"SIGURADO ka? Ito ang kukunin mong kuwarto?" nagtatakang tanong ng bakla na anak ng landlady ng apartment.
"Oo, ayos na 'to sa 'kin," kampanteng sagot niya habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng kuwarto. Maliit lang iyon at tamang-tama lang sa isang tao. Kumpleto naman dahil may banyo at lababo. Iyon nga lang walang dibisyon. Paglingon mo mula sa lababo, mga tatlong hakbang lang ay higaan na. Wala ring sapat na espasyo para paglagyan ng mga upuan. Maliit lang na lamesa ang maaring ilagay, sapat lang para may mapagpatungan siya ng plato kapag kakain. Bukod sa papag ay may bonus namang standfan sa gilid kaso ay halatang lumang-luma na iyon at babahagya nang magbuga ng hangin.
"Walang-wala ka ba talaga?"
Hindi niya alam kung naaawa ba ang bakla sa kaniya o hindi. Kanina pa siya nito pinapasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Simpleng jeans, sapatos at t-shirt lang naman ang suot niya. Tapos ay may dala siyang malaking bagpack na kinalalagyan ng mga damit at ilang personal na pag-aari niya.
"Gusto kong makatipid kaya ito na lang ang kukunin ko. Okay na ako rito, ako lang naman mag-isa."
"Alam mo, hindi bagay ang kuwarto na ito sa 'yo. Sa totoo lang, adik ang huling umupa rito. Gagawin na nga sana itong bodega. May iba pa namang available na mas malaki at komportableng kuwarto kaysa rito. Bigyan kita ng discount."
Nginitian niya ang bakla.
"Salamat na lang. Okay na talaga ako rito."
"Okay, sige." Napakibit-balikat ito. "Pero kung may iba ka pang kailangan, huwag kang mag-atubili na magsabi sa akin. Ako nga pala si Gela, at your service."
Nagdalawang-isip siya kung aabutin ba ang nakaabang na kamay nito o hindi. Pero sa huli ay nakipag-shake hands pa rin siya rito.
"Salamat."
"Pero teka, may tanong pala ako sa 'yo kung okay lang?"
"Ano 'yon?"
"Baka gusto mo ng part time job?"
Pagkarinig ng mga huling salita ay pumalakpak ang tainga niya. Tamang-tama dahil naghahanap pa siya ng ekstrang pagkakakitaan.
"Sige, at anong trabaho naman?"
Muli siyang sinipat ng bakla mula ulo hanggang paa. Inikutan pa siya nito saka nakangiting tumingin sa kaniya.
"Perfect na perfect ang katawan at face mo sa hinahanap ng kakilala ko. Mestiso ka, maganda ang katawan, matangkad at higit sa lahat guwapings, okay lang kahit wala kang talent, uupo ka lang at walang gagawin, kikita ka na agad."
"Ano ngang trabaho?" nae-excite na tanong niya.
Lumapit ito sa kaniya at pabulong na nagsalita. "Sa Adonis Bar. Guest Relations Officer. Iyong two thousand five hundred na monthly upa mo rito, puwede mong kitain doon ng isang gabi lang."
Namilog ang mga mata niya.
"Really?"
Nagtaas ng dalawang kilay ang bakla.
"Oo naman." Muli siya nitong pinasadahan ng tingin. "Eh, baka nga hindi lang two-five ang kitain mo roon gabi-gabi. Sa ganda ng katawan at tindig mo, siguro mahina na ang 5k."
Lalong pumalakpak ang mga tainga niya. First time niya lang narinig ang ganoong klase ng trabaho but it sounds good to his ears. Kung totoo ang sinasabi nito, iyong 5k a day niya, magiging one hundred fifty thousand a month. Not bad.
"Saan ko naman makikita 'yang bar na sinasabi mo?" tanong niya sa bakla.
"Pero ang tanong ko, sigurado ka ba talaga? Ayoko kasi magrekomenda sa kakilala ko tapos uurong pala sa bandang huli."
"Of course --- of course! Hindi mo naitatanong, I can also sing. At medyo maayos ang communication skills ko."
Just like in hotels, parang receptionist ang magiging counterfeit ng trabaho niya roon, right? He never heard of that Adonis Bar, but he's been in a lot of luxurious bars in and out of the country, kaya parang may idea na siya sa maaring takbo ng trabaho niya roon kung sakali.
"Sige. Mamayang gabi sasamahan kita. Pero bago 'yon, may gusto sana akong masilip mula sa 'yo. Kailangan mo kasi iyon para magustuhan ka ng manager."
"A-Ano 'yon?" medyo kinabahan siya.
Walang sabi-sabing itinaas ni Gela ang suot niyang t-shirt.
"Wow!" Parang tumama sa lotto ang expression ng mukha nito.
Siya naman ay naguguluhang nagtataka. Did he or she just check his abs?
"P-Para saan iyon?" inosente niyang tanong.
"Wala 'yon. Basta pupuntahan na lang kita rito mamayang gabi. Have a nice day!" paalam ng bakla na halatang masayang-masaya habang naglalakad palabas.
Napailing na lang siya saka pinlanong ayusin ang mga dala niyang gamit.
Kaunti lang naman iyon. Limang underwear, tatlong boxer, dalawang shorts, dalawang sando at tatlong t-shirt. Maliban doon wala na.
Katanghaliang tapat niyon at init na init siya. Sinilip niya ang loob ng banyo kung malinis. Naka-tiles naman iyon at tuyo ang sahig. Halatang matagal nang walang gumagamit dahil may mga sapot na ng gagamba sa inidoro. And as expected, maliit lang ang espasyo.
Napabuntong-hininga si Steve. Ayos lang 'to.
After his two-year trip sa iba't ibang bansa, muli siyang bumalik dito sa Pilipinas. His father just recently died kaya siya napauwi. He was still feeling guilty of what happened before. At dahil doon, nawalan na siya ng gana maghabol pa sa pamana nito kung mayroon man. And besides, he's enjoying this kind of life. Marami siyang nakakasalamuhang totoong tao, mga simple at maraming pangarap sa buhay. Napagtanto niya, na mas masaya pala mamuhay nang walang inaasahang yaman dahil natututo siyang magsikap at magpahalaga sa mga bagay-bagay kaysa sa buhay na marangya na agad nakukuha ang anumang naisin. Wala nang challenge kung baga.
Inilabas niya ang mumurahing sabong pampaligo at shampoo na nabili niya sa kalapit na tindahan. Binuksan niya ang gripo at hinayaan munang mapuno ng tubig ang timba. Hinugasan niya ang maruming tabo saka ginamit. Hindi na bago ang maligo nang walang shower at bath tub sa kaniya. He'd been to India, South Africa, Egypt and Nigeria, mga bansang tulad ng Pilipinas ay developing countries pa lang, kung saan mas lamang ang mahihirap kaysa mayayaman.
"MY God! Gela, sino itey?!" Namimilog ang mata ng isang baklang may malapad na katawan. Makapal ang make up at naka-floral na damit.
"New tenant sa amin. Naghahanap ng part time. Pumayag naman sa alok ko..." Lumapit pa si Gela sa kausap at may ibinulong. Nagbungisngisan ang dalawa at hindi makapaniwalang muli siyang tinapunan ng tingin ng kasama.
"Ano'ng pangalan mo? Ako nga pala si Madam Astril," pagpapakilala sa kaniya ng kaibigan ni Gela.
"Steve," simpleng tugon niya. Pasimple niyang inilibot ang paningin sa paligid. Nagsisimula na siyang magtaka. He's never been in this kind of bar before. Or should he say club. Sa bagay, lahat naman kasi ng napuntahan niya dati ay pawang mga pangmayaman. So maybe ganito ang hitsura kapag sa mga simpleng tao lang.
"Steve? Apelyido mo?" usisa pa ng bakla. Nangingislap ang mga mata nito habang pinapasadahan siya ng tingin.
"Cruz." He has his IDs and documents fabricated. Pati birth certificate niya. Accidentally kasi ay nakita niya online na mayroon pa lang gumagawa ng mga 'totoong' pekeng papeles, at naisip niya, para mas maging 'makatotohanan' ang pagiging simple niya ay kailangan niyang pansamantalang talikuran ang apelyido. Surprisingly, he wasn't detected fraud when he went out sa iba't ibang bansa sa mundo. At tiyak niyang lalo naman dito sa Pilipinas, kung saan siya nagpagawa, walang makakakilala ng tunay niyang pagkatao unless they already knew him personally, o sasabihin niya ang tunay niyang identity.
