Reset Series: Buenacera
Chapter 4
“Wala? Anong wala, e nakita ko kayong naguusap kanina.” Usisa nito, hindi ko na alam kung anong sasabihin ko, sakto namang may dumaan na waiter na may dalang wine. Kumuha ako ng dalawa saka iniabot kay Kaila ang isa.
“Alam mo, magenjoy nalang tayo sa party, okay? Cheers?” Tugon ko rito, pinanliitan ako nito ng mata, pero inabot din ang hawak kong wine saka ngumiti at nakipag-cheers sa akin. Habang umiinom ako ng wine ay naramdaman kong may isang pares ng mata ang nakatitig sa akin, nang igala ko ang paningin ay hindi nga ako nagkakamali. Si Sir Ridge, nakatitig ito sa akin habang umiinom ako ng wine. Halos mabulunan ako sa kakapiranggot na nasimsim ko at agad na tumalikod para iwasan ang mga tingin nito.
“Are you okay?” tanong ni Kaila nang mapansin ang pagkabalisa ko. Ngumiti lang ako rito saka tumango at muling sumimsim ng wine, muli akong lumingon sa direksyon ni Sir Ridge at nakita kong sa kausap na niya ito nakatingin. Ano bang problema niya? Hindi ko na tuloy naenjoy pa ang party dahil sa pagkailang.
Pagkatapos ng party ay nagbook kami ni Kaila ng taxi pauwi, pareho naman ng way yung bahay niya at apartment ko kaya sumabay na ako sa kanya. Medyo naparami nga yata ng inom ang babaeng ito, dahil hindi na tuwid ang lakad niya habang papalabas kami ng hotel.
“Okay ka lang ba Kaila? Kaya mo pa bang maglakad? Bakit kasi ang dami mong nainom?” Sambit ko dito habang hawak siya sa braso. Nginisian lang ako nito.
“Okay lang ako, no. Nasaan na ba yung taxi natin?” Aniya, habang naghihintay ay inaalalayan ko si Kaila na huwag bumagsak sa simento, bakit naman kasi ang dami niyang nainom? Sana pala pinigilan ko siya kanina kung alam ko lang na magkakaganito. Sa gitna ng paghihintay ay may isang magarang sasakyan ang huminto sa harap namin. Isang puting Lamborghini Urus. Nangunot ang noo ko, dahil sa lawak ng hihintuan dito pa talaga sa tapat namin, baka hindi kami makita ng nabook ko na taxi dahil nakaharang itong mamahaling sasakyan na ito, ngunit ganun nalang ang pagawang ng labi ko nang bumaba ang nagmamaneho nito. si Sir Ridge!
“Ihahatid ko na kayo.” Sambit nito nang makalapit sa amin. I quickly gathered my wit.
“Um, thank you Sir Ridge, pero hindi na po. May parating naman na yung nabook ko na taxi.” Tugon ko rito, ngumiti ito saka muling nagsalita at binalingan ng tingin si Kaila.
“Sige na, mukhang matatagalan pa yung taxi.” Aniya, magsasalita pa sana ako para ipilit na malapit na yung taxi na nabook ko nang sumingit si Kaila at kumawala sa pagkakahawak ko.
“Sure ka ba sir? Ihahatid mo kami? Thank you!” Ani ni Kaila saka pumasok na sa backseat ng sasakyan ni Sir Ridge. Sinubukan ko pa siyang pigilan pero,natigilan ako nang hawakan ako ni Sir Ridge sa pala-pulsuan.
“Danica, please.” Sambit nito, bumaba ang tingin ko sa kamay nito at agad akong kumawala sa pagkakahawak nito, lumapit ito sa tapat ng passenger seat at saka binuksan iyon para sa akin, pero mas pinili kong umupo katabi si Kaila kaya lumapit ako sa backseat at binuksa iyon saka pumasok na sa loob. Hindi ko alam kung anong binabalak ni Sir Ridge at ginagawa niya ito. Basta ang alam ko, hindi ako komportable sa mga pinapakita nito.
Tahimik lang ako habang nasa byahe, habang si Kaila ay nakatulog na. Mamaya ko nalang siya gigisingin kapag nakarating na kami sa bahay niya, doon nalang din ako bababa. Oo, komportable at mabango dito sa loob ng sasakyan niya pero hindi ko yata kayang maiwan ng kami lang dalawa.
“Magkasama ba kayo sa bahay?” Tanong ni Sir Ridge. Napatingin ako sa rearview mirror, nakatingin ito sa akin pero agad din namang binawi.
“Um, hindi po Sir Ridge. Pero, doon nalang din ako bababa sa apartment ni Kaila. Doon nalang ako tutuloy ngayong gabi.” Tugon ko rito, tumango tango ito at hindi na nagsalita pa. Wala pang ilang minuto ay narating namin ang apartment ni Kaila, inalalayan namin siya ni Ridge habang papasok sa apartment nito. Sinamahan ko siya sa kwarto niya para makapagpalit ng damit at makapagpahinga na. Lumabas ako sa sala pagkatapos para harapin si Sir Ridge na noon ay nakatayo sa may balcony at nakakrus ang mga braso sa dibdib habang nakatingin sa view ng mga katapat namin na building.
“S-Sir Ridge…” Mahina kong sambit, nilingon naman ako nito saka ngumiti.
“How is she?” Tanong nito, saka lumapit sa akin.
“Okay na siya, natutulog na. Thank you sa paghatid. Sandali, baka nauuhaw kayo. Ikukuha ko kayo ng maiinom.” Tugon ko dito saka ito tinalikuran, pero pinigilan ako nito.
“It’s okay. Aalis narin ako.” Aniya. Naiilang akong ngumiti rito, hindi ko alam kung dahil sa hiya o dahil sa presensya niya.
“Magiingat po kayo sa pagda-drive. Thank you po ulit sa paghatid, Sir Ridge.” Muli kong sambit. Ngumiti ito sa akin saka tinungo ang pinto. Muli itong humarap saka nagsalita.
“Danica.” Aniya, napataas ang dalawa kong kilay habang hinihintay ang idudugtong nito.
“Good night.” Dugtong niya. Ngumiti ako rito.
“Good night, Sir Ridge.”
Halos hindi ako nakatulog ng gabing iyon, my memories from the party are still vivid to me. The way he stares at me. Nakakalunod, nakakabulabog ng sistema. Ilang beses pa akong nagpalinga-linga sa higaan bago ako tuluyang nakatulog. Kinabukasan ay maaga kaming pumasok ni Kaila sa opisina.
“Paano nga pala tayo nakauwi kagabi?” Tanong nito habang minamasahe ang ulo niya. Tumikhim ako bago sumagot.
“Hinatid tayo ni Sir Ridge.” Sambit ko, ngumiti ito habang namimilog ang mga matang binaling ang tingin sa akin na para bang nasupresa sa sinabi ko.
“Really? Sayang, hindi ko man lang nafeel yung mamahaling kotse ni Sir Ridge.” Aniya, sinamaan ko siya ng tingin saka huminto nang makarating na kami sa floor ko.
“Next time huwag ka ng iinom ng madami, mapapahamak pa ako ng dahil sa’yo.” Nakanguso kong sambit dito. Ngumisi ito saka ako pinanliitan ng mga mata.
“Bakit? May nangyari ba pagkatapos niyo akong ihatid?” Panunuya nito. Nirolyo ko ang mga mata rito.
“Walang ibang nangyari Kaila, huwag mo ngang bigyan ng ibang kahulugan yung ginawa ni Sir Ridge.” Sambit ko saka ito tinalikuran at pumasok sa opisina ko.
“Danica, Sir Ridge wouldn’t do that if he doesn’t like you. Sa boutique palang alam ko nang may kakaiba sa mga tingin niya sa’yo.” Nakangisi nitong sambit habang nakasunod sa akin. Umupo ako sa swivel chair ko saka ito tinaasan ng kilay.
“Imposible iyang sinasabi mo, is pa, he’s our Boss… and I don’t want to date our boss. Kaya tigilan mo na iyang imagination mo, and please get out of my office because I need to work now.” Tugon ko rito. Ngumuso naman ito sa akin na parang bata.
“Basta, never pang pumalya ang kutob ko Danica. Oh, anyway, tutuloy ka ba sa blind date mo mamaya?” Aniya, inangat ko muli ang tingin dito saka napaawang ang labi, muntik ko nang makalimutan mamaya na nga pala ang blind date namin ni Mr. Dela Vega.
“Oh, basta itext mo ako mamaya kung saan kayo magkikita, alam mo na, maraming masasamang loob ngayon, Danica. Magiingat ka okay?” Huling sambit nito saka lumabas na ng opisina ko.
Tinapos ko muna ang lahat ng mga kailangan kong tapusin sa opisina bago ako umalis. Ayokong natatambakan ng trabaho kaya hangga’t maaari ay tinatapos ko na. Alas-syete na nang umalis ako ng opisina at pumara ng taxi para pumunta sa hotel kung saan kami magkikita ni Mr. Dela Vega. Wala akong alam tungkol sa kanya bukod sa anak siya ng may-ari ng isa sa pinakamalaking produksyon ng mga native furnitures na ine-export sa iba’t-ibang bansa. I get his picture from Kaila. He looks decent, gwapo kung tutuusin pero walang sinabi kung ikukumpara kay Sir Ridge. Ibang klase ang kagwapuhan ng lalaking iyon, parang walang flaws. Mariin akong umiling para iwaksi ang mga nasa isip ko, bakit ba ginugulo niya ang sistema ko? I need to focus on my date. Bumaba na ako nang marating sa wakas ang La Gallego Hotel, katabi lang ito ng Grand Fierro Hotel.
Pumasok na ako sa loob at dumeresto sa restaurant, pagpasok ay binati ako kaagad ng staff.
“Good evening, Ma’am, do you have reservation?” She asked politely.
“Yes, under the name of Mr. Dela Vega.” Sambit ko saka ito nginitian. Minuwestra nito ang kamay sa akin saka ako sinamahan papunta sa table namin.
“This way, please.”
Nangunot ang noo ko nang matanaw ang isang pamilyar na lalaki sa may dulong bahagi ng restaurant, nakaupo ito at nang makita akong papalapit ay ngumiti ito saka tumayo.
“Good evening, Ms. Jensen.” Nakangiting sambit ng lalaki.
“I’m sorry Mr. Dela Vega, kanina ka pa ba naghihintay?” Tanong ko rito.
“No, it’s okay maaga lang talaga akong pumunta. I can’t wait to finally meet you, Ms. Jensen. And just call me, Marco. Marco nalang.” Baritonong sambit nito, hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba sa mga sinabi nito. I felt uncomfortable.
“Well, Danica. I’m Danica Marie Jensen.” Nakangiti kong sambit dito, inilahad ko ang kamay dito, saka nakipagkamay. Naramdaman ko ang pagpisil nito sa kamay ko, ako na ang unang nagbawi ng kamay. Nang mapansin niya siguro ang reaksyon ko ay agad ito lumapit sa kaharap na upuan saka iyon hinila para makaupo ako. Ngumiti naman ako rito saka naupo na, umikot siya para maupo narin sa kaharap kong upuan. Tinaas nito ang kamay para tawagin ang waiter.
“The food here is amazing, I’m sure magugustuhan mo rito.” Sambit nito, ngumiti naman ako saka inikot ang paningin sa paligid, hindi masyadong matao ngayon sa restaurant na ito. May iilang mga customer lang ang kumakain. Napalingon ako nang inabot ng waiter ang menu sa harap ko. Nginitian ko ito saka inabot ang menu.
“Alam mo, masarap ang pasta nila dito. Why won’t you try it?” Muling sambit ni Mr. Dela Vega. Inangat ko ang tingin dito saka muling ngumiti at inabot na sa waiter ang menu.
“I wanted to have a pasta then.” Sambit ko, ngumiti si Mr. Dela Vega sa akin saka inabot din ang menu.
“Two pasta and two glasses of Romanee Conti, please.” Aniya, agad namang umalis ang waiter para kunin ang order namin.
“So, Danica, gaano ka nga ulit katagal nagtatrabaho sa Hermosa Group?” Panimula nito.
“Um, couple of years ago. It’s such a great opportunity for me. How about you Marco? Balita ko magkakaroon kayo ng expansion sa Thailand?” Nakangiti kong sambit dito, tumikhim ito saka inayos ang coat niya bago sumagot. Bahagyang nangunot ang noo ko pero nawala rin nang tumingin ito sa akin.
“Yeah, actually last year pa dapat iyon, nagkaproblema lang sa mga papers. You know, taxes, permits and so on and so forth.” Huminto kami sa paguusap nang dumating ang waiter. Tahimik ako habang kumakain habang si Mr. Dela Vega naman ay panay ang kwento tungkol sa kumpanya nila, I am fascinated on how dedicated he is. Naibangon niya ang kumpanyang muntikan nang magsara.
“You know what, it would be great if I have you in our company. Kaya ko namang tapatan ang sweldo mo sa Hermosa. I can even offer you a higher position if you want.” Nakangiting sambit ni Mr. Dela Vega.
“Um, yeah. Thank you, pero okay naman ako sa Hermosa. At saka kakapromote ko palang last year so, ayoko namang iwan ang kumpanya ng ganun nalang. But thank you for the offer.” Tugon ko rito, I felt awkward kaya kinuha ko ang baso ng wine ko at sumimsim doon.
“I understand. Nanghihinayang lang ako, you deserve a higher postion not just a Senior Manager in a department.” Sambit nito saka kinuha rin ang baso ng wine niya at sumimsim.
“Hermosa Group has a lot to offer more than you think, Mr. Dela Vega.” Baritonong sambit ng isang pamilyar na boses kung saan.