Chapter 12

1376 Words
Arthur Jake Gamboa POV After my meeting kay Sir Gil ay gusto ko ng umuwi at magpahinga, masyado yatang nabigla ang utak ko sa dami ng ideas nito sa pinapatayong factory sa batangas. At mukha rin kailangan ko tingnan iyon. "John, Anong araw wala akong meeting?" "None Sir, actually ay full schedule ka sa mga meetings ngayon dahil sa magpapasko ay lumalaki ang order ng alak, kaya maraming stores, bar at club ang nag-order, mas nag-triple ang order" saad nito, napatango ako. Kaya naman pala minamadali ni Sir Gil ang pagpapagawa ng Factory dahil mag-pick season. f**k. "Kailan ang dating ni Daddy?" tanong ko. "Baka po this week ay umuwi na sila" saad nito, ibig sabihin ay mababawasan ang trabaho ko. Finally. "Pwede na ba kong umuwi?" tanong ko pa kay John. "pero may mga documents pa po kayong kailangang I-approved." Napabuntong-hininga ko, ber months talaga ang pinakamadaming trabaho. Lumabas na ako sa meeting room, nakasunod naman agad si Ysabelle pagka-labas ko. I checked my watch, alas-kwatro na pala ng hapon. " Anyway Sir, may nag-deliver nga pala ng box kanina ng nasa meeting kayo," agad napalingon ako kay John. Tumaas ang kilay ko, wala akong pinapa-deliver na kahit ano. Pagkapasok ko ay bumungad nga sa akin ang box na tinutukoy ni John. Napabuntong-hininga ko, kahit hindi ko buksan ay alam kong galing na naman sa dating nagpapadala ng death threat y'on, bakit ngayon lang siya ulit nagpaparamdam. "Paki-libing nalang John, kung ano mang hayop yan" saad ko, kinuha naman agad ni John yo'n. Nagtatakang lumapit si Ysabelle kay John habang hawak nito ang box. "P'wede ko bang tingnan?" mahinahon na tanong nito kay John. Tumango naman ako nang tingnan ako ni John. Agad kumuha ng cutter si Ysabelle at binuksan yo'n, hindi ko na tiningnan pa ang kaawa-awang bangkay ng hayop na pinatay pa ng lintik na nagpapadala sa akin. Tumingin sa akin si Ysabelle at pinakita ang mga pictures, picture ko yo'n sa club at may kahalikang babae. Ang iba ay sa loob ng sasakyan ko habang nagda-drive at pati na rin ang picture kung saan nasa coffee shop ako na kasama si Marco, pati na rin yo'ng sa mall. All this time ay nakasunod sa akin ang gagong yo'n ni hindi ko man lang napapansin yo'n. "Ang creepy ng stalker mo," saad ni John. "It's the same person na nagpapadala sa akin ng patay na hayop," sabi ko dahil sa sulat na nasa loob ng box. "I'm always watching you" - K "Who's this f*****g K?! f**k him," gigil na saad ko, " Wag lang magpapakita sa akin ang gagong 'to, kung hindi ay babasagin ko talaga ang pagmumukha niya." "Titingnan ko lang ang surveillance camera," sabi ni Ysabelle at agad lumabas. Tiningnan ko pa ang ibang litrato, puro pictures lang ito at walang kahit na anong patay na hayop. I'm busy checking the pictures nang mag-vibrate ang cellphone ko, unknown number 'yon. Agad na sinagot ko' yon without even thinking kung sino. "Hello." "Na-receive mo na ba ang munting regalo ko?" Kumunot ang noo ko at agad na nagtiim bagang. "I like your photography skills, masyado ka na bang patay na patay sa akin at 24/7 mo kong sinusundan," pagaasar na sagot ko. "Of course, masyado na akong atat na atat na makitang patay ka," tawang demonyo ang narinig ko. Kinuyom ko ang kamao ko sa sobrang gigil. "Kung sino ka man, don't you dare na ipakita ang mukha, kung hindi---." "Babasagin mo ang mukha ko? Puro ka lang kayabangan Gamboa, sisiguraduhin ko na kapag nakita mo ko ay yo'n na rin ang huli." saad pa nito habang tumatawa ng demonyo. Hindi na ako hinintay nitong sumagot at pinatay na kaagad. Tangina ni hindi manlang ako pina-rebutt, mas lalo akong nainis. " San ko po dadalin ang mga 'to, Sir ?" tanong ni John, tukoy niya ay ang mga pictures. " Sunugin mo," saad ko, dinampot isa-isa ni John ang pictures. "Wait," pigil ko. Kinuha ko ang isang picture, picture namin ni Ysabelle yo' n sa kotse sa parking lot ng coffee shop, nakatingin ito sa akin habang ako ay nakalingon sa bintana. "Nako! mukhang Iba na yan, nangangamoy pag-ibig," eka ni John. "Shut up." Nang makabalik si Ysabelle ay agad na nag-report ito sa akin, nagulat ako nang sabihin niyang kulay puting kotse ang nagdeliver dito na walang plate number, pinagtataka ko kung iyon rin ba ang gamit nito na kotse nakuha namin sa subdivision noon. Ang tapang ng gago para siya mismo ang mag-deliver rito. Agad na pinatawag ko kay John ang head ng security namin sa company at sinabing huwag ng mauulit na may mag-deliver dito, buksan nila kaagad ang box habang naroon pa ang nag-deliver, gustong-gusto ko ng mahuli ang gago sa madaling panahon. Gabi na kami nakauwi ni Ysabelle dahil sa dami ng ni-review at pinirmahan kong dokumento, dumagdag pa ang nagpadala ng mga pictures na'yon. Sumalubong agad si Manang at pinaghain kami ni Ysabelle ng pagkain. "Sumabay ka na sa kanya Ysabelle, alam ko ay pagod ka na rin," saad ni Manang, tumango ako kay Ysabelle at tinuro ang silya sa tabi ko. " C'mon, sabayan mo na akong kumain" sabi ko ng malambing sa kanya, umupo naman ito. Naalala ko ang picture na kinuha ko kanina, I like it. Kung titingnan ay parang nagnanakaw ng tingin sa akin si Ysabelle. I knew it na attractive ito sa akin. Napangisi ako sa naisip, tumingin ako kay Ysabelle na busy sa pagkain nito. After dinner ay dumiretso na agad ako sa kwarto para maligo after non ay na-bored ako, kaya lumabas ako ng kwarto. I opened the TV at nanunuod sa netflix. well meron naman TV sa kwarto ko, pero mas trip ko rito sa sala. I was busy watching ng mapansin ko si Ysabelle na pababa ng hagdan. Ang cute nito sa suot na pangtulog. "Hindi ka rin makatulog?" saad ko, tumango lang ito at dumiretso sa kusina. Sumunod ako sa kanya, kumuha ito ng tasa at nagtimpla ng gatas. "me too," kumuha muli ito ng isa pang tasa. Inabot nito sa akin 'yon after timplahin. "You're cute in your pajamas," out of nowhere ay nasabi ko yo'n. Tumingin lang ito saglit sa akin at naglakad papaakyat na siguro sa kwarto niya. Hindi manlang nagpasalamat dahil pinuri ko siya. "Ysabelle kung hindi ka pa inaantok you can join me here," habol ko. "No thanks Sir," saad nito at tuloy na naglakad. Arrgh! Bakit ba ang cold ng babaeng 'to, san kaya 'to pinaglihi ng magulang niya. Wala na akong magagawa kung hindi manood ng mag-isa, tinuloy ko na ang panonood ko, nasa kalagitnaan na ako ng panunuod ng may kung anong sounds na nakakatakot ang naririnig ko galing TV, papatayin ko na sana ang Tv ng may biglang lumabas na multo. Napasigaw ako sa sobrang gulat. f**k horror pala ang pinapanood ko sa lahat ng ayoko ay horror. Nakarinig ako ng footsteps galing sa taas, agad na lumitaw si Ysabelle na naghahabol ng hininga. "Anong nangyari Sir?"napanga-nga ako sa kanya,gulo-gulo ang buhok nito at tingin ko ay nagising lang ito sa pagkakatulog, pero kahit ganoon ay nangingibabaw pa rin ang ganda nito. "A-ah I'm just watching and hindi ko napansin na horror pala ang pinapanood ko," saad ko. Napabuntong-hininga ito at hinawi ang buhok na nasa mukha niya. f**k s**t, napalunok ako at naglakad papalapit sa kanya, nagtaka naman ito. Lumapit ako ng sobrang lapit hanggang sa makita ko ng maliwanag ang mukha niya. "Don't do that again may ginigising ka," sabi ko, lumayo naman ito ng bahagya sa akin. Mayroon na naman na buhok ang napunta sa mukha niya, hahawiin niya sana iyon pero pinigilan ko siya. "I said don't do that ,"tumaas ang kilay nito sa pagtataka at binaba ang kamay, ako na mismo ang naghawi ng buhok niya agad na lumayo naman ito. Napalunok ako sa ginawa ko at umiwas ng tingin, tangina feeling ko ay ang pulang-pula ko. Hindi naman ako nahihiya kapag may babae akong pinopormahan. This girl is different. "Umakyat ka na Ysabelle at matulog ka na ulit," sabi ko at agad na tumalikod, kapag hindi pa ako tumalikod ay baka iba ang magawa ko. *** A/N: Please don't forget to Vote, comment, and give a story a review. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD