SANDALING natigilan si Steve at napalingon sa sumigaw na babae. That girl again. Ito 'yong customer na panay ang kuha ng picture niya kanina.
Mas binilisan niya ang paglalakad. Isinuot niya ang sumbrero para itago ang kaniyang mukha. Hindi naman siya artista ngunit bakit pinagtitinginan siya?
"Hoy, Kuya! Saglit lang sabi!"
Hindi niya namalayang malapit na pala siyang abutan ng babae. Base sa ayos nito, mukha itong college student. Pero bakit wala sa school? Malamang bulakbol na estudyante.
Naalala niya tuloy ang college life niya. Parang eight years yata ang ginugol niya para makatapos. Paiba-iba kasi siya ng kurso. Dahil hindi niya mapagdesisyonan kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari sa buhay niya. But ang ending, he still managed to finish a course na may kaugnayan sa business management.
"Hep! Hep! Hoy, Kuya! Sabi ko, stop! Bingi ka ba? Kanina pa kita tinatawag. Stop, stop, stop!!!"
To his surprise, naabutan siya ng babae. Nasa escalator na sila noon at nakakapit ito sa laylayan ng suot niyang t-shirt.
Wala siyang nagawa kung hindi lingunin ito. Her face was glowing, small chinned, at may nakakaakit na mata. Sobrang taas at haba ba naman ng mga pilik.
"Yes, what do you want?" napilitan tuloy siyang magsalita.
Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang ngiti sa mga labi ng babae. Parang manghang-mangha ito nang marinig ang boses niya, kung makatitig din sa mukha niya, parang naka-jackpot sa lotto.
"Hi! I'm Fiony. Fiony Ehra Legaspi, 22 years old, from St. Maldives Subdivision, single and ready to find a new boyfie."
Naglahad ito ng isang kamay. Pero ang damit niya hindi pa rin binibitawan. Siya na lang ang napaiwas ng tingin dahil parang hindi na ito kumukurap.
"Didn't you hear what I said? Ang sabi ko -"
"Miss, kung ano man 'yang trip mo, well, hindi ako interesado. You see, I'm a busy man. Puwede bang bitawan mo na ako? Nakakahiya, pinagtitinginan na tayo ng mga tao."
Pero sa totoo lang, parang sa kaniya nga lang nakapangko ang tingin ng lahat. May mali ba sa hitsura niya? May dumi ba siya sa mukha?
Nagsalubong ang kilay ng babae. "Nakikipagkilala lang naman sa 'yo, ang sungit mo naman. Itatanong ko lang naman kung ano'ng pangalan at number mo eh."
Napalingon siya sa bandang taas nang marinig ang impit na tawanan ng dalawang babae na kaparehas ng suot nitong uniform. Nahuli niya ang mga itong nakatingin sa kanila. Tinabig niya ang kamay ng babae nang malapit na sila sa dulo ng escalator. Nagmamadali siyang naglakad palayo.
Lalakas man-trip!
"Hoy, Kuyang Suplado, saglit lang naman!"
Napailing-iling na lang siya sa pag-aakalang tatantanan na siya ng babae. Ano ba naman ito hindi na nahiya? Naghahabol sa lalaki? Kabata-bata pa. Bata pa ba 'yon eh 22 na? But he's 32 already. Ano namang mahihita nito sa kaniya?
"Hoy, Kuya!!!"
Muntik pa siyang madapa nang may tumamang matigas na bagay sa likod ng hita niya. Steve finally turned his head. Ang nanlilisik na tingin ng babae ang tumambad sa kaniya. And the other pair of her heels. So iyon pala ang ibinato nito. He shook his head once. It's real, he's not dreaming. Ano bang mayroon sa kaniya at kung makahabol ang babaeng ito ay parang may malaki siyang atraso?
"Finally, huminto ka rin!" Nakalabi ito habang lumalapit sa kaniya. Para siyang ewan na hindi alam ang gagawin. Napalunok siya dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao. Mayroon pa ngang kumukuha ng video. Naalarma siya at ikinubli ang mukha. Usong-uso pa naman ang mga viral videos sa social media sa panahon ngayon. At ayaw niyang mapabilang doon.
"Miss, pasensya na, but I have no time for this! Whatever game you're playing at, huwag mo na akong isama. Hindi tayo talo!" Then he turned his back again bago pa man ito tuluyang makalapit sa kaniya. Childish man, but he ran away.
"ERASE that!" naiinis na utos ni Fiony sa mga kaibigan.
Pinagtatawanan kasi siya ng mga ito habang pine-play ang nakuhang video niya na naghahabol sa lalaki. Nakakahiya ang kaniyang ginawa.
"I've never seen you going crazy like that before para sa isang lalaki, lukring," sabi ni Killie na tawang-tawa pa rin.
Salubong ang kilay na tumingin siya rito. "Ikaw kasi! Kasalanan mo itong lahat. Kung hindi mo in-open up ang tungkol sa lalaking iyon, hindi ako maku-curious. Hindi ako..." Mala-love at first sight.
She took a sigh. Katawa-tawa ba ang ginawa niya? Nakakahiya ba? Mali ba? Nakaka-turn off ba? Gusto niya lang namang makilala ang lalaking iyon. He's so damn hot. Nagka-boyfriend na siya noon pero hindi niya sineryoso. Nakipagrelasyon lang siya para makiuso. Ito kasing dalawang kaibigan niya may mga jowa. Siya lang ang wala. But eventually, she dumped that guy away. Iba kasi ang tipo at hinahanap niya talaga sa isang lalaki. Ayaw niya ng kaedad niya, gusto niya ng mas matanda sa kaniya ng ilang taon. Bakit? Kasi naniniwala siya na kapag mas matanda ang guy, mas malawak ang pang-unawa at mas magaling humawak ng relasyon. Isa pa, mas maraming experience. Kaysa 'pag bata, wala pang masyadong alam 'yon. The older, the maturer - the yummier! Este, better.
But that guy, he doesn't look old. Siguro mga 25 to 28. Tamang-tama sa edad niya.
"Nasisi pa nga. Sana pala hindi ko na lang sinabi."
Lumabi siya. "I really like that guy." Inayos niya ang bangs niyang nilipad ng hangin. "Babalik ako rito bukas. Hindi ako titigil hangga't hindi nalalaman ang pangalan at address ng lalaking iyon."
Nanlaki ang mga mata ng dalawa niyang kaibigan. Sabay pa siyang hinampas sa balikat.
"Kalerki ka! Basta ako papasok na bukas. Baka malaman ni mommy, bawasan na naman ang allowance ko," ani Odessa.
"Lukring ka talaga. Itatanong ko nga sa kakilala ko 'yong tungkol sa guy na 'yon, 'di ba?" si Killie.
"Whatever. Gusto ko, ako ang makatuklas. Mark this day, magiging jowa ko 'yon. Bukas na bukas din magda-drop ako ng subjects. Ayaw ko ng may sagabal sa schedule ko."
Sinabunutan pa siya ng dalawa. "Maghunos-dili ka, jusko, lalaki lang 'yan." Namimilog muli ang mga mata ni Odessa.
"Tinakbuhan ka nga eh, hahabulin mo pa," si Killie.
Umismid siya. "Then tell me, how to unsee?" Iminuwestra niya ang kaniyang malalaking mata. "Ah basta! Pag gusto ko, aangkinin ko. That's my rule!"