"Ilang taon ka na?" tanong ulit nito.
"Thirty-two."
"May girlfriend ka?"
Hindi siya agad nakasagot. Bakit kailangan pang itanong pati personal life niya? "Wala."
"Eh, experience? May experience ka na?"
Nangunot ang noo niya. "Anong experience?"
Tumaas ang dalawang kilay ng bakla. Nagkatinginan pa sila ni Gela.
"E-Experience sa work. O kahit sa anong bagay... sa ano.."
"Marami na.." alanganin niyang tugon. Totoo namang marami na siyang naging trabaho. Naging plumber, construction worker, street sweeper, bartender at kung anu-ano pa siya sa ibang bansa. Kaya lang hindi siya nagtagal lahat dahil experience lang ang hinahanap niya. Kung puwede lahat ng klase ng blue collar job ay susubukan niya.
"Good! Whatever...." Isa pang tingin sa kaniya mula ulo hanggang paa at hinawakan siya sa balikat ni Madam Astril. "Tanggap ka na. Don't worry, hindi naman kita pahihirapan. At ikaw pa ang makaka-receive ng pinakamataas na talent fee. Basta susundin mo lang ang instructions ko at magiging magiliw ka sa mga costumers mo. Nako! Sinasabi ko sa 'yo, hindi lang 5k a night ang kikitain mo."
Dinala siya nito sa isang silid. Pagbukas pa lang ay tumambad sa kaniya ang ilan pang mga kabaro nito at ilan ding kalalakihan na kaniya-kaniya ng pag-aayos at paghahanda sa sarili ang ginagawa.
"Sino 'yan, Madam?!" Halos tumili ang isang bading nang makita siya. Tumayo pa talaga ito at lumapit sa gawi nila. Napansin niyang lahat ng mata ay nakapangko rin sa kaniya.
"Everyone, ipinakikilala ko si Steve. Newly hired VIP star ko." Pagkuwa'y sa kaniya naman bumaling ang katabi. Isa-isang ipinakilala ang magiging mga katrabaho niya. Hindi naman siya nakikipagkamay, pero halos lahat ng bakla ay kinuha ang kamay niya upang makadaupang-palad siya.
Hindi nagtagal at inilabas din siya roon ni Madam Astril. Dinala siya sa parte ng bar kung saan nagaganap lahat ng klase ng entertainment. Dahil maaga siyang dinala roon ni Gela, wala pang gaanong costumer. Parang kabubukas pa lang yata nila.
"Ganito ang gagawin mo, uupo ka lang dito sa mesa. Kapag may lumapit sa 'yo at kinausap ka, kakausapin mo lang din. Ie-entertain mo lang kung baga. Pero kapag inaya kang lumabas, kailangan ipapaalam mo muna sa akin. Huwag kang basta-basta sasama. Siyempre dapat makilala ko muna kung sino ang kukuha sa 'yo, para magka-aregluhan kami sa presyo at magkabayaran muna. Marami kasing mga parokyano rito na bigla na lang nantatakas ng mga empleyado ko. Malulugi tayo niyan, lalo na at wala ka namang assurance kung babayaran ka ba nila kung saan man kayo pupunta. Isa pa, bawal ang masungit at suplado sa costumer ah. Mawawalan tayo ng kita niyan."
Iniwan din siya ng bakla mayamaya. Tahimik siyang naupo sa mesa na tinutukoy nito. Nagmamasid sa paligid habang naghihintay ng mga darating na tao. Paulit-ulit niya ring nilalaro sa utak ang mga bilin at sinabi sa kaniya ni Madam Astril. He's just there to entertain the guests. Pero sasama? Hindi niya alam baka --
"Hi, bhe..."
Hindi niya alam kung bakit, pero biglang nagtayuan ang buhok niya sa batok. Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Isang may edad na lalaki ang nakita niyang matamang nakatingin sa kaniya. May bahagyang nakasilay na ngiti sa mapulang labi. Lalaking-lalaki pa rin ang hitsura kahit na may kaunting touch ng make up. Malambot ang tinig. May nakapulupot pang pulang tela sa leeg. Lumapit pa ito sa kaniya at naupo sa katabi niyang upuan.
Tiningnan siya nito na nakaawang pa ang mga labi. Kulang na lang tumulo na ang laway sa bibig. Palihim niyang nakuyom ang kamao. Pigil din ang hininga. So ganitong klase ba ng tao ang ie-entertain niya rito?
"Kumusta ka na bhe? Ako nga pala si Gina." Naglahad pa ng kamay ang matanda. "At ikaw si..?"
Napalunok siya. Napatuwid pa siya ng sandal sa kinauupuan. Nandidiri siyang makipagkamay sa kulubot nitong balat.
"Mali ho kayo ng iniisip, hindi ako nagtatrabaho rito," pilit ang pagiging polite niya. Siyempre matanda, kailangan pa ring igalang.
"Ay gan'on? Sayang naman. Pero baka puwede pa rin makipagkilala? Marami akong datung. Baka may gusto kang bilhin, ako nang bahala."
Napangiwi siya. Bigla pang napatayo. Sa 'di kalayuan ay nakita niya si Madam Astril na nakamasid sa kaniya. Dismayado ang mukha at pinandidilatan siya. No, wala siyang pakialam magalit man ito.
"Gusto mo ng bahay, bagong sapatos o gadgets? I can provide," habol pa sa kaniya ng bakla. Tumayo rin ito at humarap sa kaniya. At halos ika-suka niya nang bigla pa nitong hawakan ang kamay niya. "Sama ka sa akin Big Boy, paliligayahin kita."
Naestatwa siya. Gusto niyang manapak. Pero kailangan niyang huminahon dahil gulo lang ang idudulot niyon. Lalo lang magiging komplikado ang lagay niya. Napalingon siya sa paligid. Napansin niyang maraming mata ang nakapangko na sa kaniya.
"Naku! Huwag Lover Boy, sa akin ka na lang. Gurang na 'yan, amoy-lupa na. Sa akin ka na lang sumama, fresh na fresh pa ako. Mabango pa at mas maraming datung. Gusto mo ng sports car?"
Halos manginig ang kalamnan niya ng isa pang bading ang kumapit sa braso niya. Bahagya pang pinisil-pisil ang biceps niya.
"Get off me!" Sa sobrang pandidiri ay hindi sinasadyang napalakas ang tulak niya rito. Sumadsad ito sa kalapit na mesa.
"Ayy!!" Tilian ng iba pang nakakita. Napapalibutan na siya ng iba't ibang mukha ng tao. Pero iisa lang ang identity na nakikita niya. They were all f*****g gays.
"Hoy, Steve! Ano'ng kawalanghiyaan ito? Bakit ka nananakit ng costumer ko?" biglang singit ng nagkukumahog na Madam Astril. "Hindi mo ba alam --"
Pero hindi na siya nag-abala pang patapusin ito. Hinawi niya ang mga taong nakaharang sa daraanan niya. He must get out of this place quick bago pa siya dumugin. Bullshit! He didn't expect this.
"Hoy! Saan ka pupunta? Bayad kita kay Gela. Binili kita. Kaya hindi ka puwedeng umalis na lang basta --"
Binili? Siya? At sino namang nagsabi na ibinebenta niya ang sarili niya?
May nagtangkang humarang na mga kalalakihan sa kaniya pero hindi umubra ang mga ito. Iyong totoo, naranasan niya ring maging isang security guard sa isang fast food noon sa Indonesia. And he had some defensive training. Mabilis siyang nakatakbo palayo sa nasabing bar. Napalingon pa siya upang tiyakin kung may humahabol ba sa kaniya. At noon niya lang napansin ang maliwanag na karatula o pangalan ng bar na napasukan niya. Adonis Bar, yeah at ang picture ay lalaking naka-topless at tila nang-aakit. Napasapo pa siya sa sintido. How fool of him! Napakabobo niya. Paano siyang naloko!
Ilang minuto pa ay natanaw na niya ang lugar kung saan siya nangungupahan. Sa may tindahan ay nakita niya agad si Gela na may kasamang grupo ng mga lalaki, nag-iinuman.
"Hi, Steve! Kumusta na?" nakangiti pang tanong nito nang makita siya.
"Damn you!" gigil at tiim-bagang na singhal niya rito. Nagderetso siya agad sa inuupahan niyang kuwarto at mabilisang binalot ang kaniyang mga gamit.