Chapter 9

2161 Words
CHAPTER 9 Hapon na ng tuluyan kong matapos ang planning at ilang kailangan para sa bagong project. Kinuha ko iyon saka sinilid sa transparent na folder at lumabas ng opisina. Ramdam ko ang pagod ko sa maghapon, lalo pa’t puyat pa ako dahil anong oras narin kami nakauwi kagabi. Papunta ako sa lift nang salubungin ako ni Kaila. May mga dala rin siyang documents, sa tingin ko ay papunta siya sa conference room. Hinila ako nito saka pinanliliitan ng mga mata. “Balita ko sabay daw kayong bumalik ni Sir Ridge after ng lunch a? Saan kayo nagpunta?” Tanong nito, nginusuan ko lang ito bago sumagot. “Kumain lang kami, saka kasama namin si Marco.” Tugon ko, bahagyang nangunot ang noo nito. “Marco? Yung pinsan ni Sir Ridge na naka-blind date mo?” She asked. I nodded and answer her with ‘hmmm’. “Really?! Ay iba ka! Mukhang ang lakas ng tama ng magpinsang iyan sayo ha?!” Panunudyo nito, kinurot ko siya sa tagiliran saka pinandilatan ng mga mata. “Aww! Aray ha!”   “Ano kaba! Baka may makarinig sa’yo! Saka anong ‘tama’ ang pinagsasabe mo dyan. Nasalubong kasi namin ni Marco si Sir Ridge sa baba kanina kaya niyaya nalang din siya ni Marco na mag-lunch.” Paliwanag ko rito. Ngumisi ito saka kinikilig na tinakip ang hawak na folders sa bandang bibig niya. “Oh my God! Sigurado ako, kaya sumama iyon sa inyo si Sir Ridge para mabantayan kayo ni Marco.” Aniya, muli ko sana siyang kukurutin sa tagiliran pero nakaiwas ito at patakbong lumayo sa akin. “O basta, chika tayo mamaya kamahalan.” Sigaw nito habang naglalakad palayo, nagvow pa ang loka para lalo akong asarin. Nirolyo ko ang mga mata rito saka tinungo na ang lift. Tahimik akong naghihintay sa sasabihin ni Sir Ridge tungkol sa report ko at planning na ginawa ko. Nakaupo kami sa malaking couch set nito sa loob ng opisina. Siya sa pangisahang upuan ako naman sa mas mahabang couch. Seryoso ang itsura nito habang binabasa ang ginawa ko. Nilingon ko ang pinto nang pumasok si Meghan dala ang isang tray na may lamang dalawang tsaa, nginitian ko siya pero tipid lang siyang ngumiti sa akin. Hindi ko naman iyon pinansin dahil baka naiilang siya kay Sir Ridge or maybe she wants to wear the oh-so-professional look when we are in the office. Lumabas din siya ng mailapag na ang mga tsaa sa lamesita. Narinig ko ang paghinga ni Sir Ridge kaya nilingon ko ito, nilapag niya ang hawak na folder saka kinuha ang tsaa at uminom bago ito tumingin sa akin. “I’m impress to your planning, pero masyadong mahaba ang three months for the research. Gusto kong makapaglaunch na tayo next month.” Baritonong sambit nito habang hawak ang tasa niya at pinapaikot ang daliri nito sa dulo ng tasa. Why does he look so sexy doing that? Damn. “Um, Sir Ridge, masyadong maiksi ang one month. Baka magahol tayo sa oras at hindi maging maganda ang kalabasan ng product.” Tugon ko rito. “Then exert more time and effort into it to make sure na magiging successful ang launching ng pearls.” Aniya, saka nito binaba ang hawak na tasa. He leaned forward, put his hands on top of his thighs and clasp it. “It’s either you work overtime from now on or cancel the project that you’ve propose. You’ll choose.” Muling sambit nito. Naiinis akong lumabas ng opisina niya, I sharply gaze at his door. Na kung para bang tumatagos iyon sa malaki niyang pinto. Simula ngayon ay kailangan ko nang magovertime. I hissed again, madiin kong pinindot ang button ng lift at doon ko naibaling ang inis ko. Working in a big company is a big deal, dito masusubok ang pasensya mo lalo na kapag ganito kabrutal ang boss mo. Actually, this project doesn’t concern me, but the recognition is the real thing. I want to prove something! Para hindi ako maliitin ng pamilya ng mapapangasawa ko. That is why I’m working really hard to get the things that I want to justify my needs and to get the respect and recognition of people in the upper class. At matatanggap lang ako ng mga matataas na tao kapag may sinabi rin ako hindi man sa yaman pero sa abilidad ko. Malalim akong bumuntong hininga nang makaupo ako sa swivel chair ko, saka ko naalala ang dinner date namin ni Marco bukas. I need to text him, baka maghintay siya sa akin. Agad kong kinuha ang phone sa bag at nagtipa ng message. Mabuti nalang at naintindihan naman ni Marco ang sitwasyon ko. Talaga nga yatang mabait siya, sinabi niya na maghihintay nalang siya na magkaroon ako ng free time para sa date namin. Actually, he is a good man, I think? Gwapo siya, mayaman, at siguradong maraming nagkakagusto sa kanyang babae. Hindi ko lang maintindihan kung bakit siya naghihintay sa akin, he can set another date to someone na mas babagay sa kanya. I don’t know. O baka naiintriga lang siya sa akin kaya pinagaaksayahan niya pa ako ng panahon after our first date. Alas-singko na nang patayin ko ang laptop ko at kinuha ang bag ko, kailangan ko pang daanan ang kotse ko sa casa. Sana ay pwede ko nang magamit dahil ang hirap magcommute. Dumaan ako sa department nila Kaila, nakita kong abala pa siya sa trabaho niya, nakita niya naman ako na nasa pinto at sumenyas nalang ako na mauuna na ako, kumaway naman siya saka ako nginitian. Nagtaxi nalang ako papuntang Aston Martin sa Taguig kung saan ko pinaayos ang sasakyan ko, lumang model na kasi ng Aston Martin ang nabili ko, pero maayos pa naman siya. Pangarap ko ang sasakyang iyon kaya nagpursige talaga ako para mabili iyon. “Here’s your key ma’am.” Nakangiting sambit ng staff, ginantihan ko rin ito ng ngiti saka iyon inabot. Sa wakas ay makukuha ko narin ang kotse ko, tinitigan ko muna ito. Nagmukha na siyang bago at mukhang maganda ang pinalit na bagong parts. “Danica.” Baritonong boses ng isang lalaki, lumingon ako sa likuran at nakita si Sir Ridge na naglalakad papalapit sa akin. Umawang ang labi ko, ano namang ginagawa nito dito? “S-Sir Ridge.” Mahina kong sambit. Binaba nito ang tingin sa kotse ko saka muling inangat sa akin. “Is this your car?” Tanong niya. Tumango ako saka ngumiti rito. “A-Anong ginagawa niyo dito?” Tanong ko. “I’m buying a new car.” Aniya. Muling umawang ang labi ko, kinagat ko ang pisngi ko, ano nga namang gagawin niya dito Danica? Malamang, bibili ng sasakyan. Isang One 77 ang pumukaw sa mata ko, napaawang ang labi ko sa pagkamangha sa ganda nito. “Wow, One 77.” Mahina kong sambit habang nakakatitig sa paparating na sasakyan. Lumabas ang nagmamaneho ng sasakyan saka lumapit kay Sir Ridge at inabot ang susi. “Sir, the car is ready. Pwede niyo na pong i-drive test.” Sambit nito saka umalis na. Hindi ko na namalayan ang paglapit ko sa mamahaling sasakyang iyon, sumisigaw ang karangyaan ng sasakyang iyon sa labas palang. “I didn’t know you’re a fan of supercars, Danica.” Narinig kong sambit ni Sir Ridge na noon pala ay pinapanood ako. Inangat ko ang tingin dito saka ngumiti. “Oo, pangarap kong makakita sa personal ng ganitong sasakyan hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko na ito ngayon.” Nakangiti kong sambit saka pinagpatuloy ang paghanga sa sasakyang sa mga ads at internet ko lang nakikita. I didn’t even know na available din pala ito dito. “Gusto mong sumama? Ida-drive test ko kasi ito.” Aniya, namilog ang mga mata ko at hindi nagdalawang isip na tumango rito. Excited akong makasakay sa ganitong sasakyan. Nice smells of leather linger in my nose. Ang ganda ng disenyo sa loob, all black at high-tech and features. Hindi na nawala sa labi ko ang mga ngiti lalo na nang marinig ang makina nito mula sa loob, ang sarap pakinggan. Halos makalimutan ko na nga na si Sir Ridge ang kasama ko e. Pagkatapos ay bumalik narin kami. Sinalubong kami ng staff na nagbigay ng susi niya kanina at nginitian si Sir Ridge nang bumaba ito. Inabot ni Sir Ridge ang susi sa staff. “I think there something’s wrong with the engine of the car.” Seryosong sambit ni Sir Ridge. Agad na nawala ang