Nagising na lang akong nakaupo habang nakatali na naman ang dalawang kamay ko. Hinang-hina na ako dahil sa tamo ng mga sugat ko. Nanlalabo na rin ang paningin ko. Ilang oras na ba ang lumipas. Nakakaramdam na rin ako ng matinding gutom. Pansin ko ang mga tauhan na nasa palibot lamang. Hanggang sa makita ko ang pamilyar na sapatos. Unti-unti akong napa-angat ng paningin. "Siguro naman magsasalita ka na ngayon?" Sabay upo nito. Nasa gilid lang nito si Drago. Hindi ako umimik. "Nakikita mo ba iyang nasa gilid mo?" tanong nito. Doon naman ako napalingon. Biglang umigting ang panga ko. Masahol pa talaga sila sa masahol. "Afraid?" malademonyong ngisi nito sa akin. Tiningnan ko lang ito matalim. Ito na ang huling paghihirap na mararanasan ko sa kamay mong gago ka. At ako naman ang magp

