Chapter 3

1001 Words
MATAPOS manood ng sine ay napagpasyahan ng tatlong magkakaibigang kumain sa isang fast food restaurant. Naghanap agad ng table sina Fiony kasama si Odessa habang si Killie ang naatasang mag-take ng order nila. "Oh my God! You won't believe what I saw!" humahangos na wika ni Killie pagdating sa kanilang table. May kakaibang ngiti sa mga labi nito habang dala ang resibo at inaayos ng lagay ang number sa mesa. "Ano naman 'yon?" Naka-pout ang mga labi ni Fiony habang si Odessa ay nakataas ang isang kilay. "There's a guy over there. Oh my God! Mestiso, ang kinis ng mukha, ang sweet ng boses, ang ganda ng ngiti, ang kissable ng lips, ang puti ng ngipin, ang kapal ng eyebrows, ang pointy ng ilong, ang tangkad, mukhang mabango at overall, s**t, ang guwapo!" Parang may ilaw na nagningning sa taas ng ulo ni Fiony. Sa reaksyon ni Odessa ay parang ganoon din ito. Kilala niya ang kaibigang si Killie. Mataas ang standards nito pagdating sa mga lalaki at kapag sinabi nitong guwapo ang isang guy, ninety-nine point ninety-nine percent na tumpak ito. At walang nag-aksaya ng sandali, mayamaya, sabay-sabay silang nagtayuan. Si Fiony ang nangunguna sa pagtakbo kahit hindi niya naman alam kung saan banda nakita ni Killie ang binabanggit nito. Noong una, akala niya ay costumer, palingat-lingat ang kaniyang mga mata. Pero nang mapansin niyang halos ng kababaihan na naroon ay sa iisang dereksyon nakatingin - sa may service counter - ay iyon ang kaniyang sinundan. At ganoon na lang ang pagpitik ng puso niya nang makita ang lalaking eksakto sa description ni Killie. Kaya pala ang haba ng pila sa hilera nito, echapuwera ang ibang linya kahit may available na cashier naman doon. For a moment, para siyang tinulos sa kinatatayuan niya. She watched him as he spoke and smiled to the costumers. Bawat ngiti nito, kahit hindi naman nakalaan para sa kaniya ay napapangiti rin siya. It's as if nasa alapaap siya. "Oh my God! Trulalu nga!" bulalas ni Odessa. "Oh 'di ba? I am right!" si Killie. Kahit na nasa tabi na niya ang dalawang kaibigan ay parang wala siyang narinig. Nanatiling nakapangko ang mga mata niya sa lalaki. "T-Teka, o-order ako," mayamaya ay wala sa sariling sabi ni Fiony. Pumila siya agad sa hilera ng linya nito kahit pa nga halos nasa tabi na ng pinto ang pila. "Hoy babae! Lukring ka! Andami ko nang in-order!" saway ni Killie. "Kulang pa 'yon! Bumalik na kayo sa table natin baka may biglang umupo!" Nandidilat pa ang kaniyang mga mata. Inilabas niya ang kaniyang cellphone pagkuwan at pinindot ang camera. Aba! Dapat may souvenir siya. Pinindot niya ang zoom. Humanap siya ng magandang anggulo para kuhanan ito ng picture. But just as she clicked the camera, bigla namang may humarang na kamay ng costumer. Hay buwisit! Sinubukan niya ulit kaso bigla naman itong tumalikod nang kumuha ng drinks. Hinintay niya itong makabalik. She immediately took a picture pagharap nito sa counter, kaso nang i-check niya, blurred ang kuha. Naiinis na umalis na muna siya sa pila niya at doon sa gitna kung saan kitang-kita ito siya pumuwesto. Itinapat niya ang camera sa mukha nito. Her eyes suddenly widened nang bigla itong napatingin sa gawi niya. But as she clicked the capture, tinakpan naman ng lalaki ang mukha nito gamit ng malapad nitong kamay. "No!" anas niya. Pero dahil sa ginawa niya ay parang nangilag ang lalaki at palagi nang nakatungo o naka-side view kapag kukuhanan na niya ng litrato. Naiinis na bumalik na lang siya sa pila niya. "Andamot naman no'n, nakakainis!" Ngunit wala siyang balak tumigil. Sa ganda niyang iyon ay walang lalaki siyang nagustuhan na hindi niya nakuha. Baka playing hard to get lang si Kuya! She laughed at the idea. She waited kahit sobrang tagal ng pila at medyo kumakalam na ang sikmura niya. Para pa siyang naiihi sa sobrang excitement nang nasa ikatlong puwesto na siya. Ini-ready pa niya ang maliit na note paper at ballpen dahil balak niyang kunin ang number nito. Pero paglingat niya lang ng mga ilang segundo ay ibang tao na ang nakita niyang nakapuwesto sa unahan. Isang medyo chubby na lalaki na sobrang layo ng hitsura sa nakapuwesto roon kanina. "Oy, Kuya, nasaan na 'yong lalaki rito?" Imbes na sabihin ang order ay iyon ang ibinungad niya. "Ah 'yong kanina, Ma'am? Wala na po, off duty na siya. Shifting na po kasi kami ngayon," magiliw pang sagot nito. "Ano'ng order n'yo, Ma'am?" Parang biglang nanlumo si Fiony. So she waited there for nothing? Buwisit naman! "A-Ano'ng pangalan no'n, Kuya?" Pero hindi siya susuko. Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko alam, Ma'am, kasi parang bago lang 'yon. Ngayon ko nga lang din 'yon nakita." Inirapan niya ito. "Walang silbi!" hindi niya napigilang isatinig. Wala siyang paki kung may nakarinig man o kung ano'ng reaksyon nito. Umalis na siya roon at bumalik sa table nila. Pamartsa ang kaniyang lakad. "Oh, ano girl? Mission accomplished ba?" tanong ni Odessa. Padabog siyang naupo sa upuan niya kanina. "Buwisit! Biglang nawala!" Kulang na lang magwala siya sa sobrang inis. Tinawanan lang siya ng mga ito. "May kakilala akong nagtatrabaho rito, mamaya itatanong ko," alo ni Killie. "Ngayon na!" atat na pakiusap niya. "Hala! Excited? Mamaya, nasa loob iyon eh. Sa may kitchen siya na-assign." Muling bumagsak ang balikat niya. "Kumain ka muna, girl. Ikaw talaga!" si Odessa. Ngunit wala na siyang gana. She still couldn't move on dahil sa effort niyang walang napuntahan. Binalikan niya ang mga pictures nitong nakuha niya. Hay. Siguro panahon na para bumili na siya ng bagong cellphone. Ampangit ng camera nitong gamit niya. Wala yatang optical image stabilization. Hay! Napabuntong-hininga siya. She really liked that guy. Unang kita niya palang na-starstruck siya agad. "Oy, girl, girl!" Makailang ulit tinapik ni Odessa ang kamay niya. "Bakit ba?" inis na tanong niya. "Look!" Sinundan niya ang itinuturo ng daliri nito. Nanlaki ang mga mata niya at napaigtad nang makita ang tinutukoy nito. Tumayo siya agad at nagtatakbo para makahabol. "Oy, Kuya! Sandali. Stop!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD