Reset Series: Buenacera
Chapter 3:
“May I know kung sino ang nagpadala nito sa akin?” Tanong ko sa kabilang linya habang kausap ang staff ng LO’El Botique, sa tingin ko kasi ay nagkamali sila ng deliver sa bahay ko. wala naman kasi akong natatandaan na may inorder ako bukod sa binili kong dress kanina.
“I’m sorry po mam pero hindi po kami pwedeng maglabas ng details ng mga clients namin.” Aniya. Mababaw na buntong hininga ang pinakawalan ko.
“Okay, I understand. Thank you.”
“Welcome Ms. Danica, have a nice day ahead.” Sambit nito saka ko binaba ang phone. Umupo ako sa couch saka binuksan ang malaking box na nasa harap ko, laking gulat ko nang makita ang laman nito. Ito yung gown na sinukat ko kanina sa botique. Napaawang ang labi ko habang inaangat ang gown saka napangiti. Tumayo ako at humarap sa salamin, napakaganda talaga ng gown na ito. Ibinigay na ito sa akin kaya hindi naman siguro masama kung gagamitin ko ito bukas sa party.
“Sa tingin mo sino nga kaya yung nagpadala sayo nitong gown? At paano naman niya nalaman na ito ang gusto mo?” Sambit ni Kaila habang nasa kotse kami papunta sa party.
Actually, I have someone in mind. Pero parang imposible naman, bakit naman niya gagawin iyon? Hindi naman siguro magsasayang si Sir Ridge ng ganito kamahal na gown para lang sa empleyado niya.
“Kahit sino pa siya, hindi parin maganda ang ginawa niya. It bothers me that he knew my address. Paano kung stalker pala siya? Dapat siguro hindi ko nalang tinanggap itong gown.” Tugon ko rito, ngumiwi si Kaila at binigyan ako ng wirdong ekspresyon, hindi ito sumasang ayon sa sagot ko.
“Kung stalker sya, edi sana noon ka pa niya ginugulo. Hay, let’s not worry about that, okay? Enjoyin nalang muna natin yung pupuntahan nating party.” Aniya. Tumango naman ako rito saka matipid itong nginitian.
Pagdating namin sa Grand Fierro Hotel ay sinalubong kami ng staff na nasa labas ng magarbong entrada ng hotel. This is my first time coming here, at sobrang napanganga ako sa ganda. Pang international ang level ng architecture at detalye ng struktura ng hotel. Napakaganda. Maliwanag ang lobby nito dahil sa mga naglalakihang ilaw at isang malaking chandelier sa gitna, bubungad din sa’yo ang fully glass made na elevator papunta sa mga floors ng hotel. Sa gilid naman ay ang reception area at malaking lounge.
Sinamahan kami ng staff sa isa sa mga party hall ng hotel, oo. Dahil hindi lang isa ang party hall ng hotel na ito kundi sampu. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa amin ang ingay ng sound system sa loob ng hall, at ang dami nang tao. May kanya-kanya silang upuan at kumpulan. May iilan na kumakain at umiinom sa mga table nila, mayroon ding mga nakatayo at mga naguusap sa gilid.
“Here’s your seats mam.” Nakangiting sambit ng babae nang marating namin ang table na malapit sa unahan kung saan naman nakaset up ang mga table ng mga VIP’s. Nangunot ang noo ko sa staff saka nagtanong dito.
“Miss are you sure, this is our table?” Tanong ko dito.
“Yes, mam.” Nakangiti nitong sambit, kampante at siguradong sigurado siya sa sinagot niya. Kinalabit na ako ni Kaila na noon ay nakaupo na pala.
“Okay na yan, maupo kana dito.” Sambit nito. Nginitian ko ang staff saka naupo na, umalis narin ito para asikasuhin ang iba pang bisita. Iginala ko ang paningin sa paligid, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Lilipat nalang kami ng upuan kung sakaling nagkamali nga yung staff, pakiramdam ko kasi ay hindi kami dapat dito nakaupo.
“Ang ganda dito no? grabe ang sosyal ng party this year.” Narinig kong sambit ni Kaila pero wala rito ang atensyon ko kundi sa mga table ng VIP’s na nasa harap lang namin. Dito nakaupo ang ilang board of directors at ilang big bosses’ ng kumpanya. Hanggang sa dumating ang pinakahinihintay ng lahat si Sir Ridge kasama ang mama niya na si Mrs. Leonore, sinalubong ito ng ilang mga bisita at bumati rito bago tinungo ang table nila.
“My God, sobrang gwapo ni Sir Ridge. Ang swerte siguro ng mapapangasawa niya.” Sambit muli ni Kaila. Tama naman si Kaila, ngayon lang ako nakakita ng isang kagaya ni Sir Ridge. Isa siyang perpektong likha ng Diyos, mula sa pagkakadepina ng mukha nito hanggang sa mahahaba nitong mga binti. Para siyang isang modelo na bigla nalang lumabas sa isang mamahaling magazines. Luxuries are all over his aura. He is wearing a black tuxedo and a brown leather shoes na parang ngayong gabi niya lang isinuot dahil sa kintab nito. Hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi matanggal ang paningin ko sa kanya. And his eyes. I don’t know if I’m just hallucinating, but I saw the warmth in his eyes, amazement and radiant, especially that day sa boutique.
He’s looking at me! Not just looking, he is f*****g staring at me!
He’s looking at me while walking towards their seats. Para niyang ginagalugad ang buo kong pagkatao sa pagkakatitig nito sa akin. Damn it! Naguunahan ang t***k ng puso ko at nabulabog ang buong sistema ko. Hindi ko na kinaya pa ang paninitig nito kaya ako na ang unang nag-iwas. Nang muli ko siyang tingnan ay nakaupo na ito sa table nila at kausap na si Mrs. Leonore. Thank God.
“I think you catches someone’s attention because of your dress.” Bulong ni Kaila. Namilog ang mga mata kong nilingon ito.
“I don’t know what you’re talking about.” Payuko kong sambit dito.
“Really? Basta huwag mo akong kakalimutan kapag yumaman kana ha?” Pabiro nitong sambit, natawa ako sa sinabi nito.
“Stop it.” Sambit ko saka kami sabay na natawa. Kaila knows everything, kaya ako madalas na pumupunta sa mga mamahaling lugar. Oo gusto kong makapangasawa ng mayaman, pero seryosong relasyon parin ang gusto ko. At iba si Sir Ridge. I don’t think he’s into relationship. Mukha kasi siyang playboy, na kapag napagsawaan kana basta basta ka nalang niyang papalitan. And he’s capable of doing that because he has money and wealth. He’s out of my league. And I’m out of his league.
Dahil dumating na nga sila Sir Ridge ay nagumpisa na rin ang party. Pinakinggan namin ang ilang speech ng directors pati narin ng Chairwoman ng kumpanya na si Mrs. Leonore. Lahat ng nasa loob ng party hall ay natahimik nang ito na ang nagsalita sa unahan. Mrs. Leonore has a strict and meticulous personality. Hindi ko na mabilang kung ilang secretaries na ang natanggal dahil sa sobrang selan niya sa lahat ng bagay at sobrang sungit.
Ilag na ilag ang lahat sa kanya. At isa rin yon sa dahilan kung bakit ko nasabing imposibleng may mamagitan sa amin ni Sir Ridge. Ayoko siyang maging mother-in-law. Pakiramdam ko ay hindi kami magkakasundo at sigurado naman akong ayaw niya rin sa mga katulad ko. Sa kabila ng magandang reputasyon ng Hermosa Group ay kilala rin si Mrs. Leonore sa pagiging matapobre nito. I don’t know, maybe because she’s disgust whenever she sees someone na hindi niya ka-level.
It’s almost midnight at naguumpisa na akong mabored, nagpaalam ako kay Kaila na pupunta ako sa c.r. Tinanguan lang ako nito dahil abala ito sa pakikipag-usap sa iba naming katrabaho. Tumingin ako sa paligid, at halos puro taga kumpanya lang ang nakikita ko, I guess, wala akong makikilalang mayamang investor tonight. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang c.r ng mga babae, may naabutan akong dalawang babae na nananalamin at ang isa ay nag-aayos naman ng make-up niya. Nginitian ko lang sila saka pumasok sa pang gitnang cubicle.
“Ang gwapo ni Sir Ridge, no? ang swerte ng mapapangasawa niya kapag nagkataon. Ang gwapo na ng asawa mo ang yaman pa.” Narinig kong sambit ng isang babae.
“Malas niya lang dahil si Mrs. Leonore ang magiging byenan niya. Dapat matatag ang loob ng babaeng mapapangasawa ni Sir Ridge, sa sobrang tapang ni Mrs. Eleonore, maski yata tigre umaatras sa kanya.” Sambit ng isa. Hindi ko na narinig pa ang pag-uusap ng dalawang babae at narinig ko nalang ang mga yabag ng mga takong nito palabas ng c.r. Maya-maya pa ay lumabas na ako sa cubicle at saka humarap sa salamin at inayos ng bahagya ang sarili saka lumabas na sa c.r.
“Ms. Jensen.”
Napalingon ako sa likod nang may baritonong boses ang tumawag sa akin. Natigilan ako nang makita ko si Sir Ridge na naglalakad papalapit sa kinaroroonan ko. Gusto kong humakbang paatras at iwasan ito pero ang weird naman kung gagawin ko iyon ng walang dahilan. I cleared my throat and manage to smile at him.
“Good evening, Sir Ridge.” Sambit ko rito nang makalapit ito sa akin.
“I was looking for you, akala ko umalis kana.” Nakangiti nitong sambit, his smiles will literally make every woman in this hall envy of me. Enough to make your heartbeat in a frantic rhythm.
“Um, do you need anything Sir Ridge?” I asked.
“No, I mean, nothing. I just want to say that you look beautiful in that dress.” Aniya, halos tumalon ang puso ko, ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko at sigurado akong namumula na ito ngayon.
“T-thank you…” I stutter. s**t.
“Danica!” Si Kaila, na noon ay papalapit na sa akin, napaawang ang labi nito nang makita si Sir Ridge.
“Good evening, Sir Ridge.” Bati nito sa binata, ngumiti naman si Sir Ridge saka muling binaling ang tingin sa akin na ng mga oras na iyon ay pilit na pinapakalma ang buong sistema ko na mukhang nabulabog yata.
“Good evening, are you enjoying the party?” Tanong nito kay Kaila. Ngumiti naman ito sa binata saka naiilang na sumagot.
“Yes sir.” Sambit ni Kaila.
“That’s good. Enjoy the rest of the party. Danica.” Huling sambit dito saka naglakad na paalis. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may iba akong naramdaman nang sambitin nito ang pangalan ko.
“Woah… even his back is so attractive…” Mahinang sambit ni Kaila habang nakatingin kay Sir Ridge na naglalakad papunta sa ibang bisita.
“By the way, ano palang pinaguusapan niyo kanina ni Sir Ridge?” Muling sambit nito, napatingin ako rito at agad ring iniwas ang tingin nang muli kong maramdaman ang pagiinit ng mga pisngi ko.
“Um, w-wala.” Tugon ko rito, saka naglakad na pabalik sa party.