Napatigil ako sa paghakbang ng makitang nasa sala ang secretary habang may hawak na laptop. Kumunot ang noo ko ng makita ang kasuutan nito. Naka-short lang naman habang nakasando. Ano bang akala ng babaing ito, pamamahay niya ito? Nakalimutan ba nitong isa nitong secretary? Hindi man lang sinabihan ni daddy?! Tinalo pa ako manamit ha! Hindi ko maintindihan kung bakit naninibugho ang pakiramdam ko. Lalo na ng makitang papasok sila Tito Dante kasama si Steven at si Leron na minsan lang lumitaw. Pakiramdam ko nga, hindi ito ang Personal bodyguard ko. Bihira ko lang yata ito makita. Rinig ko ang pagsipol ni Leron na siyang ikina-taas kilay ko. Palibhasa 'di pansin ng mga ito na nasa mataas na hagdan lang ako. "Hi, good morning sainyo!" Sabay tayo ng secretary ni dad. Lalo tuloy bumigat

