Chapter 28

1135 Words
Arthur Jake Gamboa POV Gumising ako nang maaga kinabukasan, naisipan ko kasing mag-jogging, medyo matamlay rin ang bahay dahil wala si manang. Isang araw palang ag nakakalipas ay nami-miss ko na kaagad si manang, lalo na ang luto niya. May pumalit naman kay manang para magluto bago siya umalis, pero hindi kasing sarap nang luto ni manang. Lumingon ako sa likod kung saan nakasunod sa akin si Ysabelle. Nagulat rin ako dahil maaga itong nagising. "What now Ysabelle? Kaya pa?" Pang-aasar ko, napanga-nga naman ako ng ngumisi ito. Ang fresh pa rin niya kahit nakailan ikot na kami sa subdivision. Hindi rin nakawala ang tingin ng ibang kalalakihan sa kaniya. Ang simple lang ng suot nito white tshirt at jogger pants, pero kapansin-pansin parin talaga ang ganda niya,bumagay pa ang pusod nito. Napatingin kami parehas ni Ysabelle ng isang malaing aso ang lalapit sa kaniya, agad ay hinitak ko ito dahil baka makagat siya. "Anong ginagawa mo?" Saad niya, nilagay ko siya sa likod ko dahil lumalapit pa rin ang aso sa kaniya. "Shoo! " Bawal ko sa aso, kumakawagwa ng buntot nito at parang handa ng mangagat dahil nakanganga ang bibig nito. "Hey! Dog, get out of here," winagwa ko pa sa harap niya ag towel na dala ko pero parang alang narinig ang aso at patuloy pa rin ang paglapit sa amin. Tumahol ang aso at naupo, nakalawi rin ag dila nito na nakatingin sa akin. "Dog! Alis na, shooo!" Naramdaman ko naman ang pag-alis ng braso ni Ysabelle sa hawak ko. "Anong ginagawa mo?" Takang tanong ko, pipigilan ko sana ito na lumapit sa aso pero nakalapit na siya. May kinuha siyang kubg anong bagay sa bulsa niya, biscuit pala yon. "Kaya siya lumapit dahil naamoy niya to," saad ni Ysabelle, agad ngang kinuha ng aso ang binigay ni Ysabelle. PumAikot naman ang aso,"Natutuwa siya, here," inabot sa akin ni Ysabelle ang biscuit. "No way!" Saad ko. Umiling naman si Ysabelle narinig ko pa ag bulong niyang 'coward'. "Akin na nga," inagaw ko ang biscuit sakamay nito pagkabigay palang saakin ay siya namang pagtakbo sa akin niang aso. "f**k!" Saad ko at mabilis na tumakbo sa likod ni Ysabelle. Tahol nang tahol ang aso sa akin initsa ko ang biscuit sa malayo, agad namang pinuntahan ng aso yon. "Gabee" saad ng bata sa malayo. Tumakbo naman ang bata sa amin kasama ang isang matangkad na lalaki. Nagulat ako nang makita si Xian rito sa subdivision, at mas nagulat ako sa kasama nitong babae. "Arthur? I'm sorry for what my dog did," saad nito. Kunot ang noo kong napatingin sa kanilang dalawa. "What are you doing here Stephanie?" Tanong ko. Nakangiti naman si Stephanie sa akin, " It's nice to see you here around Mr. Gamboa." "Y-yes, do you have a house here?" "Ah, nagpunta kasi ako sa bahay ng fiancee ko." Hindi ko pinahalatang nagulat ako. "Really?" Napatingin naman ako kay Xian, kaya siguro sila magkasama. Mukhang wala ng pag-asa si Marco. "No. He's not my fiance," natatawang saad ni Stephanie. "My cousin, yun ang mapapangasawa niya," nakangiting saad naman ni Xian. Napatango nalang ako, actually kaya hindi rin talaga competitor ang tingin ko kay Xian because he's nice and ka-batch ko rin siya noong college. Ewan ko ba at buwisit na bwisit sa kaniya si Marco. "So may kamag-anak ka pala rito,"tanong ko kay Xian. "Of course, hindi mo siguro ko napapansin na nagpunta rito. My other cousin, umuwing luhaan dahil sa'yo" Tumaas ang kilay ko dahil nalilito ako sa sinabi niya,"Margaret that's her name." "I don't know what you're talking about," napailing naman nito. "Of course, you are Gamboa," saad nito at nakangisi. "Anyway we have to go now," tumango lang ako. "See you around," saad pa nito Nagpaalam rin sa akin si Stephanie. Alam na kaya ni Marco na fiancee ang ultimate crush niya. Lumingon pa nang isang beses si Xian sa akin at pati na rin kay Ysabelle ngumiti pa ito sa babae Napalingon naman ako kay Ysabelle, nakatingin ito kay Xian. Agad na pumunta ko sa harap niya. "Let's go , pagod na ko," saad ko. Tumango naman ito sa akin, sabay na kaming umuwi. Nang makarating sa bahay ay naabutan namin si Kuya Harold na kumakain, nag-good morning sa kanya si Ysabelle at ganon rin ito, umirap ako nang mag-abot ang mata namin. Pumunta na ko sa kwarto to take a shower, after that ay bumaba na ako. Napakunot ang noo ko ng maabutan ko si Ysabelle at Kuya Harold na nagluluto sa kusina. "What are you doing?" iritableng saad ko pagkalapit sa kanila. "Are you blind?" sarkastikong sagot ni Kuya Harold. "Hindi ikaw ang kinakausap ko!" inis na saad ko at humarap kay Ysabelle. "Who told you to do that? you're my bodyguard, you're responsible to guard me not to do things like that," inagaw ko ang hawak nitong kutsilyo at binalibag sa lababo. Manang is not here kaya walang pipigil sa amin. "What a spoiled brat!" nakangising saad nito, "Masyado ka namang bine-baby nang tatay mo kaya hindi mo na kayang protektahan ang sarili mo. Ask yourself brother ano pang kaya mo maliban sa pagka-babaero mo?" Nakangisi akong humarap rito, "Maliban sa mas gwapo ako sayo, hamak galing ko naman sa pag-handle nang business. Inggit ka lang dahil walang lumalapit na babae sayo." sounds like a kid, pero ganito talaga kami sa bahay. "Bakit hindi mo subukang maging lawyer bago mo sabihing mas magaling ka sakin? Wala ka pang napapatunayan, you're just a newbie." "Hindi ka ba natutuwa na kung hindi ko i-handle ang kumpanya ay sana hindi ka nakapag-lawyer! Are you even ask yourself, ikaw dapat ang nasa sitwasyon ko dahil ikaw ang panganay, bakit hindi ka nalang maging thankful na sinalo ko ang dapat na responsibilidad mo!" "I don't care that company, kumpanya ng tatay mo, ayokong balang araw ay maging utang na loob ko pa sa daddy mo yan" naramdaman ko na ang tension sa pagitan namin. "Bakit ako magiging thankful sayo, you're not my real brother," saad nito at sabay talikod sa akin. "Kahit kailan ba ay hindi mo ko tinuring na kapatid?" lumingo ito sa akin. "Ano sa tingin mo?!" saad nito at tuluyan ng tumalikod. "Damn!" saad ko at sinipa ang lamesa. Napahilamos ako sa mukha sa sobrang inis kay Kuya Harold. Kinalma ko muna ang sarili bago humarap kay Ysabelle. "Kailan pa kayo naging close ni Kuya Harold?" "we're not, He's just asking for my help." "Hindi ba at sinabi ko na wag ka ng makikipag-usap sa kaniya?" "He's still your brother, at anak ni Madam. Sino ako para hindi siya sundin." taas ang kilay na saad nito. Hindi ba niya nakikita na frustrated ako pero nakukuha pa rin niyang maging cold. *** A/N: Please don't forget to Vote, comment, and give a story a review. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD