Arthur Jake Gamboa POV Kinabukasan ay maganda ang naging gising ko, napangiti ako at napahawak sa labi ko. Hanggang pagbaba ay ngiting-ngiti ako. Wala pang tao sa baba tanging katulong lang na naghahanda ng almusal namin. "Wala pa si Ysabelle?" bungad ko sa katulong. "Ah nasa labas po yata," napangiti naman ako at gad na lumabas. Napansin ko agad si Ysabelle na nakikipag-usap sa mga guard. "Ysabelle!" hyper na tawag ko. Lumingon naman ito kaagad sa akin. Nagpaalam ito sa guard na kausap at lumapit sakin. "Aalis na tayo?" saad niya, napangsi naman ako at tumingin sa labi niya. "Hindi pa, pero sabayan mo akong kumain," sabi ko. "Okay," saad niya at kinuha ko ang kamay niya. Hindi naman ito pumalag at nagpatianod nalang sa akin, "Maupo ka na," sabi ko. Naupo naman ito, n

