Arthur Jake Gamboa POV "Dad," salubong ko kay daddy pagpasok palang nila sa conference kasama ang secretary nito. Humalik muna ako dito at hinintay si Mom. "Where's Mom?" "Iniwan ko na muna sa bahay dahil nagpanic attack na naman siya," saad nito tumango lang ako, "Let's start the meeting." Nagsimula na kaming magmeeting ag hindi talaga maikakaila sa mukha nang board member ang pagiging stress at balisa dahil sa nangyari sa factory. Tumagal nang anim na oras ang meeting namin, halata na sa mukha nila ang pagod, kaya nagpa-dismissed na si Dad. Paglabas namin ay madilim na. Humawak ako sa batok dahil sa pagod at ngawit na rin sa tagal nang pagkakaupo. Hindi ko na maintindihan ang mga sinabi ni John dahil lutang na ako sa sobrang pagod, sinabi ko nalang na bukas na namin pagusapan

