Chapter 2

2094 Words
"YAYA!!!!" Dumagundong ang boses niya sa halos apat na sulok ng mansyon. Kumapit pa siya sa may pasimano ng hagdan para bumuwelo at humugot ng lakas. Kung may tao man siyang kaharap nang mga sandaling iyon, malamang masisilip ang kaniyang buong ngala-ngala. "B-Bakit po, Ma'am Fiony?" tarantang tanong ng isang katulong na may kasunod pang tatlo. Wala kasi siyang binanggit na pangalan kaya lahat sila'y nagpulasan mula sa kanilang mga ginagawa. "Where's my f*****g new shoes?" tanong niya sa matinis at malakas pa ring boses. Nagpalitan ng tingin ang mga katulong. Halatang nagtuturuan at walang ideya kung nasaan ang hinahanap niya. "H-Hindi namin alam, Ma'am Fiony. Hindi n'yo naman ipinatabi sa amin." Isang malakas na irit ang pinakawalan niya mula sa kaniyang lalamunan. "Then search for it you FOOLS!!!!" Halos ikaputol pa iyon ng mga litid niya sa leeg. Isa namang early forties na babae ang paparating mula sa dining area. May hawak pa itong tasa ng kape at taas ang isang kilay na tumingin sa kaniya. "What's with the scandalous shout, Fiony? Ang aga-aga mong pumutak. Daig mo pa ang tindera sa palengke," anito na lalong ikinasama ng mood niya. "So ano'ng pakialam mo? If I know, this house is ours. My father and mother own this, and I am their only daughter, so I have all the rights to do whatever I want to. Wala kang karapatang sawayin ako." Inis na inirapan niya pa ito. "Correction..." Pagkaubos ng kape ay iniabot ng babae ang tasa sa isang katulong. Saka ito muling bumaling sa kaniya. "Your mother just used to own this house, but not anymore, right? She's dead, and I am your father's new wife now. So meaning, I hold more power than you in this house. Kaya whether you like it or not, I will discipline you the way I want to. Kayang- kaya ko ring ipa-hold lahat ng ATM at credit cards mo." Ngunit imbes na matakot ay lalong lumakas ang loob ni Fiony. Nameywang pa siya at sarkastikong ngumiti. "Is that a threat, Tita Eunice, hmm? Oh, sige nga. Gawin mo nga. Subukan mo lang at talagang sisirain ko ang imahe mo sa daddy ko. You know me, I can just pretend that you're physically abusing me while daddy's away. And I know he'll believe me dahil ako lang naman ang kaisa-isang alaala niya mula sa iisang babaeng minahal niya buong buhay niya. My mom. Pinakasalan ka lang naman niya para may mag-aalaga sa kaniya sa pagtanda niya kung sakali. But nothing more. So stop assuming, please. If I know, pineperahan mo lang naman at ng pangit mong anak ang daddy ko. You're just my stepmother but will never be like my mom." Kasunod namang dumating ang isa pang babae. Maputi at halos kaedad niya lang. Ngunit sa sobrang puti nito, nagmukha na itong bangkay na ilang araw nang palutang-lutang sa tubig. Produkto kasi ng iba't ibang inumin at pamahid sa katawan. Halatang malaki ang inggit sa kaniya dahil natural ang pagkalabanos ng kaniyang kutis na minana niya pa mula sa kaniyang namayapang ina. "Are you looking for this?" Nanlaki ang mga mata ni Fiony nang iminuwestra nito ang kaniyang hinahanap na sapatos. Heels rather. It was a glass-like pair of heels. Iyong parang kay Cinderella. Plano niyang isuot ngayong araw dahil first day of school. "What the... Why are you wearing that?!" gimbal at halos maiyak sa ngitngit na wika niya. Dali-dali siyang bumaba ng hagdan. Nagpupuyos ang damdamin. "Sino'ng nagbigay sa 'yo ng karapatang gamitin ang mga gamit kong pangit ka?!" "Tinesting ko lang naman. Sa 'yo na, hindi naman maganda." Nagulantang pa siya nang pasipa nitong hinubad ang bagong bili niyang pampaa. Ingat na ingat pa naman siyang huwag iyon magasgasan dahil ilang libo ang halaga niyon pero heto ito't parang laruan lang pinagpasasaan ang pag-aari niya. "Damn you, b***h!" sigaw niya saka pahabol na sinalo ang mga iyon. Wala siyang pakialam kung nandoon man ang ina nito. She's the one and only legitimate daughter of her father kaya wala itong karapatang bastusin siya. Nanlaki pa ang butas ng kaniyang ilong nang makitang nagasgasan na nga iyong tuluyan. "Mommy! I think she's attacking me!" takot namang sigaw at nagtago pa sa likod ng ina si Desiree nang mamataan siyang nanlilisik ang mga matang palapit sa gawi nito. Pero hindi siya natatakot. Bakit siya matatakot gayong ito naman ang nanguna? She needs to learn her new lesson. Mabilis niyang tinawid ang distansya nila at akmang ihahampas sa mukha nito ang hawak niyang heels. "Fiony!" But like a Shameplant, bigla siyang natigilan at natiklop nang marinig ang buo at maawtoridad na boses na iyon. She suddenly withdrew her movement at napalingon sa taas. Ang bitbit niyang heels na ilang segundong naiwan sa ere ay dahan-dahan niyang ibinaba. Wala siyang nagawa kundi samaan na lang ng tingin ang stepsister niya. "D-Daddy..." Kung mayroon man siyang kinatatakutang nilalang sa mundo maliban sa Diyos, iyon ay ang kaniyang ama. How could she ignore and disobey him kung ito na lang ang natitirang kakampi niya sa buhay niya? "Kanina ko pa naririnig ang boses mo sa loob. Ano ba'ng problema? Don't tell me you're fighting over a pair of shoes?" Napaawang na lang ang labi niya nang magsimulang magdrama si Desiree. "Y-You're right, Daddy, she's so mad at me. S-Sinabi ko lang namang isinusukat ko lang ang heels niya," anito sa kunwari pang aping-aping boses. Lalong nagsidhi ang kaniyang damdamin. At kailan pa ito nagkaroon ng karapatang tawaging Daddy ang daddy niya? "Dad, she didn't even bother telling me about it. Tapos patapon pa niyang isinauli --" "Fiony, it's just a pair of heels. Ayos pa naman. Wala namang sira ah," putol ng daddy niya sa mga sasabihin niya. Bakit ganoon? Iyong hindi tunay na anak pa nito ang pinapaboran? "Wala nga, pero may gasgas na. Dad, are you not even going to scold her too? She... ruined my day!" gigil at pigil ang emosyong sabi niya. "Hay nako, Sebastian! Kung palagi mong kukunsintihin ang ugali ng anak mo, lalo lang lalaki ang ulo niyan. Kita mo naman, she almost hit my daughter. Wala namang ginagawang masama ang anak ko. Sinukat niya lang ang heels, that's it," nakamata sa kaniyang singit ng kaniyang madrasta. "Right. Kung hindi kayo dumating, Daddy, malamang nahagip na niya ako sa mukha. Napaka- OA niya. Just for a pair of heels, mananakit na siya ng kapwa," kunwari pang takot at naiiyak pang segunda ng pangit nitong anak. Lalo tuloy nag-umapaw ang gigil at inis niya. "When did you learn to be violent, Fiony, ha? Is that what your mother taught you?" habol pa ng kaniyang stepmom. Kuyom na niya ang kamao nang mga sandaling iyon. Her face suddenly turning red. Gusto na niyang pagsasabunutan ang dalawang kontrabidang naglalayo sa kaniya at sa daddy niya. But upon looking at her father's face, natuto siyang sikilin ang sarili. Maybe some other time, paulit-ulit niyang bulong sa isip. "Huwag mong isasali sa usapan si Mommy dahil wala siyang kinalaman sa kung ano man ang inaasal ko sa ngayon. It depends on the people who surround me!" Napakabuti sa kaniya ng kaniyang ina when she's still alive twelve years ago. And there's one thing that she told her na hinding-hindi niya malilimutan hanggang sa pagtanda niya. Iyon ay ang ipaglaban lagi ang karapatan niya at ang katwiran niya kung alam niya namang tama siya. "Fiony ---" "Male-late na ako, Dad, I have to go," bagsak ang balikat na wika niya sa ama. For now yeah, magpapagapi siya, pero pansamantala lang iyon. She's aiming for the right timing. "Excuse me." Tumalikod na siya at akmang aakyat na ng hagdan. "Sumabay ka na sa amin. Ihahatid din namin si Desiree sa school --" "No, I'll go on my own!" Tinakbo na niya ang paakyat para makaiwas na rin sa sasabihin ng ama. "SO do you want revenge?" nakangising tanong ni Odessa habang sumisipsip sa straw ng milktea. Kasalukuyan silang nakatambay sa may cafeteria habang naghihintay ng next subject nila. Katatapos lang ng kanilang first subject. "Yeah, we can do it," sawsaw naman ni Killie na kasama rin nila sa mesa. Naikuwento kasi ni Fiony ang tagpo kaninang umaga. She had to dahil kailangan niya talagang mapagaan ang loob niya or else, maghapon o ilang araw siyang mai-stressed kakaisip. Kilala niya pa naman ang sarili niya kapag hindi nakaka-move on sa isang bagay o pangyayari. Talagang ikababaliw niya iyon. "Talagang gusto kong gumanti. I won't let it pass away. Kaya lang, inaalala ko si Daddy. Baka malaman niya, yari ako." Napahugot pa siya ng malalim na hininga. Nagtinginan ang dalawa niyang kaibigan. "Ano ka ba? Kami naman ang gagawa. Just sit there and watch. We got this!" Sa iisang school lang sila pumapasok ng stepsister niya. Kaya lang, mas matanda ng dalawang taon si Fiony kaysa Desiree. At magkaiba sila ng kursong kinukuha. BS Accountancy ang sa kaniya alinsunod sa kagustuhan ng kaniyang Daddy, samantalang si Desiree ay BS Phsycology, according sa kung ano lang ang abot ng kaniyang utak. Pero aaminin niyang hindi naman siya katalinuhan. Average lang din ang utak niya pero at least alam niyang lamang siya ng kaunting common sense kaysa rito. Kaya lang, twenty-two na siya at nasa third year pa rin. Samantalang ito, twenty pa lang pero third year na rin. Dapat sana ay graduate na siya kung wala lang siyang mga back subjects. Kapag kasi ayaw niya sa prof. o hindi pa niya feel i-take ang subject, idina-drop niya talaga. Minsan kinukuha na lamang niya sa summer class pero kapag tinatamad siya, sa susunod na pasukan na niya kinukuha. Hindi naman kasi siya nag-e-enjoy sa kurso niya kaya ganoon. Ang gusto niya talagang kuning course ay may kaugnayan sa literature o journalism. Kaya lang, ayaw ng daddy niya. Siya raw kasi ang heiress nito kaya kailangan matuto siya sa mga numero. That's the only reason kung bakit niya ito sinunod. Takot din siyang baka someday lahat ng pinaghirapan nito at ng mommy niya ay sa iba mapunta. He made her choose, it's either management or accountancy. She chose accountancy dahil mas maganda sa pandinig. "Oh my God, I'm sorry!" Nanlaki ang mga mata ni Fiony habang nakapangko sa kabilang mesa. So her friends were not kidding her. They really took revenge for her. Ibinuhos lang naman ni Odessa ang natirang milktea sa damit ni Desiree. Samantalang si Killie ay nagkunwaring lilinisan ang dress nito by throwing a glass of water sa parteng namantsahan. She secretly laughed with satisfaction when she saw the look on her stepsister's face. Para itong batang paiyak na. "What did you do? Sinadya n'yong dumihan ang damit ko, ano?" she said in a scandalous voice. Nagtinginan tuloy sa kanila ang mga estudyante. "Oh no! We didn't. You just simply received what you deserve," ani Odessa. "Nagmamaganda ka kasi kahit wala namang kaganda-ganda sa hitsura at ugali mo. Maputi ka nga, pero mukhang binudburan lang naman ng harina 'yang kulay mo. You're not even rich, so how come you're here at nagpi-feeling IT girl dito? Kung marami kang inggit sa katawan mo, sarilinin mo na lang dahil hindi bagay sa pagmumukha mo." Kuhang-kuha nito ang lahat ng nais niyang marinig kaya talagang halos pumalakpak ang kaniyang mga tainga. "Yeah. Huwag feeling maganda, okay? At pa-victim. Hindi bagay. Halata naman kasing galing ka sa lahi ng mga mangkukulam," dagdag pa ni Killie na pigil ang tawa. Binuhusan pa ng tubig ang mukha ni Desiree. "Who are you? Isusumbong ko kayo sa Daddy at Mommy ko." Tuluyan na ngang umiyak ang stepsister niya. "Go ahead. Isama mo pa lahat ng lahi mo." Nagpulasan din agad ang kaniyang mga kaibigan dahil may prof na parating. Hindi na siya pinagkaabalahang balikan ng mga ito at dumeretso na ng labas. Siya naman ay parang wala lang na sumunod sa mga ito. Hindi siya puwedeng pahalata na kasabwat siya or else mabubuking silang tatlo. Nag-disguise pa naman ang dalawa niyang frenies para walang makakakilala sa kanila kung sakali. "Ayos ba?" tanong ni Killie nang magkita sila sa labas ng school. Dahil malapit lang ang bahay ng mga ito rito, nakapagpalit agad sila ng damit at nakapagbago ng bag at sapatos. Pati hairdo. The best talagang partners in crime ang dalawang ito. "Yeah, you two nailed it!" aniya sabay hagalpak ng tawa. Ini-imagine niya pa lang ang hitsura ni Desiree, kumpleto na ang araw niya. "Parang feel ko mag-celebrate ngayon. Masyado akong natuwa sa ginawa namin," ani Odessa. "So what do you want to do?" tanong niya rito. "Next time na lang natin pasukan ang next subject. Gala tayo sa mall."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD