NAPATIGIL sa pagmamaneho si Fiony nang mapansin ang isang bagong luxury car na naka-park sa parking space na nakalaan para sa kaniyang sasakyan. Inihinto niya sa kalagitnaan ng pagpasok sa gate ang kotse niya at dali-daling bumaba. Kakauwi niya pa lang niyon galing sa school.
"What the f**k! Whose car is this?" tanong niya sa kanilang gardener. Sinipat niya ang kotse at inikot-ikutan pa. It was indeed a porshe. Mamahalin. Her dream car na matagal na niyang hinihiling sa kaniyang daddy ngunit ayaw naman siyang pagbigyan kahit nangako pa siyang pag-iigihan na ang kaniyang pag-aaral. Napalunok siya. Nauntog na ba ang daddy niya at finally ay g-i-rant na ang wish niya? How sweet of him..!
"Kay Ma'am Desiree po iyan, Ma'am," tugon ng hardinero na awtomatikong nagpapanting ng kaniyang tainga.
"What?"
"Ang dinig ko po, regalo raw ng daddy mo at Ma'am Eunice kay Desiree. Dahil mataas daw ang grade no'ng last sem."
"Ano?" Noon na nga mas lalong tumaas ang boses niya. "That couldn't be. Ako ang humiling nito tapos sa iba tinupad. Hindi puwede 'yon, where is dad?"
"Yes?"
Naampat ang pagsisintir niya nang makita ang kaniyang daddy na kalalabas lang mula sa loob. Nakasunod dito ang stepmother niya. Bihis na bihis ang mga ito na halatang may pupuntahan.
"So what's the commotion about?" tanong ng Tita Eunice sa kaniya.
But Fiony was a bit distracted dahil sa salubong na kilay ng kaniyang ama. And that leechy woman was holding onto his daddy's arms as if she was the original wife.
"Dad. Is this true? This car is..."
"That's my daughter's," agad sambot ng stepmother niya. "We awarded that to Desiree because of her good performance in school. That's also our advanced gift for her upcoming birthday. O ano, any question?"
"But, dad?"
"Tumawag ako sa administrator ng school n'yo para alamin kung kumusta ang first week mo. Ang sabi, you didn't come to class no'ng first day n'yo. At mga sumunod na araw, puro pang-umagang shift lang ang pinasukan mo. You even dropped a few subjects again. Ano na naman itong kalokohang ginagawa mo? Ano'ng plano mo sa buhay mo?"
Natigilan si Fiony dahil hindi niya inaasahan ang sinabi ng daddy niya. So, he's checking on her? Kailan pa?
"D-Dad.. about that.. I can explain," paputol-putol na sagot niya. Pero ang totoo, walang kahit isang palusot ang pumapasok sa kukote niya. Alangan namang sabihin niyang dahil nabubuwisit siya kapag nakikita niya ang pagmumukha ng stepsister niya. O 'yong tungkol sa guy na nakita niya sa fastfood ng Super Mall na ilang beses niyang binalik-balikan. Both were invalid reasons.
Pero iyon talaga ang totoong dahilan. And speaking of that guy, talagang tinupad niya ang binitiwang salita sa mga kaibigan. Na hindi ito tatantanan hangga't hindi nalalaman man lang kahit ang pangalan nito. It was Steve Cruz. Pero 'yong number, hindi niya nakuha. Pati ilang info. Kasi baguhan lang daw iyon at ang HR lang ang nakakaalam ng ibang detalye tungkol dito. Alangan namang sadyain niya pati 'yong HR?
She really liked the guy. He's quite interesting. At parang nakikita niya ang sariling nakahanap ng resting place sa tabi nito. It's strange but that was what she really felt the first time she saw him. Feeling niya, ito ang kukumpleto sa buhay niya. Char.
"Explain what? You don't have to. Hindi na uubra ang mga palusot mo sa akin, Fiony. Nadala na ako. I've been trying to be a good father and provider sa lahat ng naisin mo, but this is what I always get. Disappointments!"
"A good father, huh?" she smirked. "So this is how being a good father means to you. Have you ever asked me if I'm happy doing this, huh? 'Di ba, sabi ko naman sa inyo, ayaw ko ng kursong ito? Pero pinagpipilitan n'yo pa rin. Iyon ba 'yong 'good' na sinasabi n'yo?"
