"GIVE me that."
Napalingon si Steve sa lalaking nag-uutos sa kaniya at nakatingin sa car keys na napulot niya na nalaglag mula sa babae.
"No, Sir. Hindi sa inyo 'to," magalang niya pa ring tugon kahit alam niyang halos nasa isang dekada ang lamang na edad niya rito. Bukod pa sa height nila na medyo halata rin ang diperensya. Hanggang ilong niya lang yata ang lalaki.
"Akin na sabi. Sa girlfriend ko iyan." Akmang hahablutin iyon ng lalaki pero mabilis na niyang naibulsa.
"Ako ang nakapulot kaya ako rin ang magbabalik, Sir."
Bumalik na siya sa ginagawa. Bagong trabaho niya ulit iyon. Kaka-resign niya lang kaninang umaga sa fast food. Gusto niya pa sanang magtagal doon dahil bagong experience iyon para sa kaniya kaya lang, kailangan talaga.
Iyong babae kasing humabol sa kaniya noong nakaraan hanggang elevator halos araw-araw nagpupunta roon. Kunwari o-order pero pagdating sa kaniya, nag-aabot ng papel at hinihingi ang number at buong pangalan niya. Nai-intimidate siya. Ayaw niya sa lahat iyong pinagti-trip-an siya. Nakakahiya lalo na't harap-harapan ito kahit na may mga kasunod na costumer. Nasisira ang focus niya sa trabaho.
Malayong lugar na ito kaya tiyak na hindi na sila magtatagpo ng babaeng iyon.
Sana nga.
Hindi niya inaalis ang tingin sa tapat ng pasilyo papasok ng ladies' comfort room. Kailangan niyang ibalik ang susi ng sasakyan nito sa babae kahit pa nga medyo nabuwisit siya dahil sa walang habas nitong pagtulak sa kaniya. Pinagpasensyahan niya na lang dahil ganoon naman ang mga kabataan ngayon. Lalo't mayaman, mga spoiled brat!
Pero 'yong lalaki na pilit umaangkin sa napulot niya, nakaabang ding tulad niya. Alam niyang nagsisinungaling ito. Hindi ito nobyo ng babae. Kundi ex. Narinig niya kasi habang pinagtatabuyan ito.
"Hey, waiter, isang bucket pa nga!" utos ng isang grupo ng mga lalaki at babae sa kalapit na mesang pinupunasan niya. Tumigil siya sa ginagawa at agad kumilos para ibigay ang order ng mga ito.
Biglang dagsa ng mga costumer nang gabing iyon kaya naging abala si Steve sa pagbibigay ng order. Hindi na naman bago sa kaniya ang ganitong trabaho dahil naranasan niya na rin ito sa ibang bansa.
Magtu-twelve midnight na nang mawalan siya ng gagawin. Saka niya lang naalala ang babae. Kinapa niya iyon sa bulsa to check kung nandoon pa rin ang susi at hindi nalaglag. He took a sigh of relief for that, pero ang problema niya ngayon, saan niya hahanapin ang babae?
Sumilip pa siya sa papuntang ladies' comfort room, but what's the use? Alam niyang wala na iyon doon.
He tried to look for the guy na kasama nito kanina. Wala rin. Hanggang sa sumapit ang breaktime niya. Siyempre, uunahin niyang kumain.
"JUST give it back and let me go," nauunsyaming sabi ni Fiony kay Carl. Sinundan pa siya nito hanggang sa labas. Nawawala ang susi ng kotse niya at napulot daw nito. Kaya hindi siya makaalis.
"Then give me just one night," nakangising tugon nito.
Umikot ang mga mata niya. "Tatawag na talaga ako ng pulis!" Binuksan niya ang phone niya.
"Go."
Nakasandal siya ngayon sa kotse niya. Habang si Carl ay nakasandig din sa sasakyan nito. Coincidentally, magkatabi sila ng napag-parking-an.
Nahihilo na siya nang mga sandaling iyon tapos dumagdag pa ang buwisit na ito sa problema niya.
"Huwag mo talaga akong susubukan. Kayang-kaya kong gawin 'yon," banta niya ulit. Pero ano ba ang number ng mga pulis? Hindi pa naman uso ang 911 dito sa Pilipinas.
"Sumama ka na lang sa akin, hindi naman kita sasaktan. 'Yong totoo, dati pa akong may crush sa 'yo. Kaya nga kita niligawan. Did you really not know, it really broke my heart no'ng nakipagkalas ka sa akin?"
Hindi na naman niya napigilan tumawa. "Hay, ewan ko sa 'yo, Carl." Hindi siya kasing tanga ng iniisip nito.
"Com'on-"
"Get off me!" Agad niyang iniiwas ang kamay nang tangka nito iyong hawakan. Nang magtangka pa itong lapitan siya ay naglakad siya palayo. Ngunit pa-sway-sway na ang kaniyang katawan dahil sa tindi ng tama ng alak. Backstabber kasi ang alak na nainom niya. Sa huli umeepekto ang tama.
"Biro lang naman 'yong sinabi ko kanina. Ihahatid talaga kita sa inyo-"
"Shut up! Tanga lang ang maniniwala sa 'yo."
Pero nahabol siya nito. Nahablot ang braso niya at pilit siyang kinaladkad papunta ng sasakyan nito.
"Ano ba? Sabi ko get off me!" Sinikap niyang kumawala. Pero hindi niya lubos na makontrol ang sarili dahil sa tama ng alak. Naramdaman pa niya nang hapitin ni Carl pati ang beywang niya.
"Ang bango-bango mo talaga, Fiony," narinig pa niyang wika nito na lalong naghatid ng kilabot sa katawan niya at nagpatayo ng balahibo niya.
Binuksan na nito ang pinto ng kotse nito. He was about to drag her inside nang may isang kamay pa siyang naramdamang humawak sa isang braso niya. Unlike ng kay Carl, mainit ang palad na iyon na sobrang higpit ng kapit sa kaniya. Sinikap niyang tingalain kung sino ang lalaki pero masyadong madilim. Hindi niya maaninag kahit isang parte ng mukha nito.
"Don't you dare do that to a woman, wala kang karapatan."
Ang buong-buo at maawtoridad na boses ng lalaking iyon ang biglang nagpabuhay ng mga neurons niya sa utak. Parang narinig niya na rin ang boses na iyon somewhere.
"Ikaw na naman? Give me her car keys. Ihahatid ko na ang girlfriend ko sa bahay nila."
What? So Carl didn't have her car keys all along?
"Huwag mo nang ipilit pa dahil ayaw naman sa 'yo ng babae."
"Ikaw ang huwag sumingit. Hindi mo naman kami kilala."
Naramdaman niya ang paghatak sa kaniya ni Carl. Pero hindi pa rin siya pinakawalan ng lalaki.
"Kung gusto mong makipagbalikan sa babae, huwag sa ganitong paraan. Hindi tama 'yang binabalak mo."
"Wala kang pakialam sa diskarte ko. Bakit? Sino ka ba, ha?"
"Not someone you'd wish to know."
Hindi niya alam kung dala lang ba ng kalasingan pero parang musika ang naririnig niya everytime na magsasalita ang lalaki. Kung ano-anong imahinasyon ang naiisip niya. The guy sounded so good-looking. Her knight with shining armor, oh gosh!
Narinig niya ang sarkastikong tawa ni Carl. "Pa-english-english ka pa, waiter ka lang naman."
"Ganiyan na talaga ang mga kabataan ngayon, hindi na marunong gumalang sa mga matatanda."
Napasinghap si Fiony. Matanda? Matanda na ito?
"Galang? Binibili 'yan. Kung wala kang pera, wala kang karapatang mag-demand. Get your hands off her now. Bago pa ako mawalan ng pasensya sa 'yo."
Natakot na si Fiony sa bantang iyon ni Carl. Ayaw niyang mapahamak nang dahil sa kaniya ang savior niya. Gamit ang buong lakas niya ay nagpumiglas siya sa pagkakahawak ni Carl.
"Bitiwan mo na ako! Kung hindi, sisigaw talaga ako!" Kinagat niya pa ang braso nito nang hindi maramdamang lumuwang ang kapit nito sa kaniya.
"Bullshit!" He retorted.
Nang makalaya mula rito ay walang hiya-hiyang yumakap si Fiony sa estranghero. Wala siyang paki kung may edad na ba ito o mas matanda pa sa daddy niya. Ang mahalaga, may bago na siyang crush. Bye, Steve. You f*****g pa-mysterious! He saved her so she owed him a lot.
Napasinghap siya. She smelt his perfume. Mabango sana, aromatic, kaya lang, hindi tanggap ng ilong niya. Nahilo siya.
"Miss!"