Ilang araw ang lumipas ng hindi ko yata napapansin ang binata. Nagdamdam ba iyon dahil sa sinabi ko nakaraang araw? Sino ba naman ang hindi? Pagkatapos ka niyang iligtas, tapos ganoon pa ang sasabihin mo. Hindi ka na lang nagpasalamat! Kung wala siya, baka nakahandusay ka na sa kama mo dahil sa pananakit ng katawan mo. Napatingin ako sa sala. May kausap ang daddy ko. Lumapit naman ako sa mga ito. "Hi, Ma'am Ana." Ang nakangiting sambit ng secretary ng daddy. Binati ko naman ito. Madalang itong pumunta rito sa mansion dahil ito ang nagbibigay information sa nangyayari sa company ni dad. Lalo na't hindi naman makalabas-labas ang daddy dahil sa sitwasyon namin. Pati nga ito, hindi maaaring pumunta rito ng walang mga tauhan ni daddy. Mahirap nga naman at baka nasa paligid lang ang m

