Reset Series: Buenacera
Chapter 6
“We will conduct a market research and product quality testing of the South Sea Pearls in Coron, Palawan. There are a lot of Pearl Farm there and we can also help the local farmers. It can boost the image of the Hermosa Group, and reach the target sales for this year. Thank you.” Huli kong sambit matapos ang presentation ko sa bago naming ilalaunch na product. Everyone was happy and satisfied with my presentation, pero ang lalaking nasa dulong lamesa ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa documents na nasa harap nito. Nakaramdam ako ng kaba, hindi niya ba nagustuhan ang proposal ko? o may mali ba sa presentation ko?
“Ms. Jensen, pearl is not in-demand nowadays, especially in this generation. They preferred diamonds, stones and golds. Do you think we can earn a profit from this? Remember, we’re in the business. Not in a charity, to help others by giving them the livelihood that you’re talking about.” Seryoso at baritonong sambit nito. I cleared my throat before I speak.
“Yes, Sir Ridge. It’s true that young people nowadays prefer to buy diamonds rather than buying a pearl. But they still have parents, grandparents and aunts. And those people prefer to have the classic, the pearls.” Tugon ko rito. Matagal bago ito sumagot muli habang nakatingin sa documents. Hanggang sa binaba nito ang hawak na ballpen at tumayo. Pigil hininga ako ng mga oras na iyon.
“Good job, Ms. Jensen. Sent me the copy of your proposal.” Aniya, saka ito bahagyang ngumiti. Tuwang tuwa kong nilingon si Kaila na noon ay nasa gilid at nakikinig din. Naunang umalis si Sir Ridge at naiwan kami sa conference room.
“Ang galing mo talaga! Danica!” Matinis na sambit ni Kaila habang papalabas kami ng conference room. “I think we should go out tonight and celebrate!” Nakangiting sambit nito. Tumango naman ako dito.
Pumunta ako sa office ni Sir Ridge para ibigay ang hinihingi nitong kopya ng proposal, paglabas ko ng lift ay bumungad sa akin ang sekretarya nito. Bahagyang nangunot ang noo ko, bagong mukha ang bumungad sa akin, sa tingin ko ay mas bata ito kaysa sa akin. She smiles beautifully. She looked innocent.
“Hi. Good morning.” Bati ko rito.
“Hi, good morning din.” Aniya.
“Um, bago ka ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita.” Nakangiti kong sambit dito. She smiles shyly.
“Yes, po. I’m Meghan Gallego, executive secretary of Sir Ridge.” Nakangiti nitong sambit, oh a new secretary—
“Um, I’m Danica Jensen. Senior Manager in marketing and research department. Anyways, here’s the proposal of the new product, hinihingi iyan ni Sir Ridge.” Tugon ko rito, inabot naman nito ang dala kong documents.
“Ibibigay ko nalang ito sa kanya pagkatapos ng meeting niya.” Aniya, tumango naman ako rito saka ito tinalikuran at sumakay na ng lift. Nakatingin ito sa akin habang nakasakay ako at hinihintay na magsara ang pinto ng lift. I don’t know why, but I felt uncomfortable with her smile. It’s not actually a smile, it’s a smirk. Then the door close. Napaawang nalang ng bahagya ang labi ko, nagkakamali lang siguro ako ng nakita baka dahil sa pagod. Dumeretso na ako sa office ko to do some stuff. Pagdating ng alas-siete ng gabi ay halos kakaunti nalang ang mga tao sa kumpanya. Medyo madami pa akong dapat tapusin, kaya hindi ko pa magawang umuwi. Napatingin ako sa pinto nang makarinig ng ilang ingay na papalapit. Sila Danica, kasama ang ilan naming katrabaho, at ang bagong Secretary ni Sir Ridge.
“Girl ano na? Tara na! may usapan tayo di’ba?” Sambit ni Kaila na umugong pa sa buong opisina.
“Um, kailangan ko pang tapusin ito e, Mabuti pa mauna na kayo, itext mo nalang sa akin yung address susunod nalang ako.” Tugon ko rito.
“What? Ano ba naman iyan, o siya sige. Mauna na kame ha, sumunod ka! Humanda ka sa akin kapag ‘di ka sumipot.” May halong pagbabantang sambit nito.
“Oo na, malapit narin naman akong matapos.”
“Sige, mag-ingat ka. Bye! See you later!” Sambit nito, isa isa silang nagpaalam sa akin, tumango rin yung Meghan saka ngumiti. Gumanti rin ako ng ngiti rito. Saka ko muling naalala yung pagngisi niya sa akin sa lift. Umiling ako para bumalik ako sa focus, it’s probably because I’m tired. At kailangan ko na itong matapos para makasunod na ako sa kanila.
After several hours, sumandal ako sa swivel chair ko at bumuntong hininga, I’m done. Sa wakas! Pinatay ko na ang computer ko at kinuha ang bag ko, pero halos matumba ako sa gulat nang makita ko ang bulto ng isang matangkad na lalaki sa pintuan. Madilim na sa opisina at iilang ilaw nalang ang nakabukas kaya hindi ko kaagad nakilala kung sino ang nakatayo doon hanggang sa maglakad ito sa parting maliwanag.
“S-Sir Ridge.” Sambit ko habang nakahawak ako sa dibdib ko.
“Sorry, did I scare you?” Baritonong sambit nito, minuwestra ko ang mga kamay saka nagsalita at tumayo ng maayos.
“No, um—”
“Why you’re still here Danica?” Tanong nito, and he say my name. He calls me by my name!
“Um, I’m about to go.”
“Okay, let’s go.” His voice echoed in the whole office. That baritone voice gives chills to my spine. I don’t know why? And why do I feel nervous? Pinindot niya ang button sa lift kaya nasa unahan ko na siya ngayon. I can literally smell his perfume. I gasp when he turn around to face me.
“Did you eat dinner, Danica?” Seryosong tanong nito.
“N-Not yet Sir Ridge.”
“Do you mind if you eat dinner with me?” Muling tanong nito, I can’t stand the way he stares at me. Ano ba ‘yan! Bakit naman kasi ganyan niya ako tingnan? Mukha nga siyang gutom kasi para siyang mangangain sa mga tingin niya.
“Um, I can’t m-may party kasi kami nila Kaila. Baka hinihintay na nila ako.” Sambit ko, bahagyang nangunot ang noo nito hindi man lang kumibot ang labi pero bakas ang pagkadismaya sa mukha nito.
“How about this, ihahatid kita sa party niyo pagkatapos nating kumain. I haven’t eaten since lunch. I’m starving and I need to discuss with you some preparations for the research.” Aniya, I blink several times. Discuss what? My Goodness! It’s already 7p.m! Tumaas ang dalawang kilay nito habang hinihintay ang sagot ko, how can I resist when he looks persistent?
“O-Okay.”
Saktong nagbukas na ang lift, naunang pumasok si Sir Ridge, mariin akong napapikit at kinagat ang ibabang labi dahil sa inis! Hide it, Danica! You better hide it!
Pumunta kami sa La Gallego Hotel, same restaurant na kinainan namin ni Marco. Speaking of him, hindi na siya ulit nagtext sa akin, baka dahil hindi ko siya nireplyan sa text niya noong nakaraang gabi? I’ve been kinda busy the whole day kaya hindi ko na siya naalala pa. We greeted by the same staff who greet me the last time I came here. I saw her smiles, it’s different from before. Mas naging makinang ang mga ngiti nito nang makita si Sir Ridge na pumasok, ngumiti rin naman ito sa akin but not exactly like how she smiles on Sir Ridge. Nilapitan kami kaagad ng waiter at inabot ang menu.
“What do you want to eat Danica?” Tanong nito, I bit my lip while choosing. Hinahanap ko yung pagkaing madali lang kainin para makaalis na kami kaagad. Pakiramdam ko kasi ay matutunaw ako sa mga tingin ng mga taong nandito, dagdagan mo pa ng paninitig ni Sir Ridge sa akin. Nang walang mapili ay tiningala ko ang waiter saka ngumiti.
“Just give me a mango shake please.” Nakangiti kong sambit dito.
“You need to eat Danica. Pupunta ka ng party hindi ba? it’s not good to drink while having an empty stomach. Actually, it’s not good to drink alcohol after all.” Dominante ang pagkakasambit nito, natulala nalang ako, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Literal na nawalan ako ng sariling desisyon sa buhay at tumango rito.
“Two Pan-sealed salmon with Kale and Apple salad, and two glasses of Masseto.” Sambit nito sa waiter, agad namang umalis ang waiter para kunin ang order namin. Hindi ko alam kung anong itsura ng mga pagkaing iyon, pero hinayaan ko na. Gusto ko nalang na makaalis dito, nakakainis.
“Your presentation is good; I want you to handle the project, Danica.” Sambit nito sa akin, bahagyang napaawang ang labi ko. Handling what?
“S-Sir Ridge—”
“I know you can handle this, Danica. You wouldn’t have promoted just for nothing.” Baritonong sambit nito. Halo-halong emosyong ang pumasok sa sistema ko, I’m just proposing it, pero ang ihandle ang buong team para sa project na ito is another thing. Hindi naman sa wala akong tiwala sa sarili ko, I now for a fact na wala akong bagay na hindi napagtatagumpayan, dahil matyaga akong tao at hindi ako basta-basta sumusuko. Pero, this project means a lot for the Hermosa Group. Kakayanin ko ba? kaya ba?
“Sir Ridge, I’m sorry. But I have to decline it. I don’t think I can handle this project.”
“Danica, I know you can do it.” Aniya, sumandal ito sa upuan saka pinagtalikop ang mga palad.
“Besides, ikaw ang nagpropose ng project na ito. Walang ibang mas may alam dito kundi ikaw lang.” Dugtong nito. Ilang Segundo akong natigilan, pilit na pinoproseso ang mga sinabi nito. Wala naman sigurong mawawala hindi ba? All I have to do is to handle the project and have a successful launch. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago inangat ang tingin dito.
“Okay Sir. I’ll handle the project.” Sambit ko, he smiled at me. Sakto namang dumating ang pagkaing inorder niya, pagkatapos naming kumain ay hinatid ako nito sa bar kung nasaan sila Kaila.
“Sir Ridge, thank you sa dinner, saka sa paghatid. Mauna na ako, magiingat kayo sa pagdadrive.” Sambit ko dito bago tinanggal ang seatbelt ko. Bahagya nitong sinilip ang bar saka tinanggal din ang sealtbelt niya.
“Sinong mga kasama mo sa loob?” Tanong nito.
“Sila Kaila, saka ibang staff.” Sambit ko, bahagyang nangunot ang noo nito. Pero nawala rin nang ibaling nito ang tingin sa akin.
“Okay, magiingat ka. Huwag kang masyadong uminom, you have to start working on the project tomorrow.” Baritonong sambit nito, napangiwi ako sa sinabi nito saka mabilis na lumabas ng sasakyan niya. Sinipat ko pa ang paligid sa takot na baka may makakita sa akin na katrabaho namin, nakahinga ako ng maluwag na wala naman akong nakikilala sa mga taong nakatambay sa labas ng bar. Pumasok na ako sa loob at sumalubong sa akin ang ingay at usok ng paligid. Agad kong nakita ang kinaroroonan nila Kaila dahil kumakaway ito sa akin nang makita ako pagkapasok ko palang ng bar.
“Girl bakit ngayon ka lang?” Tanong ni Kaila. Wirdo akong ngumiti saka tumabi sa upuan nito.
“May dinaanan pa kasi ako.” Sambit ko, hindi na ito muling nagtanong pa dahil abala siya sa pagsasalin ng alak. Inabot nito ang isang baso ng beer sa akin.
“Oh, ubusin mo iyan ha. Late kana dumating.” Sambit nito, ang ilan naming kasama ay abala rin sa pakikipagkwentuhan at ang iba ay nasa dance floor na. Mukhang may mga tama na nga yata. Napansin kong wala ang bagong sekretarya ni Sir Ridge kaya siniko ko si Kaila.
“Nasaan yung secretary ni Sir Ridge?” Tanong ko rito, tiningnan nito ang paligid bago sumagot.
“Baka nag-cr lang, babalik din iyon.” Aniya. Hindi na ako muling nagsalita at ininom nalang ang beer na hawak ko habang iginagala ang paningin sa paligid. Pero halos mabulunan ako nang mapako ang tingin ko sa isang matangkad na lalaking pumasok sa pinto, halos lahat ng madaanan niya ay napapahinto at napapako ang paningin sa kanya. Para siyang artistang pinagkaguluhan sa loob ng bar, napanganga naman si Kaila at iba naming kasama nang makita si Sir Ridge.
“Anong ginagawa ni Sir Ridge dito?” Sambit ni Kaila saka ako nito binalingan ng tingin at ngumisi.
“Sir Ridge!” Boses ng isang babae na papalapit kay Sir Ridge, si Meghan. She gracefully walks towards him and smiled beautifully. Huminto si Sir Ridge saka nginitian si Meghan. Sabay kaming nagkatinginan ni Kaila. I saw her mouthed, what the f**k.