matamis na ngiti ng staff at namutla. “P-pero, Sir this is…” Hindi pa man nito natatapos ang sasabihin ay hinagis ni Sir Ridge ang susi dito na agad naman niyang sinalo. “Babalikan ko ang kotse bukas.” Baritonong sambit nito. Nangunot ang noo ko, wala namang naging problema kanina habang nasa byahe kame a? Paanong may sira? “Let’s go.” Narinig kong sambit ni Sir Ridge sa akin saka nito tinalikuran ang staff, wala ako sa sariling sumunod dito. Lumapit ito sa kotse ko sa bandang passenger seat saka humarap sa akin. “Unlock your car.” Utos niya, bahagyang nangunot pa ang noo ko rito, pero pinindot ko ang unlock button ng car key ko. Binuksan niya ang pinto ng kotse at sumakay doon. Namilog ang mga mata ko, bakit siya pumasok sa kotse ko? Nagmamadali akong pumasok sa loob. “Sir Ridge, ano pong ginagawa niyo?” Tanong ko nang makaupo na ako sa driver’s seat. Hinatak nito mula sa may balikat ang seatbelt at kinabit iyon. “You see, may sira ang nabili kong kotse at wala akong sasakyan pauwi. Kung maguumpisa ka nang magmaneho ngayon, hindi natin maaabutan ang traffic.” He firmly said. My mouth drops. What did he say? “Ipagda-drive kita pauwi?” Tanong ko rito. Nilingon ako nito saka ako kinunutan ng noo. “Why? You don’t know how to drive?” Aniya. “Ofcourse! I can drive.” Pagmamalaki ko rito. “Then what are you waiting for? I fulfilled your dream just now, it’s time for you to return the favor. Danica.” He said with an amazement in his baritone voice. Napaawang nalang ang labi ko at wala na akong nagawa kundi ang ipagdrive siya pauwi. Pero, saan ko siya ihahatid? Hindi ko naman alam kung saan siya nakatira? Wala ba siyang driver? Bakit kasi hindi siya nagdala ng sasakyan niya? “Um, Sir Ridge. Saan ba kita ihahatid?” Nagaalangan kong tanong dito. Nilingon ako nito at tinitigan na para bang may sinabi akong masama. Sinabi niya ang lugar kung saan siya nakatira, mabuti nalang at malapit lang. Naiinis man ay tiniis ko nalang atlis nakasakay naman ako sa isa sa mga dream car ko. Hindi parin ako makapaniwalang nahawakan at nasakyan ko ang One 77 ngayong araw! Ang saya! Pumasok kami sa isang exclusive village sa Alabang. Binaba ni Sir Ridge ang salamin ng bintana niya nang papasok na kami sa gate ng village, nang makita siya ng guard ay agad siyang sinaluduhan nito at nagmamadaling binuksan ang gate. Tinuro niya sa akin ang daan at kung saang street ako liliko. Hindi ko maiwasang mapalingon sa mga bahay na nadadaanan namin, actually, it’s not a house anymore. It’s castle! Pinahinto niya ang sasakyan sa tapat ng isang wood and brick house. The combination creates a modern and minimalist undertone. Halos glass din ang mga pader. Kahit madilim ay naaaninag ko ang karangyaan ng bahay dahil sa maliliit na ilaw na nakapalibot sa labas ng gate nito. “We’re here. Let’s go inside.” Aniya, saka nito hinubad ang seatbelt at lumabas ng kotse. Nataranta ako, anong get inside? Papasok ako sa loob? May kasama kaya siya diyan? Baka nandyan si Mrs. Leonore? Humigpit ang hawak ko sa seatbelt ko at hindi ako nakagalaw. Napansin ni Sir Ridge na hindi pa ako bumababa ng sasakyan kaya nilingon ako nito saka pinangunutan ng noo at naglakad palapit sa driver’s seat. “Danica.” Sambit nito saka kinatok ang binatana ng sasakyan. Nakita ko ang kaseryosohan sa mukha nito habang nakapatong ang dalawang kamay sa magkabilang tagiliran. Bumaba nalang din ako. “Sir, naihatid ko na po kayo, uuwi na ako, baka kasi matraffic.” Sambit ko. “Let’s eat before you go.” Baritono nitong sambit. “Um.” Gusto kong tumanggi sa alok niya, ayoko sanang sumama, paano kung nandyan si Mrs. Leonore? Sigurado akong hahamakin nanaman ako non kapag nakita ako. At ayokong mangyari iyon sa harap pa mismo ni Sir Ridge. He tilted his head, sighed. Parang naubos ang pasensya nito kaya kinuha niya ang kamay ko at hinila ako papasok sa loob ng bahay niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD