Chapter 21

1430 Words
Arthur Jake Gamboa POV "What is the meaning of this?" Galit na saad ko. "Huwag mo kaming maenglish-english Gamboa, mamaya ay papuputukin na namin yang nguso mo," agad naman nagtawanan ang mga ito na mas lalong kinainis ko. "Eto ba yung babaeng sinasabi mo kagabi? Kapayat niyan pre pano nakasuntok sayo yan," saad pa ng isang may kaliitan ang katawan. "Hindi na uubra sakin yan ngayon," nakakatakot ang ngisi nito na parang asong ulol na bigla ka nalang sasakmalin. "Sir Arthur, nakalimutan mo cellphone mo," narinig namin ang sigaw sa di kalayuan, agad namang nagsenyasan ang dalawa at ang isa ay agad na tumakbo papunta kay John. "John! Tumawag ka ng guard! NOW!" Sigaw ko. "Huh?" Saad pa nito. "Takbo!" Sigaw ko, nagpanic naman ito at agad na tumakbo. Pero mabilis ang lalaking isa at agad ay nahitak siya "Not so fast, little boy," saad nito. "Bitiwan mo ako!" Nagwawala si John at pilit na kumakawala. "Sinong nag-utos sa inyo?" Matapang na tanong ko. "Hindi na mahalaga yon Gamboa, ang isipin mo nalang kung saan ka magpaparetoke ng mukha, at ikaw na babae ka, " tinuro nito si Ysabelle at dumila. Kinilabutan ako dahil mukha siyang adik na manyak. Hinigit ko si Ysabelle at agad na tumakbo.Tangina asan ba ang guard dito sa parking. "Whoooa at san kayo pupunta?" Nagulat kami parehas ni Ysabelle nang bigla lumitaw ito sa harap namin. "Matagal ka na naming minamanmanan Gamboa, alam na namin ang pasikot-sikot dito , at pati na rin ang mga tamad mong guard ay alam na namin ang oras na wala sila." "s**t! Ysabelle, Anong gagawin natin?" Tanong ko. "Dyan ka lang sa likod ko," sabi niya, hinarang nito ang kamay sa akin, nang susugod ang isang lalaki. Nakaiwas kami parehas ng ihahampas niya ang dala nitong tubo. Hindi pa ito nakuntento, tuloy-tuloy ang hampas nito pero na naiilagan lang ni Ysabelle. "Ysabelle! "Tawag ko nang ang isang lalaki ay pasugod na sa kaniya. Sinipa niya ang tyan ng isang lalaki pasugod at hinawakan niya ang tubo nang isang lalaki. Tangina hindi ko kayang panuorin lang si Ysabelle na nakikipaglaban ng mag-isa. "Hoy," hinitak ko ang isang lalaki at tinulak papalayo kay Ysabelle. "Anong ginagawa mo? Sinabi ko sa likod ka lang," inis na saad nito. "Hindi ko kayang manuod, habang nakikipaglaban kag mag-isa," sabi ko. "Kaya ko silang dalawa kahit ako lan mag-isa, sa likod ka nalang dahil nakakasagabal ka." Nagpantig naman ang tenga ko at parang nainsulto. "Marunong naman akong makipaglaban hindi lang kasing galing mo." Nagulat kami parehas ng sumugod ng sabay ang dalawa, agad na tinulak ako ni Ysabelle papalayo.Sinipa niya ang isa sa tiyan at sa braso nito. Susuntukin pa niya sana ang isa pero niyakap siya ng isa pa, siniko niya ang tagliran nito para makawala, napadaing naman ang lalaki, siniko niya ang tagliran nito at pati na rin sa mukha, mabilis ang kilos ni Ysabelle at yon ang advantage niya. Dahil malalaki ang katawan ng kalaban niya ay mabagal silang kikilos. Lumayo siya ng sabay na tumayo ang dalawa, sumugod ang isa sa kanya, sinangga niya ang suntok nito gamit ang braso, ang isang kamay niya ay sinuntok niya sa leeg nito at sinipa niya ag kanang paa nito, kaya na-out of balance ang lalaki at tumumba. Ang isa naman ay papalapit sa kaniya pero agad siyang nagslide para tisurin ang lalaki ,tumumba rin ito sa sahig, sinipa niya ang tiyan nito kaya napadaing ito sa sakit. "Sa likod," sigaw ko, hindi napansin ni Ysabelle ang isa pang lalaki binuhat siya nito at binalibag sa sahig. Narinig ko ang daing ni Ysabelle, dahil pinalipit ng lalaki ang braso niya. Susuntukin sana siya nito sa mukha pero agad na kinuha ko ang tubo at binambo sa likod nito. Napabitaw naman ang lalaki kay Ysabelle. "I told you kailangan mo rin ang tulong ko." "Tangina! "Daing nang lalaki. Susugod sana ito ulit at nakadepensa na si Ysabelle. "Nandiyan na ang guard," saad ng isa na nakahawak kay John. "Tangina! Magkikita pa tayong babae ka, sa susunod na magkikita tayo Gamboa, sisiguraduhin kong papatayin na kita," saad pa nito bago sumakay sa van. "Bilisan niyo, habulin niyo!" Utos ko sa mga dumating na guard. Agaran naman ang aksyon ng mga guard at hinabol nila. Dinayuhan ko si Ysabelle. "Patingin," ngayon ko lang napansin na dumudugo ang gilid ng labi niya. Hindi ko manlang napansin kung paano napadugo ang bibig niya. "s**t!" Lumapit si John sa amin. "Anong masakit?" Tanong ni John, dinampot nito ang cellphone at tumawag sa emergency service. "Hindi na kailangan John, hindi naman ako nabugbog,"pigil nito agad kay John. "Pero dumudugo ang bibig mo," saad ko. "Of course dahil sinapak ako," napangiwi pa ito dahil sa pagsasalita. Hindi ko manlang napansin na nasapak pala siya dahil sa bilis ng pangyayari. Hinawakan nito ang braso na pinilipit ng lalaki kanina, "Masakit?" Agarang tanong ko. Nagtataka naman itong sumagot at parang nagsasabing tanga ka ba?tinikom ko nalang ang bibig ko, nakakatakot rin siyang magalit. "Umuwi na muna tayo para magamot ko ang sugat mo," saad ko. Inalalayan ko itong maglakad pero tinanggal niya lang ang kamay ko sa braso niya. Hanggang dito ba naman ay cold pa rin siya. "John! Tawagan mo ko kung nahuli nila ang mga hayop nayon." Tumango naman ito. Sumunod na ako kay Ysabelle na papunta sa kotse. Nagaalala ko kung okay lang ba talaga siya o pang-ospital na, pero mukhang okay pa naman siya dahil ang cold pa rin niya. Lumapit si Ysabelle sa sasakyan ,"Ako na ang magda-drive," saad ko. "Kaya ko," saad nito, pinigilan ko ang kamay nito at inagaw ang susi. Wala na itong magawa kundi ang sumakay, pinaandar ko na ang sasakyan at nag-drive pauwi. "Maupo ka diyan kukuha lang ako ng cold compress para sa pasa mo," agad na kinuha ko ang medical kit pati na rin ang cold compress. Narinig ko itong may kausap sa cellphone, binaba niya na rin ang cellphone pagdating ko," Si Mom a ang kausap mo?" "Yes! I need to report everything that happened kanina," saad nito. "Sinabi mo ba na nasaktan ka?" Tanong ko. "Is that important? As far as okay ka naman ay okay lang rin ang Mom mo," saad nito. Napabuntong hininga ko, at kumuha ng yelo sa ref, nilagyan ko ang ice pack,"Let me check your arm," aalma pa sana ito. "Please Ysabelle kahit ito lang." Hindi na ito kumibo,inabot ko ang braso nito at tinupo ang polo niya. Tama nga ang hinala ko, mas lalong nangitim ang pasa nito. Nilapit ko ang cold compress, makakatulong ito para sa agaran pagkawala ng namuong dugo sa loob ng braso niya. Mga ilang minuto ko rin na na-cold compress siya, after non ay naglagay naman ako ng betadine sa bulak. Ilalapit ko na sana sa bibig niya na nasapak kanina pero pinigilan niya. "Ako na," saad nito at tumingin sa likod ko. Napalingon naman ako at nakita si Kuya Harold. Kunot ang noo nito na tumingin pareho sa amin ni Ysabelle, "What happened?" Hindi ko alam kung nag-aalala ba ito o tsumi tsismis lang, parang hindi ko naman siya kilala, mangaasar lang naman siya. "Mind your own business," supladong sagot ko. Kinuha ni Ysabelle ang bulak sa kamay ko at pinahid ang sariling sugat, gusto ko sana siyang tulungan kaso ay ayaw niya. "Here," hindi ko napansin na nakalapit na pala si Kuya Harold, inabot nito ang maliit na salamin kay Ysabelle. Third Person POV Before Arthur receiving death threat "What's your next plan?" saad nang baritonong tinig, lumiit ang mata nito, habang natatanaw ang lalaking kinakamuhian niya. Tumingin siya ng malamig sa kausap nito at tumingin muli sa lalaki, ngumisi ito ng nakakatakot. "Uumpisahan ko sayo at isusunod ko ang mga mahal mo sa buhay," ika niya at lumagok ng alak habang nakatingin pa rin sa lalaki. Napatawa naman ang kausap nito, "Bakit hindi mo umpisahan sa puno bago ang bunga?" "C'mon, wag kang masiyadong mainipin, dadating din ang panahon at makakaganti rin ako sa kaniya, hintayin mo." gigil na humawak ito sa baso ng alak. Gustong-gusto niyang itapon ang baso sa gigil ngunit nasa club siya at ayaw niyang makakuha ng atensyon, hanggat maari ay gusto niyang hindi siya mapansin ng tao. Umiwas siya nang tingin ng medyo napatingin ito sa pwesto niya, agad niyang binaba ang suot na cup. "Let's go," aya ng kasama nito, tumingin muli ito sa kinakamuhiang lalaki na ngayon ay nakikipaghalikan na sa babae. Disgusting! saad niya sa isip, agad na sumunod siya sa naunang lalaki. *** A/N: Please don't forget to Vote, comment, and give a story a review. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD