Arthur Jake Gamboa POV
Nakatitig ako sa pagkain habang napapangiti, mukha na siguro akong baliw ngayon.
" Okay na ba ang pakiramdam mo Iha? " tanong ni Manang kay Ysabelle, maaga itong nagising sabi ni Manang kaya tinulungan daw siyang magluto.
Alam na kaya niyang ibang gamot ang napainom sa kaniya ni Manang.
"Okay na po ako," sagot naman niya.
"Pasensiya ka na talaga at namali ako ng gamot kahapon na naibigay sayo," Napakagat naman ako ng labi ng maalala ang ginawa ko.
"Okay lang po," tugon ni Ysabelle.
Hindi muna ko papasok sa opisina, wala naman akong meeting mas better kung dito nalang muna ko sa bahay.
Nandito ako ngayon sa bench, natatanaw ko ang mga guards na nakapaligid sa bahay namin.
Tinitigan ko si Ysabelle na nakikipag-usap sa isang guard. Pinaglaruan ko ang labi ko habang nakatitig dito, mukhang maayos naman na siya, halik ko lang pala makakapagpagaling sa kaniya.
Nagring ang cellphone ko," Ano?" bungad ko agad.
"Good Morning muna gago!" saad nito.
"Good Morning."
"What happened kahapon?" Tanong niya, kaya naman pala tumawag ay para makitsismis.
"Sinabi ba sayo ni John?"
"Ah oo, nagpunta kahapon dito si John sa club kasama ang ibang kaibigan nito, nabanggit lang niya. Kamusta na si Ysabelle?"
"Ok lang siya, okay na okay," malokong sagot ko.
"What do you mean?"
"Nothing. basta okay siya, yon lang ba tinawag mo ha?"
"Oo, tumawag ako para kamustahin si Ysabelle," napasimangot ako.
"K. bye," pinatay ko ang tawag at binulsa na ang cellphone.
Pumasok ako sa bahay at kumuha ng meryenda, lumapit ako kay Ysabelle na may kausap sa telepono.
"Okay nga lang ako," saad nito sa kausap, hindi naman kunot ang noo o inis ang mukha nito. Mukha pa ngang nage-enjoy ito sa kausap.
Napalingon sa akin saglit si Ysabelle, kaya nagpaalam na ito sa kausap.
"Sir?" tawag nito.
"Sino kausap mo?" kunot noong tanong ko.
"Si Marco," matipid na saad nito, napatingin naman ito sa hawak kong pagkain.
"Ah! Let's go there," aya ko sa kaniya sa bench.
Sumunod naman ito sa akin, nilapag ko ang pagkain sa table at pinaupo siya sa tapat ko.
"Kumain ka muna," Nagtaka itong tumingin sa akin.
"Busog pa ko," saad niya.
"Kumain ka kailangan mo yan, magpataba ka nga para hindi ka agad agad nabubuhat at naibabalibag, tingnan mo yang likod mo ang pula kahapon," tuloy-tuloy na saad ko, nagulat ako at narealize ang nasabi ko. f**k!
Tumaas ang kilay nito sa akin, napaiwas naman ako ng tingin.
"Really huh!" Sarcastic na saad niya. Tumingin ako rito na nakatitig pa rin sa akin.
"Ang tagal mo kasing lumabas kahapon kaya pumasok na ako sa kwarto mo, naabutan kitang tulog."
"Okay!" saad lang nito.
"Kainin mo nayan, kung makirot pa pasa mo, may mefenamic diyan," I cleared my throat na piling ko ay pipiyok ako sa pagsasalita.
"Thanks," nagulat ako sa sinabi nito.
Kumagat ito sa isang sandwich na dala ko, napatitig naman ako sa labi niya, tangina! Napalunok ako ng laway. Nababaliw na nga yata talaga ko, ganito pala ang epekto sa akin kapag inaayawan ako ng babae.
"That lips," bulong ko, napalingon naman sa akin si Ysabelle.
"Ano?" takang tanong niya.
"Masarap," saad ko. Tumingin ito sa sandwich na kinakain.
"Yes, masarap," napabunghalit naman ako ng tawa sa sinabi nito.
"Yes sobrang sarap," saad ko at kinagat ang ibabang labi para tumigil sa pagtawa.
Binaba nito ang sandwich na kinakain at tumitig sa akin, "May ginawa ka sa akin, habang tulog ako," nanlaki naman ang mata ko.
"What do you mean?" painosenteng tanong ko. Hindi ito sumagot at tumitig lang sa akin.
Bubuka na sana ang bibig ko para magsalita pero nauna na siya, " I realize na mababaw lang ang tulog ko kahapon, may naramdaman akong kakaiba," ang mata nito ay titig na titig sa akin, hinuhuli niya ko.
Napangisi ako, " Ang tamis ng labi mo ay hinahanap hanap ko," saad ko sa mga mata niya, at pababa sa labi niya.
Tahimik lang siyang nakinig sa akin," Ikaw Ysabelle? Do you feel the same way?" Nakangising saad ko.
Tumayo ito, "San ka pupunta?"
Pero hindi ito kumibo, hinili ko ang kamay nito at agad ay napadaing siya dahil sa sakit, "S-sorry," saad ko.
Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak at diretsong naglakad papunta sa pwesto niya.
Naiwan na naman akong mag-isa sa bench. Mukhang hindi naman niya naintindihan ang ibig kong sabihin kanina.
Marco Zumera POV
"Whoaaa" sigaw nang mga taong nasa club ko. Pansin na pansin talaga ang saya ng mga tao sa Club.
"Whiskey please," saad nang babae. Ako muna ang bartender dahil wala ang isang staff ko.
Agad ay binigyan ko ito nang maiinom, " Here, pretty lady" saad ko at kumindat, Ngumiti lang ito sa akin at umalis na.
"No way!" saad nang nakangising babae na kakarating lang, nagtataka siguro ito kung bat ako ngayon ang nasa counter.
"Why is the boss here?" saad nang isa pang babae.
Ngumisi naman ako, " Ayaw niyo bang pagsilbihan ng gwapong katulad ko?"
"Gusto syempre," Nag-agawan pa ang dalawa kung sino ang mauupo sa harap ng counter. Mukhang mag-aaway pa ang dalawa.
"Calm down, ladies mabibigyan ko kayo parehas," awat ko dahil piling ko ay di magtatagal ay magsasabong na sila.
"So anong alak ang gusto niyo?"
"I want hard, hmm kasing hard mo," malanding saad nito, at pinasadahan ang katawan ko. Napangisi naman ako gusto mo kasing hard ko ha.
Napili ko ang vodka na 96% ang volume nang alcohol, binigay ko ito sa kaniya.
"And you?" saad ko sa isa pa.
"Tequila," saad nito.
Pagkaabot ko ay hinawakan nito ang kamay ko at kumindat. Ngintian ko lang ito.
"Why so handsome and hot Marco," napatawa ako sa sinabi nito.
"Hindi ko rin alam sa parents ko," saad ko at napatawa naman ang dalawanng customer ko.
"Margarita please," saad ng babaeng kakarating lang.
"Okay ladies, later nalang ha. Pagsisilbihan ko muna siya," saad ko at bumaling sa babae.
"Margarita ba madame?" saad ko, Nang tumingin ito ay parehas pang nanlaki ang mata namin.
"Stephanie!" saad ko.
"Marco?" Pinasadahan nito ang suot ko, "Kailan ka pa naging bartender?"
Napakamot ako sa ulo, "Ngayong araw lang, so anong ginagawa mo rito?"
Napatawa naman ito, " Funny! of course ay gusto kong magsaya kaya nandito ko."
"Really? May kasama ka ba?" umiling naman ito.
"Where's my order?" natatawang saad nito.
"A-ah wait!" agad ay kumuha ko ng margarita glass at lime.
Saglit lang at sinerve ko na sa kanya.
Uminom naman ito ng kaunti, "Sayo ba ang club nato?"
"Yes." at tinitigan lang mga nagsasayahang tao.
"Natupad mo rin pala ang pangarap mo noong college tayo," napangiti naman ako at napahawak sa batok.
"Thanks to my parents, dahil sinuportahan nila ko," saad ko.
"How's tita nga pala? Antagal ko na rin siyang hindi nakakausap," sila talaga ni Mom ang close noong kami pa ay palagi ko siyang dinadala sa bahay. Gustong-gusto siya ni Mom, kaya ng malaman nito na wala na kami ay siya ang unang nalungkot.
"She's good, and busy, you know.. Business."
"I miss her, nakaka-miss ang maka-kwentuhan si Tita," saad niya at parang may kung ano sa mata nito na kumikislap.
" Alam ko namimiss ka na rin non, pwede ka naman pumunta sa amin, kahit na….. . hindi na tayo," Pinagkatitigan ako nito at natawa.
"That's awkward Marco."
"Yeah! awkward nga, kung gusto mo lang naman," natatawa rin na saad ko. Mabuti na nagkakamabutihan kami at naibabalik namin ang dati na magkaibigan lang.
"Anyway, Asan na nga pala si Alex ngayon?" pati si Alex ay naalala pa niya.
"Hindi ko rin alam eh, ilang buwan na siyang hindi nagpaparamdam, hindi ko nga alam kung buhay pa ba yon," natawa naman ito sa sinabi ko.
"Masyado kasing adventurer yung si Alex, baka nasa bundok yun ngayon," saad naman nito at uminom ulit ng alak. Nakakdalawang lagok palang ito ay mauubos na ang sinerve kong margarita.
"Dahan-dahan lang sa paginom, wala ka pa namang kasama magaakay sayo pauwi," bati ko.
"What? Kaya ko naman."
"Sir," tawag ng crew ko sa akin," Yes?"
May binulong ito sa akin, "Nasan siya?"
"Nasa VIP table po, Ano pong sasabihin ko?" sagot ng crew ko.
"Pupunta na ko ron," saad ko sa crew, "Wait lang Stephanie."
Tumango lang ito, "Stay here! Huwag mo siyang bigyan ng mataas na alcohol ha," saad ko sa crew ko.
"What?" rinig ko pang sahad ni Stephanie, pero hindi na ako lumingo at tumuloy na sa VIP.
Pagkapasok ko palang ay nakatitig na sa akin si Milla, she's the daughter of Andrew my co-founder in this club.
"Gusto mo raw akong makita?" saad ko.
"Of Course honey!" Tumayo ito at hinalikan ako sa labi.
Akala ko ay smacked kiss lang ang gagawin nito, pero mas binaon pa niya ang labi niya sa akin. Ang kamay nito ay agad na gumala sa private part ko.
Bahagyang tinulak ko ito, "Stop it Milla," saad ko.
Isang maling pagkakamali na nakipaglaro ako ng apoy rito, she's the daughter of my co-founder kaya nahihirapan akong itaboy siya.
"Bakit mo ko hinahanap? " hinila ko ito para umupo, pero parang pinaglihi yata ito sa ahas at nakapulupot na agad ang braso nito sa braso ko. Dinidikdik pa nito ang dibdib niya sa akin.
Napapikit ako ng marahan ng maramdaman ang kamay nitong palibot-libot sa katawan ko.
"Milla, we're still in the club, calm yourself," saad ko.
"What the f**k Marco, you're always been like this every time na magkikita tayo, why so cold ha? Dati rati naman ay gigil na gigil ka na makasama ko maikama."
"Dati yon," saad ko. Gusto ko sanang sabihin na pinagsawaan ko na ang katawan niya, pero baka magalit sa akin si Andrew kapag nalaman niyang kinakama ko ang anak niya.
"Bakit? Dahil tatay ko ang co-founder nitong club?"
"Yes! mali na nga ang ginawa ko, parang tinira ko na rin patalikod ang Dad mo dahil ilang beses may nangyari sa atin, kaya please Milla itigil mo na to."
Tumayo na ako at naglakad palabas ng room," Ang sabihin mo ay may bago ka nang kinakama, at pinagsawaan mo na ang katawan ko."
Tumingin ako rito ng malamig," Ayaw ko man sabihin ito, Milla, pero tama ang lahat ng sinabi mo. "
"f**k you Marco!" Nagsisigaw pa ito sa loob pero hindi ko na pinansin pa, tinalikuran ko na ito at bumalik sa counter.
Nagtaka naman ako nang hindi naabutan si Stephanie, " Asan yung babae rito kanina?" Tanong ko sa crew.
"Umalis Sir eh, lumabas po yata," saad nito. Baka umuwi na.
"Marami-rami rin siyang nainom Sir, pinipigilan ko siya kasi sabi niyo wag siyang bigyan ng mataas na alcohol, pero mapilit po siya."
Tangina! " Aalis ako ulit, tawagan mo ko japag may problema sa club," saad ko at nagmadaling lumabas.
Inaalala ko na baka mag-drive pa ito pauwi, alam kong mababa lang ang tolerance ng alak ni Stephanie sa katawan.
" Stephanie! " tawag ko sa parking area. natanaw ko ang guard ng parking namin.
"Ramon! May nakita ka bang babaeng nakablack na dress, yung maputi basta maganda siya."
"Ah, baka po yung babaeng kakaalis lang na naka-black dress, sya palang naman po ang nakikita ko na magandang umalis rito sa parking." Ibig sabihin ay nakaalis na nga siya. Tangina! Ayaw ko man magisip ng masama, pero pilit na simusingit sa isipin kung lasing siya ay baka mapano siya sa pagda-drive.
Agad na kinuha ko ang kotse at nag-drive, hindi ko alam ang kotse niya or kahit anong gamit niyang kotse, pinili ko nalang na pumunta sa condo baka naroon siya.
Habang nasa daan ako ay may napansin akong blue na Mercedes benz na nakatigil sa gilid ng highway, nakadukdok ang driver nito sa loob.
Iginilid ko ang kotse para silipin ang driver non at hindi nga ako nagkamali. That's Stephanie.
***
A/N: Please don't forget to Vote, comment, and give a story a review. :)