Arthur Jake Gamboa POV
"Manang mag-iingat ka sa byahe, saka dalasan mo ang tawag habang nandoon ka," saad ko kay Manang, ngayon na kasi ang luwas niya papunta sa probinsiya, dahil nga ikakasal ang anak nito.
Bunsong anak ni Manang ang ikakasal, matanda na kasi si Manang noong nag-asawa ito tapos ay lima pa ang anak niya, hindi naman mahilig si Manang gumawa ng anak.
Meron narin siyang mga apo, kaya sigurado ay gusto-gusto nang makita ang mga mahal niya sa buhay.
"Oo naman, Anak. Makakalimutan ko ba naman kayo ng Kuya Harold mo."
"Oh sige na Manang, baka wala ka nang masakyan sa terminal," saad ko.
Ipapahatid ko siya sa terminal, gusto ko nga sana ay ipahatid siya hanggang probinsiya niya pero ayaw ni Manang, okay na raw sa kaniya kahit hanggang sa terminal ng cubao nalang.
"Ang mga bilin ko sayo ha, mag-ingat kayo rito."
"Opo Manang," saad ko at yumakap sa kaniya.
"Oh siya! Ysabelle iha, ikaw na ang bahala sa batang to ha," napasimangot naman ako ng parang gawing bata ako ni Manang.
"Manang naman!" tumawa lang ito at sumakay na sa kotse.
"Ingat Manang," sigaw ko rito.
Sabay na kaming pumasok ni Ysabelle sa bahay. Nakaramdam ako kaagad ng lungkot pagpasok ko palang sa bahay.
"Pakihanda ang pool mag-swimming ako," saad ko sa katulong. Gusto ko muna maglibang baka mamiss ko lng si Manang.
Pumunta muna ko sa room ko para ayusin ang mga gagamitin ko. After that ay bumaba na rin ako.
I dialed Marco's number.
"Hello?" Mukhang kagigising lang ng gago.
"Where are you?"
"Hmm, condo why?"
"Pumunta ka rito sa bahay," saad ko.
"Bakit anong meron?" Narinig ko pa ang hikad nito.
"Wala naman. I'm just inviting you."
"Really huh! Alright, just give me 30 minutes," papatayin ko na sana ang tawag nang bigla itong magsalita.
"Shoot!" Bigla itong nag-panic sa kabilang linya.
Narinig ko ang boses ng babae sa kabilang linya , at pagtatalo nila. Pamaya-maya ay nanahimik.
"Hello?"
"Is that Stephanie?" Gulat na saad ko ,parang nung nakaraan lang ay iwas na iwas ito, pero ngayon ay kasama niya sa condo. That was fast.
"Yes! But it's not what you think," depensa agad niya.
"Really huh!" Mapang-asar kong saad.
"Well uh.. s**t, she's mad!" Rinig ko ang frustration sa boses nito. That's new, frustrated siya sa babae.
"Come here quickly, iinom mo nalang yan," saad ko.
"Mabuti pa nga," saad nito at binaba na ang tawag.
Kaya naman pala ala-una na nang tanghali ay tulog pa ito,mukhang may pinagka-abalahan silang dalawa ni Stephanie.
"Paki-tawag si Ysabelle," utos ko sa katulong.
Kumuha ko ng pwedeng lutuin.
"Pinatawag mo ko?" Ysabelle.
"Yeah! Ipagluto mo ko ng kakainin ko," nakangising saad ko.
Tumingin naman ito sa hinanda kong pagkain sa lamesa na lulutuin na lang niya.
"Hindi ako marunong magluto," saad niya ,napanga-nga naman ako sa nalaman.
"Ha! Come on, wag mo kong lokohin."
"Hindi nga ako marunong magluto." Napapikit ako ng mariin at tiningnan siya ulit.
"Paano ka nabubuhay kung hindi ka marunong magluto?"
"Karinderya," tipid na saad nito.
"No way! That's gross, hindi mo nga alam kung paano nila niluluto yon."
Natigilan ako ng nakakatitig lang siya sa akin, "What? may nasabi ba akong mali?"
"Hindi ako naturuan ng magulang ko dahil bata palang ako ng mahiwalay sa kanila, mag-isa lang ako rito sa manila kaya walang magtuturo sa aking magluto," napapikit ako nang ilang beses at binibilang ang words na sinabi niya. Nakaramdam naman ako nang awa rito.
"Bakit maaga kang nawalay sa parents mo?" hindi ko maiwasang maging curious sa pamilya niya.
Napansin ko naman ang mapait na pagngiti nito, minsan ko na nga lang siyang makitang nakangiti ganito pa.
"I'm sorry, kung natanong ko pa," sabi ko, nagbababa lang ito nang tingin sa mga putaheng naroon.
"Pwede naman kitang turuan mag-luto, Come here," aya ko.
Hindi naman ito makakibo agad at parang pinagiisipan pa kung dapay ba siyang sumunod sa akin.
"C'mon wala akong balak na asarin ka ngayon, tuturuan lang talaga kitang magluto," sincere ako sa pagkakasabi ko non.
Marco Zumera POV
Tumingin ako sa salamin at hinawakan ang dalawang pisngi, binigyan talaga niya ako ng mag-asawang sampal. Piling ko ay matatanggal ang panga ko dahil sa lakas ng sampal, kamuntik na ngang mag-360 ulo ko.
Kung hindi naman kasi dahil sa sinabi niya mag-stay ako sa tabi niya ay hindi naman ako tatabi sa kaniya.
Ang sakit talaga ng sampal niya damang-dama ko talaga galit niya.
Nakarinig ako ng doorbell, agad naman na pinuntahan ko ang pinto at chineck kung sino ang nag-doorbell.
Aba! Himala at bumalik ah.
Pinagbuksan ko siya ng pinto, "Where's my key?" bungad niya agad.
"I don't know," saad ko.
Nanlisik naman ang mata nito at tinulak ako para makapasok siya.
"Wala nga kasi sa akin, kaya nga kita pinatulog di--" napatigil ako ng manlisik ang mata niya sa akin.
"Kaya pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko ganon?!"
"What?! wala ngang nangyari sa atin, sinabi ko na sayo ng paulit-ulit"
"Bakit naiba ang damit ko, kung hindi mo ko ginalaw?" napabuntong hininga naman ako.
"Kasi pawis na pawis ka, kaya pinalitan kita ng da--"
"Hinubaran mo nga ako!" saad niya at biglang sapok sa akin.
"Aray! Aray ko Stephanie!" patuloy pa rin siya sa paghampas sa akin kahit saan nalang niya ako hampasin.
"Aray! Nakakasakit ka na ha!" saad ko at agad na hinawakan ang dalawang kamay niya na hinahampas sa akin.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na walang nangyari sa atin, pinalitan kita ng damit dahil nagaalala kong baka matuyuan ka ng pawis at magkasakit ka," natahimik naman ito at nakatitig lang sa akin. Saka ko lang napagtanto na sobrang lapit ko sa kaniya.
Binitawan ko ang kamay nito pero hindi ito lumayo at napatitig lang sa akin.
"Sorry," saad ko saka lang siya natauhan at lumayo sa akin.
Natahimik kami ng ilang segundo bago ako nagsalita,"Hinanap ko na ang susi sa pouch na dala mo pero wala don, kaya napagdesisyonan ko na patulugin ka rito kaysa iwan kitang natutulog sa harap ng pintuan mo."
"Bakit magkatabi tayong natulog?" tanong niya.
"Ah! yon ba," nakaramdam ako ng lungkot at tumingin sa kaniya, "Kasi nagmakaawa ka sa akin na wag kang iwan"
"s**t!," bulong niya, nahihiya itong tumingin sa akin.
"Ano pang mga nasabi ko sayo?" saad niya.
"Wala yo'n lang," pagsisinungaling ko, ayoko na ma-awkwardan siya sa akin dahil lang sa nakapagsabi siya sakin ng personal problem niya dahil sa kalasingan, okay na kami ng ganito hindi siya umiiwas sa akin.
"Sure ka?" Nagtatakang tanong niya.
"Yes!," napabuntong hininga naman ito. Dahil sa relief maybe.
"I'm sorry kung nasampal kita tapos nahampas pa kita ngayon," saad niya.
"Okay lang, nextime pakinggan mo muna ang paliwanag ko bago ka manakit," birong saad ko.
"Sorry talaga," saad niya, tumango lang ako.
"Uh! itong damit mo lalaban ko lang saka ko ibabalik sayo."
"No worries," sabi ko nanahimik naman kami parehas, parang may dumaang anghel.
"Ah, sige aalis na ako, hahanapin ko pa yung susi ko," saad niya.
"I think naiwan mo yung susi sa car mo."
"Ah ganoon ba, sige magtaxi nalang ako," napatingin naman ako sa suot nito, naka maluwag lang itong shirt at cycling na suot.
"Sasamahan na kita."
"Nako, hindi na mag-taxi nalang ako papunta ron, masyado na akong nakakaabala sayo, " hindi ako mapalagay sa suot niyang damit.
Napansin naman nito ang pagtingin ko sa damit, Napakamot naman ito ng ulo.
"Hindi naman siguro masama kung humingi ako ng pabor di ba?" napangisi nalang ako nang sabihin niyang samahan ko an rin siya sa pagkuha ng kotse niya.
***
A/N: Please don't forget to Vote, comment, and give a story a review. :)