Marco Zumera POV
Napahawak ako sa sintido dahil sa sakit ng ulo, tanghali na nga kami nagising pero ang sakit pa rin ng ulo ko.
Hindi rin kasi ako nakatulog nang maayos kagabi, dahil nasa bahay ko si Stephanie. Narindi rin ako sa pagsasalita niya ng kung ano-ano habang natutulog at pagtawag sa pangalang Lucas daw na fiancee niya.
Ang sakit pa ng likod ko dahil sa lapag ako natulog, at pinabayaan siya sa kama ko. Napangisi ako ng maalalang ayaw niya akong paalisin sa tabi niya kagabi at gusto niyang matulog kami na magkatabi, gusto ko sana siyang asarain pero naka-kota na ako ng dalawang sampal.
” Paano mo ako nabihisan kagabi?” tanong niya napalunok naman ako ng alalahanin yon. Hindi niya alam kung gaano ako nagpigil na wag siyang tingnan kagabi habang binibihasan ko.
“Pinatay ko ang ilaw at saka pumikit ako,” kamuntik pa akong pumiyok, tangina! Hindi nakikisama ang boses ko.
“Sure ka? Sihurado kang nakapikit ka talaga?” napalunok ako at bahagyang tumingin sa kaniya, pero agad rin nag-iwas nang tingin dahil nakataas na naman ang kilay niya, medyo nakakatakot din siyang magalit.
“O-oo nga,” I cleared my throat ng bigla akong pumiyok.
Naramdaman ko naman ang hampas nito sa braso ko,” Sinasabi ko na nga ba at pinagsamantalahan mo talaga ko kagabi,” here we go again.
“Hindi nga kita pinagsamantalahan okay! Kahit magpa-doctor ka pa at magpatingin ngayon,” sabi ko.
“Tsk,” bumalik ito sa pagkakaupo at dumungaw sa labas ng bintana.
Papunta kami ngayon sa naiwan niyang kotse, pagkatapos niyang humingi ng pabor ay ganito pa ang gagawin sa akin. Imbis na pasalamatan ako at pinatuloy ko siya sa bahay ko.
“Alam mo naman na naka-reserve ‘to sa taong mapapangasawa ko,” bigla naman akong namula ng ma-gets ang ibig niyang sabihin.
Napangiti ako ng mapakla nang maalala na lagi niyang sinasabi sa akin yo’n,”Kaya mo nga siguro ko pinagpalit dahil hindi mo ko nakuha,” kumunot naman ang noo ko.
“Minahal kita Stephanie, at hindi yon ang pakay ko sa’yo!” medyo napalakas ang boses ko na kinagulat niya.
Hininto ko ang kotse sa tabi at humarap sa kaniya, “I have my reason kung bakit ako nakipaghiwalay sayo,”gusto kong ipagtanggol ang sarili ko pero paano? Masama na ang tingin ko and besides kahit naman mag-explain ako ay wala na rin dahil ikakasal na siya.
“For your information ay parehas nating ginustong maghiwalay, and besides tingin mo ba ay pagkakatiwalaan pa kita after nang ginawa mo!” lumakas na rin ang boses nito.
“Nag-sorry ako at magso-sorry ulit ako. I’m sorry kung naging ex mo ang katulad ko, sorry in behalf on your fiancee na niloko ka. I’m really sorry hindi ko sinasadyang saktan ka.” sinserong saad ko.
Bumuntong hininga ito, “past is past and besides dapat hindi ikaw ang humihinga ng kapatawaran sa fiancee ko,” mapaklang saad niya.
“Dahil kauri ko siya,” natatawang saad ko.
“Mamatay na ababero,” sabi nito.
“Walang babaero dito,” sabi ko at tumawa. Natawa nalang kami parehas, para kaming baliw after naming magtalo ngayon ay nagtatawanan.
Naatuwa ako dahil hanggang ngayonay wala pa rin palamg nagbago sa kaniya bukod salali siyang gumanda.
"So nakailang girlfriend ka after we broke up?" Biglang tanong niya. Sumeryoso ang mukha ko dahil sa tanong niya.
"Wala na," sabi ko at pinaandar na ang kotse.
" Ha? Hindi ako naniniwala, eh sino yung kasama mo noong nakaraan?"
Bahagya akong nangiti dahil sa tanong niya," Kaibigan ko lang yon."
"Kaibigan? But you kissed?" Napakurap naman ako nang ilang beses at napalunok.
"H-ha? A-ah," hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Friends with benefits ha?Ganoon din ba yung babaeng pinalit mo sa akin? Friends lng din kayo?"
"A-ano yon," napakamot ako sa ulo. Napansin ko naman ang panliliit ng mata niya.
"Fling okay!" Nakaka-consious ang tingin niya sa akin, tuloy ang nagpa-panic ako.
"Fling!" Sabi lang nito at tumingin sa labas. Ilang minuto rin itong hindi umiimik kaya ako nama ang nagtanong.
"Anong balak mo sa fiancee mo?"narinig ko naman ang paglunok nito.
"Hindi ko alam, hindi pa uli kami nag-uusap," bahagya itong ngumiti pero fake lang.
Tumingin muli ako sa daan,"Nakapag-invite na kami okay na ang lahat ,ikakasal nalang kami tapos ganito pa nangyari," napansin ko ang pagpahid niya ng luha sa pisngi.
"Dahil siguro Manang ako at hindi ko kayang punan ang ginagawa ng pinalit niya, dapat ba binigay ko? "Tanong niya sa akin.
"Hindi!" Malakas na sabi ko. Nabigla rin ako na nataasang boses ko.
"I mean, Wag alam kong yaan ang gusto mong regalo sa mapapangasawa mo."
Alam ko dahil minsan mo na rin sa aking sinabi yan nang kamuntik nang may mangyari sa atin noon tayo pa.
Gusto kong sabihing humanap siya nang lalaking hindi lang yon ang gusto, yung lalaking rerespetuhin ka at hihintayin ka kapag gusto mo na, pero paano ko sasabihin? Kung ako mismo ay walang respeto at papalit-palit nang babae.
"Tingin mo ba ay yun lang ang habol nang mga naging ex ko? Everytime kasi na inaaya nila ako ay umaayaw ako, kaya siguro naghahanap sila ng iba," I'm not one of them Stephanie, nirespeto kita at minahal ng buong buo.
Meron lang talagang circumstances na kailangan nating maghiwalay para umayos ang lahat. Yaan ang gusto kong sabihin pero wala akong lakas ng loob.
"Makakahanap ka rin ng lalaki na para sayo," saad ko at nginitian siya.
"Ayon na yung kotse mo," sabi ko at tinuro ang kotse niyang nasa gilid.
Nagtaka naman ako ng hindi pa ito bumababa, "Salamat Marco," sabi niya.
"Sa paghahatid dito? Okay lang," sabi ko.
"Salamat dahil pinatuloy mo ako sa bahay mo at hinatid mo ako dito, salamat rin sa pag-comfort ngayon at pati kagabi," kumurap ako nang ilang beses nang maalala niya ang lahat.
"Salamat dahil hindi mo ako iniwan kagabi hangga hindi ako nakakatulog," nakangising sabi niya.
"Paano?" Lasing na lasing ito kagabi at ang palagi lang niyang bukang bibig ay Lucas.
"Bakit? Akala mo ba ay hindi ko naalala? Yung iba hindi ktulad nang pinalitan mo ako ng damit, pero naalala ko ang iba." Nakangising saad nito.
Napangisi pa ito bago mgsalita," Sorry for making you crazy again Marco."Nanlaki ang mata ko nang maalala niya yon. s**t!
Napatawa naman ito,"I'm sorry pero sana ay ito na ang huli nating paguusap, gusto ko lang protektahan ang puso ko," sabi nito at tumuloy ng lumabas.
Gusto ko siyang habulin pero hindi ko magawa, gusto kong tanungin ang ibig sabiin niya sa gusto niyan protektahan ang puso niya. May nararamdaman pa rin ba siya sakin? Gustong-gusto ko siyang sundan pero wala akong lakas.
Tinanaw ko nalang ang kotse niyang papalayo sa akin. s**t! Marco.
***
A/N: Please don't forget to Vote, comment, and give a story a review. :)