Chapter 18

1214 Words
Arthur Jake Gamboa POV After nang misa ay nakahawak pa rin ako sa kamay niya , agad na binawi niya yon ng matapos, natatawa naman akong lumingon sa kanya, hindi naman masama ang tingin nito pero ang mata niya ay parang minumura na ako. Naglakad na si Manang kaya sumunod ako, medyo madulas ang sahig kaya naman inaalalayan ko si Manang. "Dahan-dahan lang Manang madulas ang sahig." "Oo nga, ikaw Ysabelle magpaalalay ka rin diyan kay Harold, at baka ikaw naman ang madulas," saad ni Manang. "Okay lang ho ako," saad nito. Sumimangot naman ako ng hawakan ni Kuya Harold ang braso nito, pero binawi lang ni Ysabelle. Napatawa naman ako sa reaksyon ni Kuya Harold. Tumalikod na kami ni Manang at nauna ng maglakad, pamaya-maya ay narinig ko ang boses ni Kuya Harold. "I got you," Agad na napalingon kami ni Manang at nakita ang dalawa sa sahig, nakahawak si Kuya Harold sa bewang nito habang magkatitigan sila dalawa. What the f**k! Tumaas ang kilay ko nang hindi pa rin sila tumatayo. "Okay lang ba kayo? Nako! kakapaalala ko lang na baka madulas kayo,"inalalayan ko si Manang na tumulong sa dalawa. "Are you alright?" tanong ko ,gusto kong pagalitan si Ysabelle, bakit ngayon pa siya naging lampa. Inis na tinabig ko ang kamay ni Kuya Harold na tutulong sana tumayo kay Ysabelle. Inabot ko ang kamay ko, pero tumayo lang siyang mag-isa. Sumimangot ako. Napahiya pa ako, hindi ko na tiningnan reaksyon ni Kuya Harold, alam ko naman nakangisi na naman siya. "Tsk," inis na tumalikod ako, pag kay Kuya Harold antagal niyang makipagtitigan. Bwisit talaga ang kupal nayon. “Tara na nga Manang.” Narinig ko pa ang ilang tao na nagbubulungan, “Hala, sana all may sumasalo kapag nahuhulog.” “Tanga ka! Nadulas yung babae, hindi nahulog,” sagot naman ng isa. “Ako nga hulog na hulog na sa kanya, pero di pa rin ako sinasalo,” napaismid nalang ako, kung ano-anong naririnig kong hugot ng mga babaeng yon. “Hi, pogi,”napa-atras kami ni Manang, nang may isang malaking lalaki ang humarang sa amin. “Ang gwapo-gwapo mo naman,” narinig ko ang tawa ni Manang, samantalang ako ay kinilabutan. “Excuse us,” saad ko at nilampasan siya, mas kinilabutan ako ng hawakan pa nito ang braso ko. Yuck! Nang makarating kami sa sasakyan ay tuwang-tuwa si Manang, “Hay nako Anak, mas malaki pa ang katawan sa’yo no’n, pero tingnan mo at may gusto sa’yo.” Sumimangot ako at hindi mapigilan ang tawa ni Manang, minsan talaga ay mapang-asar rin itong si Manang. Napatingin ako sa rear-view mirror napansin ko ang pagtingin ni Kuya Harold kay Ysabelle, samantalang si Ysabelle ay busy sa pagda-drive. Nag-iwas naman ng tingin si Kuya Harold nang mapansing nakatingin ako. "Wala bang masakit sayo iha?" tanong ni Manang, pagkatapos niyang tumawa. "I'm okay po, na-out of balance lang ho ako." "Buti at nasalo ka nitong si Harold," tugon ni Manang. Napalingon naman si Ysabelle kay Kuya Harold. "Thanks," saad nito. Napanguso ako at tumingin sa labas. Nang makabalik kami sa bahay ay kumain muna sila dahil lunch time na rin nang matapos ang misa, samantalang ako ay dumiretso sa kwarto, hindi pa ako gutom. Bababa nalang ako mamaya pag nagutom ako. Binuksan ko ang TV at nanunuod nang kahit anong movie sa netflix maliban sa horror, naka-dalawang movie lang ako ng nakaramdam na rin ako ng gutom. Hindi ko trip ang pagkain na nailuto ni Manang. Naghanap ako ng pwedeng lutuin pero wala akong maisip. "Anong hinahanap mo anak?" si Manang pala. "Nagugutom ako Manang eh, wala naman akong makitang pwedeng lutuin." "Oo nga pala ay hindi ako nakapamalengke ngayon dahil nagsimba ako, tapos ay bigla rin umariba itong rayuma ko, ayaw mo ba iyong niluto ko." "Hindi naman Manang, iba ang cravings ko ngayon. Saka sabi ko sa inyo Manang kapag mamamalengke kayo ay isama niyo ko." "Hay nako! keaga-aga kong namimili anak, malamang sa kasarapan pa ng tulog mo yon, Oh siya, tumabi ka riyan at ipagluluto kita, Ano bang gusto mo?" saad nito. Agad ko naman pinigilan si Manang. "Huwag na Manang! may naisip na akong lutuin pero wala kasing pasta." "Ganoon ba? Oh sige at bibilan kita sa labas at nang makapagluto ka." "Ako na Manang, ikaw nga po itong nirarayuma," Natatawang saad ko rito, hindi ko na siya hinintay na sumagot at bumalik na ako ng kwarto para kunin ang wallet ko. Nagdalawang isip pa ako kung isasama ko si Ysabelle, pero agad rin na kumatok ako sa kwarto nya. "Ysabelle." "Yes Sir," gulat na napalingon ako sa likod, aatakihin yata ako sa puso, ni hindi ko manlang siya naramdaman na nasa likod ko. "May pupuntahan tayo." "Okay! ihahanda ko lang ang sasakyan," saad nito at tumalikod na. Ni hindi manlang tinanong kung saan kami pupunta, sumunod na rin ako agad sa kanya. Hindi nawala sa isip ko ang kaganapan sa kanila ni Kuya Harold. "Ysabelle diyan lang tayo sa madadaanan mong market," tango lang ang tanging sagot nito. Tumitig ako ng ilang segundo at ngumisi. Minsan ay naiisip ko hindi kaya napapanisan ng laway ang babaeng to dahil napakadalang talaga niyang magsalita tapos ay para kang giginawin everytime na magsasalita ito at titingin sayo. " Why are you always cold, Ysabelle?" Lumingon lang ito saglit sa akin at tumingin muli sa daan, " I'm not." "Really? tingnan mo nga ang sagot mo, wala na bang ihahaba yan?" "Sinagot ko lang ang tanong mo." "So kapag hindi ako nagsalita ay hindi ka na rin magsasalita, ganoon ba?" "Dahil wala naman akong dapat sabihin." "Am I handsome, Ysabelle?"hinintay ko ang sasabihin niya, tinitigan ko ito ng mabuti pero mukhang walang balak sumagot. " Ysabelle, I'm asking you. Am I handsome?" hindi pa rin ito sumagot at tumingin lang sa side mirror. Lumapit ako ng bahagya. I tilted my head to see her face. "Hindi ka ba talaga sasagot?" naiinip na ako sa sasabihin niya, tahimik pa rin itong nagdrive. Napapikit ako ng mariin at naiinis na bumalik sa pwesto.Hintayin mo lang Ysabelle. Pagkarating sa Market ay nagpark lang kami saglit, bumaba na ako ng sasakyan at hinihintay si Ysabelle na bumaba. Naiinis na naglakad ako at nasa likod ko siya. Hindi talaga ko makontento na wala siyang sagot, ganoon ba kahirap na sabihin na gwapo ako sa paningin niya. Samantalang kung magtitigan sila ni Kuya Harold kanina sa simbahan. Argg. Naiinis na huminto ako, naramdaman ko naman ang paguntog niya sa likod ko ng biglaang pagtigil ko, narinig ko pa ang daing nito. Dahan-dahan akong humarap at kunot-noong tinitigan siya. Nilapit ko ang mukha ko pero hindi manlang ito gumalaw. "Ganoon ba kahirap na sabihing gwapo ko, Huh Ysabelle?" tumaas lang ang kilay nito, at parang walang naririnig. Umiwas ito at nauna nang maglakad, pero agad ay hinila ko ang braso niya, papalapit sa akin. Sobrang lapit namin sa isa't isa kaunting galaw ko lang ay magtatama na ang labi namin. Tumingin ako sa labi nito at ganoon rin siya. Hindi mawala sa isip ko kung paano ba halikan ang cold na babaeng katulad niya, kasing lamig rin kaya nang yelo ang lamig niya. Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan. *** A/N: Please don't forget to Vote, comment, and give a story a review. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD