Arthur Jake Gamboa POV
"I want a drink first, before we go there," saad ko at hinalikan ang balikat niya. Hindi na talaga ito makapaghintay kaya agad-agad na sinunggaban ako nito ng halik.
Hindi naman ako nagpatalo kaya nilabanan ko ang halik nito, hinawakan ko ang batok nito at mas diniin pa ang labi niya sa labi ko. f**k! Ilang araw na ba akong walang nakakasamang babae.
She moaned ng halikan ko ito sa leeg at paakyat sa labi niya. Bigla nalang na may kung anong rumehistro sa utak ko na nakapagpapigil sa akin. Tangina naalala ko ang mukha ni Ysabelle kanina ng magkahalikan kami.
"What?" tanong ng babae, hindi ako sumagot.
"Stay here, magrestroom lang ako," narinig ko pa ang reklamo ng babae, pero nagtuloy lang ako sa restroom, pagkarating ko ay agad na naghilamos ako at tumingin sa salamin.
What the f**k Arthur? Bakit bigla mo na lang naisip si Ysabelle.
Tumingin muli ako sa sarili at bumuntong hininga, kailangan ko ng i-release ang kabaliwan ko.
Agad na bumalik ako sa room namin at inaya na siya sa condo ko. Naging mabilis ang galaw ng babae at sumunod agad sa kanya.
Tahimik lang ako nagdrive, samantalang ang kasama ko ay hindi mapakali sa pwesto.
"I want to kiss you so bad, Arthur. Make it fast" Napairap ako at napatingin sa babae, tinigil ko ang kotse sa gilid ng kalsada, at sinunggaban ng halik ang babae at hinayaan itong kumandong sa akin.
Ang kamay ko ay nilibot ko sa buong katawan nito. At nang gabing iyon ay naging kasing init ng apoy.
Nagising ako kinabukasan na nasa condo ko, dinala ko nga pala siya rito dahil hindi ako nakontento sa kotse, parang binibiyak ang ulo ko dahil after we had that thing ay uminom pa kami.
Nagising akong nasa tabi ko ang babae, sigurado ko ay pagod na pagod ito dahil hindi kami tumigil hanggat hindi ako nagsasawa sa kanya. I checked my phone! 7 AM.
Wala naman akong early meeting kaya okay lang kahit anong oras ako pumasok, nagsuot ako ng boxer.
Pamaya-maya ay may nag-doorbell. Who's that?Hindi ko na chineck pa ang monitor kung sino man iyon. Agad ay binuksan ko ang pinto, nakapikit pa ang isang mata ko ng buksan ko ang pinto, bumungad sa akin si Ysabelle.
Nanlaki ang mata ko, " Paano mo ko napuntahan dito?"
"GPS" Tinuro nito ang cellphone niya at cellphone ko.
Tangina the whole time ay alam niya kung saan ako nagpunta.
"What the f**k? nakasunod ka ba sa akin?" tumango lang ito. Nanlaki ang mata ko.
"Nakita mo yung sa kotse?" tanong ko pa. Tumango lang ulit ito. f**k!
"Tumawag si John sa akin, kaya kinatok na kita rito," saad pa nito na parang walang nangyari.
"Sandali! pinanuod mo kami, habang you know?" tumaas naman ang kilay nito.
"Baby, Sino yan?" tanong nang babae ko kagabi.
Agad naman itong nakapunta sa pintuan at sinilip si Ysabelle.
"May bisita ka pala," saad nito sa sarkastikong salita.
"Bodyguard ko siya, umalis ka na at magdamit ka nga!" saad ko dahil pagala-gala ito sa condo ko ng walang kahit na anong saplot.
"What pinapaalis mo na ko kaagad, after we had a wild night," saad nito at lumapit pa sa akin, tumingkayad ito para mahalikan ako pero umiwas ako.
"C'mon women umalis ka na, yes we had a wonderful nightl and I enjoyed it, so please. Get out of my room because I'm done to you." napanganga ito sa sinabi ko at agad-agad ay sasampalin ako nito pero nakuha agad ni Ysabelle ang braso nito at nilayo sa akin.
"Bitawan mo nga akong babae ka, you asshole ginamit mo lang ako" gigil at nanlilisik ang mata nitong tumingin sa akin.
Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae, sila ang lumalapit sa akin at nagpapahiwatig pero kapag pinagbigyan ko naman ay gusto ng paulit-ulit. Kasalanan rin naman nila dahil nagpagamit sila sakin. Hindi na nga sila lugi.
"What? I cleared last night na one night stand lang yon" natatawang saad ko.
Agad ay napaiyak ito at pumunta ng kwarto para magdamit, hindi na ako tiningnan nito at tuloy-tuloy na lumabas.
Napaupo naman ako sa sofa, "Give me some minute, ang sakit ng ulo ko."
Hinilot ko ang sintido dahil sa sakit ng ulo. Napatingin naman ako kay Ysabelle ng tuloy-tuloy itong pumasom sa kusina ko.
"What are you doing?" lumapit ako rito, at chi-neck ang ginagawa niya.
"Pinadala sa akin ni Manang to, dahil alam niyang may hang-over ka," saad niya. Ngayon ko lang napansin ang dalang ang tumbler nito. Kilalang kilala talaga ko ni Manang.
Nilagyan niya ng sabaw ang mangkok ko, agad ay hinigop ko yon. Inabot niya ang isang gamot at tubig.
Napangisi naman ako,"Pinadala ba yan ni Manang?"
"No, sa akin galing yan."
Lumawak ang ngiti ko, "Concern ka naman pala sa akin."
"It's part of my job."
"Na alagaan ako kapag may hang-over?"
"Oo," Walang pakundangan niyang saad. Tangina bigla akong nakaramdam ng kung ano sa sikmura ko. Nakatitig lang ako rito ng ilang segundo.
"Ang paghalik mo ba sa akin ay part ng trabaho mo?" nakangising saad ko.
"Hindi ko sinasadya yon," saad niya. Alam ko naman yon gusto ko lang siyang asarin.
Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Naplingon naman ito sa akin at nagiwas agad nang bumaba ang paningin nito sa tyan ko. Ang suot ko nga lang pala ay boxer. Kahit anong pag-iwas ay napapatingin pa rin talaga ito sa abs ko, kaya napangisi ako.
"Anong pakiramdam habang pinapanuod mo kami kagabi sa kotse?" saad ko, tumaas naman ang kilay nito.
"Sino may sabing pinanood ko kayo?"
"Bakit hindi ba?" Umangat ang sulok ng labi ko.
"Binantayan lang kita kagabi, you should be extra careful dahil nakasunod lang sayo ang gustong pumatay sayo" saad nito. Napatigil ako sa paghakbang, may point siya.
"What do you mean?"
"May nakasunod sa inyo kagabi galing sa resto bar na pinuntahan niyo, sinundan ko siya hanggang sa tumigil nga kayo sa gilid ng daan. I corner him pero nakatakas siya."
"Ano? nakipaglaban ka ba?" Nag-alala ko na tingnan ang katawan nito, napa-ngiwi ito ng hawakan ko ang braso niya.
"Patingin!"
"I'm okay! Be extra careful," saad niya at tinanggal ang pagkakahawak ko.
"Ysabelle, I said patingin!" biglang lumakas ang boses ko dahil ayaw niyang makinig.
Hindi ko na siya hinintay na sumagot at kinuha ang braso niya, tinupi ko ng dahan dahan ang suot niyang long-sleeved.
Bumungad sa akin ang sobrang laking pasa, "Anong nangyari rito?"
"May dala siyang tubo, ihahampas niya sana sa akin pero naiharang ko ang braso ko."
"Damn! Dalin natin sa ospital yan."
"Hindi, pasa lang ito."
"Dalin na natin sa ospital yan Ysabelle," hinatak ko ang kamay nito pero agad ay nakawala ito sa akin.
"I'm okay Sir, sanay kami sa ganito," saad niya. Hindi mo talaga iisipin na sa gandang meron siya ay nakakaramdam siya ng ganito kasakit, sigurado ko ay masakit ang pagkamahampas sa kaniya dahil maitim na maitim ang pasa nito.
Nakaramdam naman ako ng konsensya. kung hindi dahil sa kalandian ko ay hindi siya magkakaganon.
Buong maghapon sa trabaho ay lutang na lutang ako dahil sa ginawa kay Ysabelle, sumabay pa ang hang-over ko. Kahit si John ay nagtataka na sa akin, dahil hindi ako kumikibo sa meeting. ilang bese niya kong tinanong kung masama rawba ang pakiramdam ko.
Mga bandang alas-tres ay hindi na ako nakapagpigil.
"John aalis na ako, ikaw nang bahala rito."
"Yes Sir!" saad niya, tumingin ako kay Ysabelle. Sumunod naman siya agad sa akin.
*Are you sure na yan lang ang natamo mo?" Nagaalalang saad ko. Kanina ko pa siya tinatanong kung may iba pa bang masakit sa kaniya.
"Yes," tiningnan ko ng maigi ang braso niya, hindi halata dahil may longsleeve, pero mamaya ay siguradong mas maitim pa ang pasa nito.
"I know this is part of your job to protect me, pero please ingatan mo ang sarili mo."
Pagdating sa parking lot ay papunta na sana kami sa kotse nang bigla may malaking van ang humarang sa amin.
Agad na may tatlong lalaki ang lumabas sa van, sa itsura palang ng mga to ay mukhang walang magandang gagawin.
"Tangina!Nagkita na naman tayo," saad nito kay Ysabelle, malaki ang katawan nito at maraming tattoo sa katawan.
***
A/N: Please don't forget to Vote, comment, and give a story a review. :)