Arthur Jake Gamboa POV Pagdating namin ay nagsimula na ang movie, nilatag ko na ang picnic mat na nabili ko. "Maupo ka na Ysabelle," saad ko, at tumabi na sa kaniya. Napalingon naman ako sa mga kasama naming nanunuod, maraming couple ang naroon. "Ysabelle, bibili lang ako saglit ng popcorn natin," nakangiting sabi ko. "Sasamahan kita," sabi pa niya. Agad na umiling ako. "Saglit lang ako, saka baka may mauna na diyan sa pwesto natin," sabi ko. "Tumawag ka, in case na may mangyari sayo. Malalagot ako sa Mommy mo kapag may nangyaring masama sayo," napangiti naman ako. Minsan hindi na rin ako naniniwalang si Mommy ang dahilan niya. "Wag mo ko masyadong ma-miss," nakangising sabi ko. She smirk, napatawa nalang ako. "Sige na manuod ka na saglit lang ako," tumango lang siya kaya