Napipika na rin kasi siya. Ang gusto niya lang naman ay maging masaya. Maging malaya sa choices niya. Puwede niya namang manahin 'yong negosyo ng daddy niya at patakbuhin iyon pagdating ng panahon kahit hindi related sa business course ang tinapos niya. Puwede naman siyang i-guide nito sa una, at sigurado siyang matutunan niya rin iyon sa bandang huli. Sa puntong iyon hindi talaga sila magkaintindihan ng daddy niya.
"So, is that what you've learned from your friends? Ang sumagot sa magulang. Akala mo hindi ko rin malalaman... what you're friends did to Desiree no'ng unang araw ng pasukan. Kahit hindi ka kabilang sa mga gumawa niyon sa kaniya, alam kong kasama ka sa nagplano n'yon."
Bahagyang napaawang ang mga labi niya. Her dad was full of surprises. Nag-hired na rin ba ito ng spy para manmanan lahat ng kinikilos niya?
"So what if we did it?" matapang niya pang sagot. Tutal buking na, eh 'di panagutan niya na lang. "She deserved it anyway. Masyado siyang mapapel, mang-aagaw. Lalo na ang babaeng 'yan!" Idinuro niya pa ang stepmother niya. Bigla pa itong napa-react. "Ever since mommy died, nagbago ka na. Parang hindi na anak ang turing mo sa 'kin. Parang ako pa ang sampid dito. Like this one!" Itinuro niya rin ang kaniyang sasakyan. "Sa akin second hand, sa fake daughter, brandnew at luxury car pa. Bullshit! That's not fair, dad!"
May sasabihin pa sana ang daddy niya pero isinenyas na ni Fiony ang kaniyang kamay.
"Enough. I don't wanna hear it. Sasabihin n'yo ako na naman ang may kasalanan," aniya saka naglakad pabalik ng sasakyan niya. Sapat nang nasabi na niya ang gusto niyang sabihin.
Lalapitan pa bali siya ng daddy niya pero binusinahan niya ito. Pinihit niya ang kambiyo para umurong. Lalabas na lang siyang muli. She hates this house!
"Fiony! Where are you going?" tawag pa sa kaniya ng daddy niya pero dahil sa sama ng loob niya ayaw niya muna itong makita o makausap man lang.
Tuluyan na nga siyang nakatakbo paalis. Binilisan niya ang pagda-drive para makalayo agad. Baka maisipan pa siyang habulin. Magpapalamig muna siya.
"HAY! Bullshit!" muling napamura si Fiony. Kanina pa kasi siya contact nang contact sa mga kaibigan niya pero walang sumasagot. Gusto niya ng kasama nang mga sandaling 'yon. Ng makakausap. Kung kailan naman kailangan niya ng karamay saka wala ang mga ito.
"Isa pa nga!" paismid niyang sabi sa bartender. Nasa bar siya. A few kilometers away from their house. Ayaw niyang umuwi. Ayaw na niyang umuwi. Sayang nga at hindi siya nakapag-alsabalutan.
Ilang oras na rin siyang naroon. It was past 10 at malayo pa ang umaga. Inuunti-unti niya ang pag-inom para hindi siya malasing agad.
"Miss, wanna dance?"
"No, no thanks!" Kaagad niyang taboy sa lalaking lumapit sa kaniya. She checked her phone again. Killie finally texted back. Dumating daw ang Auntie nito from the states kaya hindi nakahawak sa phone. Si Odessa naman, birthday daw ng kapatid. She just pouted her lips. Ayaw na lang niyang mag-comment.
Iniisip niya kung ano nang gagawin niya. Pinuputakti talaga siya ng inggit. Should she rip up the car? Jusko, baka lalo lang siyang pagdamutan ng daddy niya. Magseseryoso na ba siya sa pag-aaral? Isang bagay na imposibleng gawin ng isang tulad niya. If only her daddy knew how it terribly gave her a headache everytime pipilitin niyang intindihin ang mga lecture ng kanilang instructor. Hindi naman siya magaling sa Math.
Kung maglayas na lang kaya siya? Mag-rebel? Hahanapin kaya siya ng daddy niya? Mare-realize na ba nito ang value niya?
She gasped. Mukhang hindi.
At isa pa, saan naman siya pupunta? My gosh!
"One more!" muli niyang sigaw sa taong nasa harap niya. Tumungo muna siya sandali. Parang unti-unti na siyang tinatalaban ng alak.
Kung hindi niya pa naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone niya ay hindi niya iaahon ang ulo. It was her dad who's calling. Sandali pa siyang nag-isip kung sasagutin ba ang tawag o hindi. But in the end, pinatay niya rin. Nang muli itong tumawag ay ini-off na niya talaga ang phone.
Hmmp! Bahala kayo diyan!
"Hi, Miss! Wanna have some company?"
May lumapit na naman sa kaniyang lalaki. Ngiting-ngiti pa ito nang malingunan niya. Wala pa siyang sinasabi pero umupo na ito sa upuang katabi ng upuan niya.
"I don't need one -" Natigilan siya. Halos magkapanabayan pang napataas ang mga kilay nila ng lalaki nang malingunan niya.
"Oh! What a small world! What're yah doing here, huh? Wanna f**k?"
Napakislot pa siya sabay bawi ng tingin. She knew the guy. His name was Carl, her ex boyfriend na one week pa lang ay b-in-reak na niya. One semester ago.
"You still haven't changed. I'm not interested in you so get lost," mataray niyang taboy rito.
Sakto namang dumating na ang order niya at walang gatol niyang sinimulang sumimsim sa straw niyon. But Carl didn't leave and instead kept looking at her.
"Ang taray mo pa rin, kunwari ka pang pa-hard to get," he said sarcastically. "So what brought you here, huh? Huwag mo na akong gaguhin. All the girls who come here are certainly looking for a good fuck."
Muntik pa siyang masamid. Ang sira ulo, hindi pa rin talaga nagbabago. That's her one and only reason why she dumped him right away. Aba'y kasasagot niya pa lang pero nag-aaya na agad mag-motel. Muntik pa nga siyang mapabunghalit ng tawa noon nang marinig ang katwiran nito. It was because he really loved her at gusto nito iyong ipadama sa kaniya - sa pamamagitan ng s*x. Siguro tingin nito sa kaniya, napaka-easy. Eh sinagot niya lang naman ito para masabing may boyfriend siya. Because Carl was one of the hotties and hearthrobs sa university nila kaya ito ang napili niya. But upon knowing his real personality, iniwan niya ito agad.
"Talaga lang, ha? Minsan nga, ayain ko ang kapatid mo rito para makahanap din siya ng f**k buddy," pang-uuyam niya. Kaklase niya kasi ang kapatid nito na mas bata sa kaniya ng dalawang taon. At saksi siya kung gaano ka-close ang mga ito. Maaaring bastos ito sa iba pero sa kapatid na babae, hindi.
Biglang nawala ang ngisi sa labi ni Carl. "Don't you dare," tanging nasabi nito.
She just smirked. Nang maubos na ulit ang in-order niya ay tumayo siya. Balak niyang magpunta sa CR.
"Oy, at saan ka naman pupunta? We're not yet done talking."
Nagulat pa siya dahil akala niya'y tatantanan na siya ni Carl. Sinusundan pa rin pala siya nito.
"Back off. We're exes at hindi ko ugaling pumulot ng mga naitapon ko na." Sumenyas pa siya na lumayo ito.
"And I'm not the type who let go of my exes untouched by me," seryosong sabi nito.
Bigla siyang kinabahan. May naalala siya. The day she announced their break-up, one week after niya itong sagutin ay may sinabi ito sa kaniya. That he never had an ex na hindi nito natikman.
"So, are you threatening me?" matapang na harap niya rito.
"No. I'm just stating your fate."
Hindi na nga niya mapigilang matawa. Tinapik-tapik niya pa ang balikat nito. "Hanggang ngayon, Carl, trying hard ka pa ring maging joker." Iyon lang at bago pa siya mahawakan nito ay lumayo na siya. Kailangan na rin talaga niyang mag-CR dahil sasabog na ang pantog niya. Una dahil sa dami ng alak na nainom niya; pangalawa dahil sa takot na dinulot ng ex niya. Well, hell yeah, she was a bit frightened. Ang alam niya kasi member ito ng fraternity sa school nila. What if marami pala itong kasama? Tiyempong-tiyempo ngayon dahil wala ang mga kaibigan niya na nagsisilbing shield niya kapag nagtatangka itong lumapit sa kaniya. "Tabi nga diyan!" Itinulak niya pa ang isang waiter na bahagyang nakaharang sa daraanan niya.