Chapter 10

1126 Words
Arthur Jake Gamboa POV Ilang minuto lang naman ako pinaghintay ni Ysabelle at agad rin siyang lumabas. Hindi na gano’n kadilim ang itsura niya katulad kanina na parang handa siyang manakmal bigla. Nakabihis na muli ito ng uniform niya. Minsan ay gusto kong tawagan ang agency niya para sabihing,wag ng maguniform si Ysabelle mas gusto ko siyang makita ng naka-dress, pero pag naalala ko na nakikipaglaban siya ay binabaliwala ko na , parang hindi bagay. Napansin ko na dala nito ang safety kit sa hawak ko. “Let’s go to your room, ako na ang gagamot sayo,” saad ko. Pero bigla niyang sinara ang pinto,” Ako na ang gagamot sa sarili ko,” saad nito at nilagpasan ako. Sumunod ako sa kanya patungo siya sa kusina. Hindi naman ako maka-sagot dahil piling ko ay galit siya sakin, kaya sinundan ko nalang siya. Binaba niya ang safety kit sa lamesa. Ako naman ay naupo sa harapan niya at tiningnan ang ginagawa niya. Itinaas nito ang dulo ng polo niya at tumambad ang sugat nto, medyo may kalakihan rin iyon, pero tingin ko naman ay hindi naman ganon kalalim. Hindi ko napansin kanina sa kwarto dahil mas busy akong tingnan ang itsura niya kanina. Rumehistro muli sa akin ang kaninang itsura niya. Tangina Arthur ikalma mo sarili mo. Tiningnan lang ako nito bago magumpisang lagyan ng alcohol ang bulak, pagka-dampi niya ang napangiwi ito sa hapdi. Agad naman akong lumapit para hipan yo’n, pero lumayo ito. Napanguso ako. Sunod niyang nilagyan ng betadine ang bulak at dinampi-dampi iyon, Pagkatapos ay inayos niya ang gasa at nilagyan ng tape. Pagkatapos ay niligpit na nito ang ginamit niya. “Teka pa’no yo’n sugat mo sa leeg?” tanong ko. “Hindi ko makikita rito, sa kwarto ko nalang,” saad nito. Mabilis naman akong pumunta sa harapan niya at kinuha ang safety kit. Hinawakan ko ang balikat niya at pina-upo siya. “Ako na ang maglalagay, promise walang malisya,” hindi ito sumagot, sign na siguro yo’n para gamutin ko ang nasa leeg niya. Maliit lang talaga ang sugat niya ro’n, hindi naman masyadong naibaon ng lalaki ang kutsilyo. Tuminigin muna ko kay Yabelle. “Hahawiin ko buhok mo ha,” saad ko, hahawiin ko palang ang buhok niya ay siya na ang gumawa. Napabuntong-hininga ko at dahan-dahan dinampi ang alcohol. Amoy na amoy ko ang gamit niyang sabon at shampoo. Ang sarap amuyin. Napansin ko ang pagtingin nito sa akin, kaya sinunod ko na kaagad ang betadine. Tangina nakaka-conscious ang tingin niya sa akin, parang isang maling galaw ko lang ay parang kaya niyang palipitin ang leeg ko. Binagalan ko ang pagdampi ng betadine sa leeg nito, dahil gusto ko ang amoy niya pati na rin ang makinis niyang leeg ay masarap tingnan, nakakaakit. Tinapos ko na ang paglalagay no’n at baka iba pa ang magawa ko, gusto ko pang mabuhay, maraming iiyak na babae kapag nawala ako. Inilagay ko na rin ang gasa, ayoko pa sanang lumayo, pero tumayo na rin agad ito, kaya napalayo ako. “Thanks,” saad nito habang inaayos muli ang pinaggamitan namin, “May pupuntahan pa po ba kayo?” Umayos ako ng tayo, “No pero kung gusto mo ay ituloy natin ang nawaglit nating date kanina.” Tumaas naman ang kilay nito, “San ko ‘to dadalhin?” tanong niya sa safety kit na hawak. Lumapit ako at bumulong,” Sa kwarto ko.” Nakangisi ako habang papaakyat sa k'warto, hinayaan ko naman siyang sumunod sa akin. Pagdating ay humarap ako sa kanya, kinuha ko sa kaniya ang hawak nitong safety kit. “Pakihintay nalang ang in-order kong foods, paki-dala na rin sa garden area” saad ko rito. tumango naman ito. Sinara ko na ang pintuan, gustuhin ko mang sabihin na pumasok siya ay baka mabigwasan na niya ko. Bumaba na rin ako kaagad sa garden, well nakaramdam na rin kasi ako ng gutom, Busy si Ysabelle sa pagpapakain ng isda sa fish pond. We have a small fish pond in our garden, Mahilig kasi ang mommy ko halaman at isda. Kahit sa kwarto nila ni Dad ay may malaking aquarium. Naupo ako sa bench na malapit kay Ysabelle, hindi niya ako napansin dahil busy sa ginagawa. Inayos ko ang foods na nasa table. Pang-dalawang tao ang binili ko, hindi ko na rin kasi natawagan ang korean restaurant na kinainan namin kanina. Alam ko naman na masama ang mag-aksaya ng pagkain, pero depende nalang sa staff nila ro’n, kung itatapon ba nila o ipapakain sa iba. Mas gusto ko rin kumakain sa garden kesa sa bahay, bukod sa maaliwas rito ay maganda rin ang view, magaling kasi ang gumawa ng landscape ng garden na ito, kaya hindi nakakasawang tingnan. “Ysabelle, come here" Lumapit naman ito sa akin. Iniligay ko ang plate sa harap niya, "Kumain ka muna." Kapansin-pansin talaga ang gasa sa leeg niya, at hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na pagsabihan siya. "Ayoko ng ginawa mo kanina, mapapahamak ka sa panghihimasok mo sa problema ng iba, sa akin ka lang mag-focus." Hindi ito sumagot at hindi rin tumango,"Hindi mo alam kung gaano ko nag-alala sayo lalo na ng itutok nang lalaking 'yon ang patalim sayo." Hindi pa rin ito sumagot, "Ang trabaho mo ay protektahan ako at hindi ang ibang tao." Alam ko naman na maganda ang layunin niyang tumulong sa ibang tao pero pag-naiisip kong mapapahawak siya katulad ng nangyari kanina ay sobrang pag-aalala ang naramdaman ko. "Hey! libre magsalita." Imbis na sumagot ay kumuha ito ng pagkain. Napabuntong-hininga ko. Pinigilan ko ang kamay niya. "Wala ka bang sasabihin sa akin?" Kinuha nito ang kamay sa akin at tumingin ng diretso. bigla akong nilamig sa tingin niya napaka-cold. "I'm sorry kung pinag-alala kita. Hindi na mauulit" Napangiti ako,"Hindi sapat ang sorry Ysabelle." Napakunot naman ang noo nito, "Kiss lang sapat na," saad ko, blanko ang expression nito at ni wala manlang kilig akong nakita sa mukha niya o pagka-inis. Naalala ko siya nga pala si Ysabelle. "'Wag mo ng itago ang kilig mo, I know you like it," I smirk. Gustong-gusto ko talaga siyang asarin, kahit wala siyang expression, pero sigurado ko ay may nararamdaman din ito sa loob-loob niya, hindi ko lang alam kung kilig ba' yon o pagka-inis sa akin. Nabigla ako ng tumayo ito at paalis na, s**t mukhang napikon sa akin, Agad ko siyang pinigilan. "I'm just kidding, kumain na tayo" saad ko at tinuro ang upuan, humarang ako sa daraanan niya nang maglalakad siya muli. "Promise hindi na ako mang-aasar," saad ko na parang bata. Hindi na ito sumagot pa at naupo na muli. After no'n ay kumain na kami ng tahimik. *** A/N: Please don't forget to Vote, comment, and give a story a review. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD