito. Para bang napakalalim ng iniisip nito. Kahit ako man, nag-aalala para sa mga magulang ko. Gustuhin ko man itong tanunging muli, naisip kong mamaya na lang pagkarating kung saan kami bababa. I have no idea kung saang lugar na ba kami ngayon. Base sa nakikita ko sa paligid, maraming punong kahoy at mga bundok ang dinaraanan namin. Inaliw ko ang sarili habang pinagmamasdan ang malalaking puno. Pakirdamdam ko, isang probinsya ang tinatahak namin. Mahigit isang o

