Chapter 5

1419 Words
Reset Series: Buenacera Chapter 5 “Hermosa Group has a lot to offer more than you think, Mr. Dela Vega.” Baritonong sambit ng isang pamilyar na boses kung saan. Tumalon ang puso ko at halos masamid pa ako sa iniinom ko nang bigla nalang sumulpot si Sir Ridge sa kung saan. Teka, anong ginagawa niya rito? Bahagya ring nagulat si Marco nang makita si Sir Ridge, pero hindi ito nagpatinag sa dominenteng awra ni Sir Ridge. Tumayo ito saka binati si Sir Ridge na para bang matagal na silang magkakilala. “I didn’t know you’re here.” Nakangiting sambit ni Marco. Nanatiling seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Sir Ridge hanggang sa idako nito ang paningin sa akin. “I’m more surprise to see you here, Ms. Jensen.” Baritonong sambit nito, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Sa huli ay nginitian ko nalang ito. “Kung hindi pa ako dumating, malamang napirata mo na itong si Ms. Jensen, Marco.” Muling sambit nito, inangat kong muli ang tingin dito. Nakatingin na ito kay Marco na noon ay patawa-tawa lang. “No, that’s not true. You, see. We’re on a date.” Sambit ni Marco. Tumaas ng bahagya ang kilay ni Sir Ridge, binaba kong muli ang paningin. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi na ako napalagay ngayong nandito siya. “Ano nga palang ginagawa mo dito?” Tanong ni Marco. “I have a business meeting here. Enjoy your date, then.” Huling sambit ni Sir Ridge saka kami nito tinalikuran at tinungo ang kabilang dulo ng restaurant, may mga nakaupo na doon na tingin ko ay mga ka-meeting niya. Tumikhim si Marco para maagaw ang atensyon ko. “I’m sorry about that. I didn’t expect him to be here.” Nakangiting sambit nito. “Um, magkakilala kayo ni Sir Ridge?” Tanong ko rito. Muli itong ngumiti saka humawak pa sa batok bago sumagot. “Actually, we’re cousins. I’m sorry, hindi ko kaagad sinabi sa’yo.” Nahihiya nitong sambit. “No, it’s okay. Wala namang problema sa akin iyon. Anyways, I enjoyed this evening, thank you for the wonderful dinner. But I think I have to go.” Tugon ko rito, iyon nalang ang naisip ko, dahil siguradong maiilang lang ako lalo pa’t nandito ang boss ko. “Uh, okay. Danica, kung okay lang sa’yo, pwede ko bang hingiin ang number mo? So, we can set another date again? You know, you’re such a wonderful lady, and I want to know you more. Pero kung ayaw mo—” “It’s okay, I mean. Sure, bakit naman hindi.” Tugon ko rito, mukha namang mabait si Marco at wala naman akong nakikitang dahilan para tanggihan ito. Nilabas nito ang phone niya saka iyon inabot sa akin. Tinipa ko ang numero ko saka ito muling inabot sa kanya. Tumayo na ako saka kinuha ang bag ko. Nagulat pa ako ng bahagya nang ipaghila ako nito ng upuan ko, ngumiti ako bilang ganti. Nang naglalakad na kami ay hindi ko naiwasang mapatingin sa kinaroroonan ng table nila Sir Ridge. Halos mapasinghap ako nang magtama ang mga mata namin, he is staring at me! For how long? I don’t know! Ako ang unang nagbawi ng tingin dahil sa pagkalabog ng dibdib ko. “I have my car, kung gusto mo ihahatid nalang kita sa inyo.” Sambit ni Marco habang naghihintay kami ng taxi sa labas ng Hotel. Ngumiti ako rito bago nagsalita. He’s kind and gentleman, but I don’t want to spoil our first date. Besides, we didn’t know each other after all. Kahit na nag-usap na kami at nalaman kong pinsan siya ni Sir Ridge ay hindi parin ako kampante sa kanya. “Thank you, Marco. But I prefer to ride on a taxi tonight. I really enjoyed this evening and I think that’s more than enough.” Nakangiti kong sambit dito. He smiled. “Okay, but I expected to see you again soon.” Aniya, ngumiti ako rito saka tumango. Sakto namang dumating na ang taxi, pinagbuksan ako nito ng pinto sa backseat. “Thank you, Marco.” “See