Chapter 8
Kinabukasan ay maaga akong umalis sa apartment ni Kaila, kailangan ko pang dumaan sa apartment ko para maligo at magpalit ng damit. Paalis na ako ng apartment ko nang tumunog ang message tone ko.
From: Marco
Good morning, Danica! Papasok kana ba? ingat ka sa work.
Napangiti ako nang makita ang text message ni Marco saka ko ulit pinasok sa bulsa ng coat ko ang phone at umalis na ng bahay mamaya ko nalang siya rereplyan pagdating ko sa opisina. Umaga palang pero busy na ako sa opisina dahil sa mga planning na ginagawa ko para sa bagong project. Halos magtatanghali na at malapit ko naring matapos ang lahat ng kailangan para maumpisahan na ang research sa Palawan. Nakatutok ako sa laptop ko nang may isang kamay ang magabot ng kape sa harap ko. Inangat ko ang tingin ko sa may-ari ng kamay na iyon at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang matangkad na lalaki sa harap ko. Nakasuot ito ng three-piece suit na kulay blue, matatamis na ngiti ang ibinungad nito sa akin.
“Coffee?” Baritonong sambit ni Marco.
“M-Marco?” Sambit ko. Natawa ito sa naging reaksyon ko saka nilapag ang hawak na kape sa table ko.
“Tama na iyan, magbreak ka muna. Masyado kang seryoso d’yan.” Nakangiti nitong sambit. Tumikhim ako saka tinikom ang nakaawang kong labi.
“Um, anong ginagawa mo dito?” Tanong ko.
“Binibisita ka, hindi ka kase nagreply sa text ko kaninang umaga.” Aniya. Hinawi ko ang mga takas na buhok sa likod ng tenga ko bago nagsalita. Nakalimutan ko nga pala siyang replayan.
“I’m sorry. Busy lang kasi.” Tugon ko. Tiningnan nito ang oras sa wrist watch niya saka muling binaling ang tingin sa akin.
“It’s almost lunch break. Tara, kain tayo, mamaya mo nalang tapusin iyan.” Aniya, hindi na ako nakapagisip pa at sumama nalang sa kanya. Magla-lunch break narin naman kaya pumayag na ako. Hindi ko alam kung madalas ba siya dito sa kumpanya dahil halos kilala na niya lahat ng empleyadong nandito. Given naman na pinsan nga siya ni Ridge, pero sa tinagal ko na sa company’ng ito, ngayon ko lang siya nakita at kung hindi niya pa nga sinabi sa akin na pinsan niya pala si Ridge ay hindi ko pa malalaman. O baka naman nagpupunta na siya dito dati hindi ko lang napapansin?
“Palagi ka bang pumupunta dito sa Hermosa? Halos kilala mo na kasi lahat ng mga empleyado dito.” Tanong ko rito habang nasa elevator kami.
“Hmm… hindi naman lahat, yung mga matatagal na empleyado lang ang kilala ko. Matagal kasi akong nawala, it’s mine before kaya kilala ako ng mga lumang empleyado rito.” Tugon nito saka ako nginitian. Bahagyang nangunot ang noo ko, sa kanya ang Hermosa dati? Paano? Pinilit ko nalang na iwaksi ang mga gumugulo sa isip ko. Masyado nang okupado ang isip ko tungkol sa trabaho, ayoko nang dagdagan pa.
“What do you want to eat? May magandang restaurant na malapit dito. We can go there if you want.” Aniya, tumango lang ako rito saka ngumiti. Nang magbukas ang lift ay naestatwa ako nang bumungad sa amin ang seryosong mukha ni Ridge. Ilang beses akong napakurap, he looked domineering in his gray tux. Agad na nawala ang ngiti sa labi ko nang malukot ang noo nito. Lumabas kami ni Marco ng lift saka ito nagsalita.
“Ridge, akala ko nasa meeting ka?” Tanong ni Marco.
“Anong ginagawa mo dito?” Baritonong sambit nito. Ngumiti si Marco saka muling nagsalita.
“Pinuntahan ko si Danica. Magla-lunch kami, gusto mo bang sumama?” Napaangat ako ng tingin kay Marco. At agad akong sumingit sa usapan nila, wala namang masama pero siguradong maiilang nanaman ako dahil nandyan si Sir Ridge at mukhang masama rin ang timpla niya ngayong araw.
“Um, Marco, mukhang busy si Sir Ridge. Mabuti pa umalis na tayo.” Sambit ko rito, saka tinanguan si Sir Ridge. Pero halos mapangiwi ako nang magsalita ito.
“No, I’m not busy. Actually, magla-lunch narin sana ako e.” Aniya, saka nito binaba ang tingin sa akin. Wirdong ngiti ang napakawalan ko. God! Ang awkward nito!
Pumunta kami sa sinasabing restaurant ni Marco. Papunta palang ay gusto ko nang bumalik nalang ng opisina at tiisin nalang ang gutom kaysa naman kasama ko ang dalawang ito. Katabi ko si Sir Ridge at kaharap ko naman si Marco habang hinihintay ang order namin.
“Are you okay, Danica?” Tanong ni Marco. Inangat ko ang tingin dito saka ngumiti.
“Yeah, I-I’m okay.” Nakangiti kong sambit dito.
“Danica, naumpisahan mo na ba yung planning para sa bagong project?” Baritonong sambit ni Sir Ridge. Pareho kaming napatingin ni Marco dito. Tumikhim ako bago sumagot.
“O-oo, dadalhin ko nalang sa opisina mo mamaya.” Tugon ko rito.
“Come on Ridge, hayaan mo munang makapag-lunch si Danica.” Pabirong sambit nito saka siya tumawa, pinasadahan lang siya ng tingin ni Ridge pero hindi na ito muling nagsalita. Mabuti nalang at dumating na ang mga pagkain namin kaya doon na natuon ang atensyon naming tatlo. Naging maayos naman ang lunch namin, minsan ay maguusap sila Marco at Ridge tungkol sa negosyo at ibang bagay na hindi ko na naiintindihan kaya nagpasya akong kumain nalang, kailangan ko ng energy para tapusin ang mga trabaho ko.
Pagkatapos naming kumain ay muli kaming bumalik sa opisina, kotse ni Sir Ridge ang ginamit namin kaya kailangang bumalik ni Marco sa Hermosa para kunin ang kotse niya.
“Thank you sa lunch, Marco.” Nakangiti kong sambit dito pagkababa namin ng kotse ni Sir Ridge.
“Wala iyon, so kailan natin ulit iseset yung date natin?” Tanong niya. Umawang ang labi ko at binaling ang tingin sa kung saan habang nagiisip ng isasagot dito. “How about tomorrow evening?” Nakangiti nitong dugtong. Ngumiti ako saka tumango nalang dito, tingin ko wala naman akong gagawin bukas ng gabi kaya okay lang sa akin.
“Sige.” Nakangiti kong sambit.
“Danica, let’s get inside. Lunch break is over.” Baritono at seryosong sambit ni Sir Ridge nang dumaan ito sa harap namin papasok sa loob ng building.
“Sige Marco, magiingat ka sa pagda-drive. Salamat ulit sa lunch.” Nakangiti kong sambit bago tumalikod at pumasok ng building.
“See you tomorrow.” SIgaw nito saka siya kumaway sa akin.
Pigil hininga ako habang naghihintay na magbukas ang pinto ng lift. Hindi ko alam kung bakit, pero palagi nalang galit ang awra ni Sir Ridge, okay naman siya nung nakaraan na ihatid niya kami ni Kaila sa apartment. Ngumiti pa nga siya sa amin bago siya tuluyang umalis. Hindi kaya bipolar siya? May times kase na parang ang bait niya, madalas ang sungit ng dating niya. Pumasok na kami ng lift nang magbukas iyon.
“Boyfriend mo na ba si Marco?” Seryosong tanong nito habang nasa lift kame. Napaawang pa ng bahagya ang labi ko at natigilan sa tanong nito.
“H-Ha?”
“Boyfriend mo na ba siya kaya niyaya ka niya ulit na mag-date bukas?” Muling tanong nito pero sa may seryoso at baritonong boses. Binaba rin nito ang tingin sa akin na siyang kinabulabog ng dibdib ko. talo ko pa ang pakiramdam ng iniinterview.
“N-No… hindi Sir Ridge.” Tugon ko. Humarap ito ng bahagya bago muling nagsalita.
“Good. I’ll appreciate it if you concentrate on the project you are handling and set aside the things that isn’t important.” Aniya, ilang beses akong napakurap habang nakaawang ang labi, agad ko rin naman tinikom iyon saka tumikhim at tumugon dito.
“Yes, Sir Ridge.” Sambit ko saka tumunog at bumukas ang lift sa floor ko. Agad akong lumabas ng lift, tinanugan ko pa ito bago muling nagsara ang pinto. Napahawak ako sa dibdib ng wala na ito sa harapan ko at huminga ng malalim.