Arthur Jake Gamboa POV Hawak ko ang malaking teddy bear, naikot na namin ang ibang mga booth na may shooting. Mag-alas siyete narin nang gabi, hindi na nga namin namalayan na papagabi na dahil busy kami parehas sa paglalaro. Nakaka-miss talaga na gawin ang mga ganitong bagay. Feeling ko ay na-refresh ako dahil sa ginawa namin ngayon, isa rin sa dahilan ay dahil kasama ko si Ysabelle kaya talagang nag-enjoy ako. Nagpahinga lang kami saglit at inaya ko naman siya sa haunted house. "Takot ka ba sa multo?" tanong ko. "Hindi ako naniniwala sa kanila," sabi niya. Napangisi ako. "Let's see!" excited na sabi ko. Pumila na kami at hihintay nalang ang turn namin para pumasok. "Sure ka hindi ka takot? Basta pag natakot ka ay yumakap ka lang sakin! okay!" magiliw na saad ko. "Baka