you, soon. My lady.” Nakangiti nitong sambit bago sinara ang pinto at umandar ang taxi na sinasakyan ko. Pagbaba ko palang ng taxi sa may apartment ay sinalubong na ako ni Kaila, nakangisi ito habang nakatayo sa pinto ng apartment ko. “What are you doing here?” Tanong ko rito. Nginisian lang ako nito saka ako inakbayan. “I personally came here. para personal na marinig ang nangyari sa dinner date niyo ni Mr. Dela Vega. How is it?” Nakangisi nitong sambit, binuksan ko ang pinto at nirolyo ang mga mata rito habang papasok ng apartment ko. “He’s nice and gentleman.” Maiksi kong tugon saka halos pahigang umupo sa kama. Nangunot ang noo nito saka naupo rin sa tabi ko. “What do you mean by that?” Tanong niya. Bumangon ako saka humarap dito. “Oh, wait. Why didn’t you tell me na pinsan siya ni Sir Ridge?” Tanong ko rito, iniwas nito ang tingin sa akin saka tumayo at nagtungo sa kusina. “Kaila!” Tawag ko rito. Tumayo ako para sundan ito, uminom muna siya ng tubig bago ako sinagot. “You didn’t ask me, tho. Saka does it matter? Kung hindi kayo magkatuluyan ni Sir Ridge, edi dun ka nalang sa pinsan niya.” “Kaila! Naririnig mo ba iyang sinasabi mo?” Sambit ko rito habang pinandidilatan ito ng mga mata. “Bakit? E hindi ba gusto mong makapangasawa ng mayaman? Ayaw mo kay Sir Ridge, edi kay Marco Dela Vega ka nalang. Danica, bakit hindi mo siya bigyan ng chance? Ikaw narin ang nagsabe, he’s kind and gentleman. Give it a shot girl!” She snapped. Tinungo nitong muli ang sala saka kinuha ang gamit niya. “Bakit ka nga pala nandito? At may dala kapang gamit?” Tanong kong muli habang nakahalukipkip. Ngumuso ito sa akin bago muling nagsalita. “Dito muna ako matutulog, maaga kasi ang meeting ko bukas at kailangan kong pumasok ahead of time.” Aniya. “Okay, kumain kana ba? ipagluluto kita.” Muli kong sambit. “Nah, I’m not hungry, I’m sleepy… so, mauna na po ako sa inyo kamahalan.” Nangaasar na sambit nito saka nag-vow na parang nagbibigay galang sa isang reyna. Aamba sana ako ng tadyak dito nang tumakbo ito papasok ng kwarto habang tumatawa. Naiwan akong nakanguso sa sala, saka ko muling naalala kung paano ako tingnan ni Sir Ridge kanina sa restaurant. Naiinis ba siya sa pagmumukha ko? para kasing iritable siyang makita ako, as if naman na may ginawa akong hindi maganda sa kanya. I hissed. Bago humiga ay naligo na ako saka nagpalit ng damit, tulog na si Kaila nang pumasok ako sa kwarto, naglatag ito ng foam sa lapag. Madalas namang nagssleep over dito si Kaila kapag maaga ang mga meetings niya sa opisina. Mas malapit kasi ang apartment ko sa Hermosa, kaysa sa kanya. Pinipilit ko na nga lang siya na magsama nalang kami sa iisang apartment. Pero sabi niya ayaw niya daw akong maistorbo tuwing uuwi siya ng madaling araw o di kaya ay may kasama siyang lalaki kapag umuuwi. We have different personality, party girl si Kaila at marami siyang nakikilalang iba’t-ibang tao kapag gumigimik siya, hindi katulad ko. Mas gusto ko ang mag-isa at magkulong sa bahay, kaysa maglasing sa labas. Minsan, naiinggit ako sa kanya. She can enjoy life kahit saan siya mapunta, but me? I can’t even eat alone in a public place. I have this kind of anxiety since I was a child. I am a loner. And I prepared to be a loner not until I met the ideal guy that I want. A filthy rich man who loves me unconditionally and wholeheartedly. Pinikit ko ang aking mga mata para makatulog na, pero narinig ko ang pagtunog ng message alert tone ng phone ko kaya kinuha ko iyon at saka tiningnan kung sino ang nagtext. Isang unknown number, binuksan ko ang message. From: 09217230282 Hi, this is Marco. Thank you for giving me your number. Good night, Danica. See you again, soon…  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD