"Boss Scoot, sumunod ka raw sa BSB Casino. Nandoon sila Boss Drago. May importante silang inasikaso kaya nauna silang pumunta roon," wika ng isang tauhan. "Okay." Habang nagbibihis, nakakaramdam ako ng kakaibang kaba sa dibdib. Something strange. Ngayon lang yata umalis ang adik na iyon na hindi ako kasama. Simula kasi ng makapasok ako rito, hindi ito umaalis na hindi ako kasama. Paalis na sana ako ng kuwarto ng bigla akong matigilan. Ano kaya kung isuot ko ito? "Nasaan si Zelou?" tanong ko sa ibang tauhan ni Drago na kasama ko papuntang BSB Casino. "Ang alam namin, kasama siya ni Boss Drago. Tulog ka pa yata kanina kaya hiniram muna si Zelou." Hindi ako umimik. Bakit parang binubundol sa kaba ang dibdib ko ngayon? Sakay ng isang Van, patungong casino. Isa ito sa pinakamal

