bc

The Billionaire's Uptown Princess

book_age18+
1.6K
FOLLOW
10.9K
READ
billionaire
student
comedy
sassy
like
intro-logo
Blurb

NOT YET FINISHED. PLEASE DO NOT READ YET.

With matured content (R-18)

After his wedding was canceled, umalis si Steve at iniwan ang marangyang buhay. Walang bakas ng yaman at ni isang kusing ay wala siyang dinala. Gusto niyang mamuhay nang simple. Masaya at kuntento na sana siya sa buhay na pinili niya until he met Fiony. A ten-year younger spoiled brat na anak ng isang mayamang business tycoon sa lugar na 'yon.

Isang umaga, nadatnan na lang niya ito sa bahay niya at nakikiusap na ampunin niya dahil nanganganib daw ang buhay nito. Would he accept her or not?

chap-preview
Free preview
Prologue
HINDI mapakali si Steve. Kanina pa niya tinatawagan si Irish pero hindi na niya ito ma-contact. Noong una, nagri-ring pa ang cellphone nito, nang maglaon ay wala na. Dumarami na ang mga dumarating na bisita at nagsisimulan na siyang mamawis at mamutla. Thirty minutes nang late ang bride niya. "Sigurado ka bang darating pa ang bride mo?" tanong ng pari. Kanina pa pala siya nito pinagmamasdan. Waring alam na ang dahilan ng kaniyang pagkabalisa. "Maghintay pa po tayo ng mga kalahating oras, Father," aniya rito. Napatingin siya sa gawi ng ama. Panay rin ang linga nito sa paligid. Katabi nito ang bestman niya, si Brian. Nagtagis ang kaniyang mga bagang. May alam kaya ito? May alam ito for sure. Siguro pinlano nila ito. Ang iwan siya ni Irish sa ere. Tiim na lumapit siya sa gawi ng kapatid. "Let's talk." Bagaman galit ay pinili niyang maging mahinahon ang boses. Nasa harap kasi sila ng ama at ayaw niyang malaman nito na may alitan silang dalawa. Ngunit nanlilisik ang mga mata niyang tinititigan ang kapatid. Inaya niya itong pumasok sa mansyon kung saan walang makakakita sa kanila. "What?" malamig na tanong sa kaniya ni Brian. Naroon sila sa may living area. "Nasaan si Irish?" tanong niya. Nagkibit-balikat ito. "Why are you asking me? Hindi ko alam!" Akmang aalis na ito sa harapan niya pero pinigilan niya ito. "Alam ko kung ano'ng pinaggagawa n'yo. How dare you! Fianceé ko na, ginago mo pa." Sarkastiko itong tumawa. "Now you know how it feels..." Iyon lang at tumalikod na ito. Walang lingon-lingon itong naglakad palayo. Ngunit hindi na ito bumalik pa sa labas kung saan naka-setup ang garden wedding sana nila. Umakyat na ito ng silid. Gusto sana niyang komprontahin pa ito ngunit naalala niyang may mga taong naghihintay pa pala sa kaniya sa labas. Habang naglalakad pabalik ay muli niyang tinawagan ang numero ni Irish. Pero out of reach na talaga ito. Iniwan talaga siya sa ere! "Pasensya na dahil naabala ko kayong lahat. But I'm calling off the wedding. You may now all go," walang pag-aalinlangan niyang anunsyo. Walang emosyong kababakasan sa kaniyang mukha. Sinadya niya iyon upang hindi siya magmukhang kawawa. Kunwari ay wala lang sa kaniya ang lahat. At sigurado siyang narinig siya ng lahat dahil ginamit niya ang mic na konektado sa lahat ng speakers na naroon. Inihabilin na niya sa staff ang mga papaalis na bisita. "Steve, what happened?" nagtatakang tanong ng Daddy niya. "She's not coming..." mahina niyang tugon. "Doon muna tayo sa loob." Inalalayan niya sa paglalakad ang kanilang ama. Para umiwas na rin sa mga magtatanong. Wala siyang gana mag-explain. "Bakit naman? Sayang... Nakakahiya sa mga bisita. Paano na ang magiging apo ko?" At 70, mahina na ito. May iniinda itong sakit na matagal na nitong nilalabanan. At ang tanging hiling lang naman nito ay ang magkaroon ng apo. Apo? Speaking of... Muling nagsintir ang dibdib niya sa galit. That Brian... While he was away, may ginawa ito kay Irish. He didn't know the whole story pero isang bagay ang alam niya. She's pregnant and it's not his, but Brian's. How could she do it to him? After all the kindness he showed her. Nang malaman niya ang tungkol sa pagbubuntis nito, hindi nagbago ang desisyon niyang magpakasal dito. He's willing to accept the child and pretend na kaniya iyon kapalit ng malaking share sa company. That's how desperate he was. And besides... may lihim siyang pagtingin kay Irish. Hindi niya alam kung hanggang kailan, pero totoong kaya niyang tanggapin ang bata sa sinapupunan nito. But things didn't go as planned. Now that she left, alam na niya ang sagot. And he felt sorry for his dad na naging biktima ng pagiging selfish niya. He was so insecure that his brother would surpass him lalo na't may bad history siya noong college. Halos sampung taon siyang nag-aral sa kolehiyo dahil sa paiba-iba niyang kurso. After that wedding betrayal, alam niyang wala na siyang ihaharap sa ama at sa madla. He wished he could blame Irish for this, but she was just another of his victim. He just forced her to be his fianceé. And maybe she didn't really want it. Kaya hindi na lang din niya ito sinubukan pang hanapin kung saang lupalop man ito nagpunta. Ilang ulit niya ring pinag-isipan ang isang desisyong hindi niya akalaing magagawa niya. Gusto muna niyang mapag-isa. Magpakalayo-layo at hanapin muna ang sarili niya. Dala ang ilang mahahalagang gamit, he left.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook