Chapter 4

2714 Words
~* Saturday at Royale University: ~ Mag two weeks na at hindi parin tapos ang imbistigasyon na nangyayari sa Nursing building, lalo na sa isang estudyanteng nagngangalang Love Neibel Montebon. Sya ang naging prime suspect sa pagkamatay ni Janice Griffith nong nakaraang lunes alas kwatro ng madaling araw at natagpuan ang bangkay nito sa floral garden ng nursing. Hinahanap din ng isang inspector ang isang estudyante na sinasabi ng police officer na kaibigan nya, na may sinabi ang babae tungkol sa bangkay don sa floral garden. Sa mga nagdaang araw ay ang buhay ng apat rather ng tatlong estudyante ay hindi na naging normal everything where they look seems so weird the feeling of everything where new to them. *.....~ "Fretchemea? Hoy?! Tulala ka na naman dyan! Sa ating dalawa ako yung mapapasok sa mental nito eh!" Tiningnan lang ni Fretchemea ang matalik na kaibigan dahil pati sya ay nalilito na sa nangyayari sa buhay nya. "Hays! Ayos lang ako Kessy." "Ay talaga ba? Fretchemea? Sapakin kaya kita dyan!" Inis na sabi ni Kessy pero halata din naman ang pag aalala nito na nakabalatay sa mukha ng dalaga. Fretchemea was her close friend para nang magkapatid ang turingan nila sa isa't isa lalo na malayo sila sa bawat pamilya nila, Kessy was older than Fretchemea kaya nag aalala sya sa kaibigan nya, ni hindi sya makatulog ng maayos after nong nangyari sa clinic. "Fretchemea?" "Hmm?" "Magsabi ka nga ng totoo sa akin? Yung walang halong kasinungalingan please?" Tiningnan ni Fretchemea ang kaibigan at nagsalita. "Mababaliw na yata ako Kessy!" Sabay sabunot ng dalaga sa kanyang buhok. "Gaga! Mas nababaliw ako sa pag aalala sayo eh!" Napatigil si Fretchemea at tiningnan ang kaibigan ng may nanunudyong ngiti sa labi. "Yeiiii nag aalala si Kessy sa akin oh!" "Tumigil ka nga dyan Fretchemea!" "Sus!- hays hindi ko alam Kessy baka sa susunod dadalawin mo na talaga ako sa mental hospital." Dahil sa sinabi ni Fretchemea ay nasapak sya ni Kessy. "Arayyyy! Kessy naman!" "Tangina! Ihulog kaya kita dito sa third floor!" "Hindi ako nagbibiro ah!" "Tumahimik ka na nga lang! "Hmp! Punta tayo sa crim building." "Huh? Nong gagawin natin don?" "Ipakilala kita sa isa kong kaibigan." "Taga crim?" "Oo nga! Kaya nga don tayo pupunta." "Sigurado ka Fretchemea? Sa pagiging friendly mo makikidnap ka nyan! Or gusto mo yatang buong estudyante ng Royale eh maging kaibigan mo! tatakbo kaba bilang kagawad ha?!" "HAHAHAHA baliw! tayo na nga!" Tatawa tawang sabi ni Fretchemea habang si Kessy naman ay nag aalala, kasi bago pa sila makarating sa Crim building ay madadaanan pa nila ang Nursing building, baka kasi... Makita na naman ng kaibigan ang multo nung babaeng nursing student. (College of Education building> Hallway = College of Fisheries building> Hallway= Basketball Gym > College of Hospitality management building> Clinic Building and Recreation building > College of Technology building = Hall lab for IT student building> College of medicine (nursing ) building> College of Criminology building > College of Marine Engineering building = Soccer Field> College of Law building.) ; Club building for all Students.) ~.......*> College of Nursing Building Habang nag lalakad ang dalawa papunta sa crim building ay si Neibel naman ay papunta naman sa direksyon nila. "Anong gagawin ko?mag iimbistiga kaya ako?" Sa isip ni Neibel sa kadahilanang sya ang ginawang prime suspect ng mga imbistegador sa nangyari sa kaklase. "Ate love? Baka mapahamak ka sa naiisip mo?" Alalang sabi ni Krishia "It's now or never Krishia! Wait-" napatigil sa paglalakad si Neibel habang nakayuko parin at may suot na ear phone para hindi sya matawag na baliw kasi nagsasalita sya habang mag isa lang na naglalakad sa hallway. "Yung BSHM student?! Tama sya nga!" Napalingon ang ibang estudyante kay Neibel ng bigla itong nagsalita ng sobrang lakas, nahihiyang ngumiti si Neibel sa mga tao na nakatingin sa kanya. "Hehe... Sorry m-may kausap kasi ako." "Defensive yarn ate love? HAHAHA!" "Tsk! Tumahimik ka nga dyan! Tayo na- I mean ako... Aalis na ako hehe." Habang nag lalakad sila Fretchemea at Kessy ay nakasalubong nila si Neibel na mabilis din na naglakad. Napatigil si Fretchemea sa paglalakad at napalingon sa gawi ni Neibel ng maramdaman nya ang malamig na presensya ng isang tao na kasama nito. Isang?... M-may k-kasama sya? Napakurap kurap si Fretchemea habang inaaninag ang papalayong bulto ng dalaga, na sya naman na ipinagtataka ni Kessy at napatingin din sa gawi ng dalagang si Neibel na unti unti ng nawawala sa paningin nila. "Fretchemea? Anong meron?" "Y-yung b-babae Kessy... M-may kasama sya." Utal utal na sambit ni Fretchemea habang nakatingin parin sa lugar kung nasaan ang dalagang si Neibel. "Huh? Kasama? Hello? Fretchemea mag isa lang sya paranoid kana naman dyan! Wag mo sabihing-" Tsaka mabilis na nilingon ni Kessy ang kaibigan. "M-multo? Fretchemea?! Umayos ka nga?! Natatakot na ako sayo ha!" "Isang bata Kessy, isang batang babae ang nakasunod sa kanya." Mabilis na naibalik ni Kessy ang paningin don na hindi makapaniwala, feeling nya lahat ng balahibo nya sa katawan tumayo sa takot. ~>>>* Mapapahamak sya... I'm sure of it! Lalo na at nakita ko sa mga mata nya na desidedo sya na malaman kung ano ba talaga ang totoong nangyari ng madaling araw na iyon. ~.....* "Hmmm... Life goes on~ life goes on ~ lalalala~ nanana~" Pababa na ng building si Lea habang mahinang kumakanta ng isang song lyrics. Hindi nya pinansin ang dalawang multo na babae na papaakyat habang sya naman ay pababa ng BSHM building. Ng makasalobong nya ang dalawa ay may napansin sya sa amoy ng mga ito, palagi nyang nakikita ang dalawa na umaakyat at bumababa sa building ng BSHM at sigurado sya na inaakala ng dalawa ay buhay pa sila. Ayon sa information na nakuha nya magkaibigan ang dalawa, Jilly Colis 24 years old at ang isa ay si Lhade Coyoca 25 years old. Magkasama ang dalawa sa iisang apartment, ang magkaibigan ay bigla nalang nawala at hindi pumasok ng limang araw sa klase nila... sa pagtataka ng instructor nila ay pinuntahan nya ito sa apartment nila at doon nakita ng instructor ang dalawang estudyante na wala ng buhay. Nilingon ni Lea ang dalawa na papaakyat sa 2nd floor ng mapansin nya ang kakaibang amoy na meron ang dalawa, hindi amoy patay or amoy bangkay kundi amoy bulaklak ito na roses, amoy rosas ang dalawa at may iba pang amoy na hindi nya mawari kung ano. "Are their souls going to be eaten or something? Wala naman noon yung amoy na iyon ah nong nakakasalubong ko sila? So why now?" Sumipol ng tatlong beses si Lea at bigla nalang may isang lalaking lumitaw sa harapan nya. "Ano po yun? Master?" Malalim na mungkahi ng lalaki kay Lea, matangkad ito at nakasuot ng itim na long sleeve shirt ang lalaki at naka trousers ito ng kulay puti, at mga matang walang emosyon. "Yung dalawang babaeng spirito sundan mo sila." "Hmm..." Tsaka biglang naglaho ulit ang lalaki sa harapan ni Lea. Ang lalaki ay kaibigan ng dalaga, wala syang ibang alam dito maliban nalang sa edad nito na 1789 nakita ng dalaga ang lalaki sa isang abandonadong bahay na matatagpuan sa Minor street. Pinasok ng dalaga ang lumang mansyon na pag mamay-ari ng pamilyang Cervantes at doon nya nakita ang lalaki sa isang sulok ng bahay malapit sa bintana at nakatingin ito sa labas ng bahay. Simula ng araw na iyon ay naging kaibigan na nya ang lalaki. *...~ Mula sa third floor ng crim. Building ay nandoon ang classroom ni Cherryl. Nakatingin ang dalaga sa labas ng bintana ng kanilang silid aralan at iniisip ang nangyari isang araw na ang nakakaraan. "Yung panaginip na yun?" Wala sa sariling napahawak ang dalaga sa kanyang leeg dahil ramdam na ramdam parin nya ang buhok ng bungo na nakapulupot sa kanyang leeg. "Cherryl? Ayos kalang ba?" "Yung mukha ng mga estudyante doon sa pader ng eskinita ng gabing yon? Ano bang nangyayari? Patay naba ang mga yon? Or buhay pa?" "Cherryl? Hoy!" Niyogyog ni Michaela ang kaibigan na kanina pa tulala. "H-ha?" Wala sa sariling sagot ni Cherryl habang nakatingin sa kaibigan na nag aalala. "Tayong dalawa nalang dito sa loob ng room, umalis na ang iba nating kaklase, tulala ka kasi eh anyare sayo?" "H-ha?" "Kanina kapa tulala tapos hawak ng hawak kapa sa leeg mo, Anong meron sa leeg mo?" Takang tanong ni Michaela at hinawakan ang leeg ni Cherryl na syang nag patigil sa dalaga, ang mainit na katawan ni Cherryl ay nahaluan ng malamig mula sa kamay ni Michaela, at ang lamig nito na may halong init ay umakyat sa ulo nya dahilan para makaramdam sya ng takot. "A-anong?" Kitang kita ni Cherryl na nagbago ang mukha ng dalagang kaharap habang may nakakatakot na ngiti sa mga labi nito, unti unting nagbago ang mukha ng dalagang kaharap ni Cherryl, mukha ng babae... Babae doon sa panaginip nya, yung humawak sa kanyang paa. Ramdam na ramdam ni Cherryl ang pagkaubos ng hininga nya, yung unti unting hinihila pababa yung hininga nya hanggang sa hindi na sya makahinga. Nilalabanan ni Cherryl ang takot sa katawan habang nakatitig sa babaeng nasa kanyang harapan. "B-bitawan m-moko!" "HAHAHAHA dadalhin kita sa kanya babae !" "A-ano?! B-bitawan m-moko!" Nagpupumiglas na wika ni Cherryl habang hawak sya ng dalaga na nasa harapan nya at sinasakal sya. ~>>>> Ng nasa third floor na ng building ang magkaibigan na si Fretchemea at Kessy ay hindi nila inaasahan ang nakita. "C-cherryl?! s**t! Bitawan mo sya!" Mabilis na sinipa ni Fretchemea ang babaeng sumasakal sa kaibigan dahilan para mabitawan ng dalaga si Cherryl. Habang si Michaela naman ay tumama ang katawan sa pader sa may bintana. "A-ayos kalang?" Nahihirapan sa paghinga si Cherryl habang hawak ang leeg nya na sinakal ni Michaela. Lumapit sa kinaroroonan nila si Kessy na gulat na gulat din sa nakita at nagsalita. "Umalis na tayo dito sa room nyo!" "HAHAHA mga pakialamera! Isasabay ko kayo sa babaeng yan!" Sigaw ni Michaela at bigla nalang sumara ang pintuan ng room nila cherryl maging ang bintana yung ilaw sa loob ay nag patay sindi sa presensya ni Michaela. "s**t! Sinasapian ba sya?!" Kessy na nakahawak sa braso ni Cherryl habang tinutulungan itong tumayo. "Oh ghad! H-hindi tayo makakalabas dito!" Sabay lingon lingon ni Fretchemea sa loob ng room. "Ahhhhhhhhhhhh!!!!!" Sabay na sigaw ng tatlo ng bigla nalang lumapit si Michaela sa kanila habang nakalutang ito sa ere. Habang sumisigaw ang tatlo ay bigla nalang nawalan ng malay si Michaela. "Mabuti naman at gumana ang bagay na ito sa kanya." Sabi ng isang babaeng naka marine uniform habang may hawak na silver blade na isinaksak nya sa likod ng dalagang si Michaela na sinapian ng isang babaeng ispirito. "H-huh?" Cherryl "B-buhay paba tayo?" Kessy "N-nakakatakot sya!" Fretchemea Tiningnan ng tatlo ang dalaga na si Michaela na sinapian wala itong malay na nakahiga sa malamig na semento ng classroom. "A-ano? Anong nangyari?" Sabi ni Kessy habang nakatingin sa katawan ni Michaela na wala ng malay. "Tutulungan ba natin sya? Baka pag nilapitan natin sya ay bigla syang bumangon dyan at sapian tayo?" Sabi ulit ni Kessy habang ang dalawang kasama ay nakatingin sa babaeng naka marine uniform na nasa harapan nila. "I-ikaw? I-ikaw yung nahulog mula sa rooftop building ng marine d-diba?" Hindi makapaniwala na sabi ni Cherryl sa babaeng naka marine uniform na tumingin sa kanila. "Ako nga Ms, dalhin nyo nalang sa clinic ang kaibigan mo... Don't worry she's fine nakatulog lang sya dahil dito." Mungkahi ng multo sabay taas ng hawak na silver blade. "H-hindi ba sya nasugatan dyan?" Takang tanong ni Fretchemea. "Hindi naman... Ginagamit lang ang bagay na ito para sa mga nasasapian at kapag nasaksak mo ang katawan ng sinapian gamit ang blade na ito ay hindi sila masusugatan kundi ang ispirito lang na nasa loob ng katawan nila ang makakatanggap ng malalang damage sa katawan, sayang at hindi ko naibaon ito sa spirito na sumanib sa kanya." "Bakit sayang?" Cherryl na may pagtataka. "Dahil ma purify ng blade na ito ang spirito na nasa katawan nya at maglalaho ang spirito ng taong sumanib sa kanya at hindi na makakabalik sa mundong ito, kaso malakas yung sumanib sa kanya napaalis ko lang ito at hindi na purify." Nakatingin sa bintana ang marine student habang nag papaliwag. "Putangina nyong dalawa aatakihin yata ako sa puso dahil sa inyo! Sino ba yang kausap nyo ha!" Inis at takot na sabi ni Kessy sa dalawa na kanina pa may kausap na hindi nya nakikita. Napalingon ang dalawa kay Kessy at napailing, tsaka nila tinulungan na buhatin ang katawan ng dalagang si Michaela para dalhin ito sa clinic. "Tulungan mo kami Kessy." "Ha! Asa kapa Fretchemea! Baka gumising yan bigla at ako yung unang atakihin! Kayo na dyan kaya nyo na yan!" "Hahaha buksan mo nalang yung pintuan Ms. Kessy." Natatawang sabi ni Cherryl na parang walang nangyari Kani kanina lang. "Teka lang Ms. Cherry!" Napalingon ang dalawa sa multong marine ng magsalita ito. "Gamitin mo yan, gamitin mo yan laban sa babaeng yon na gustong kunin ang spirito mo." Sabi nito at inilahad ang silver blade kay Cherryl na nagtatakang tinanggap ng dalaga. "She's eager to get your soul Ms. Cherryl, do you remember the time that she enters in your dreams? She's doing it in order for her to get your soul out of your body and thankfully your friend came in and knocked her soul out into your body because of her presence." Nagtataka na nakatingin ang dalawa sa babaeng multo na kaharap at unti unti itong naglaho. "T-teka lang Ms!" Pigil ni Cherryl sa babae na bigla nalang naglaho sa harapan nila. "Kanina pa kayo dyan nakatayo ha! Tayo na!" Nagmamadaling sabi ni Kessy dahil sa ayaw na nya sa lugar na iyon. ~....* "Ate love! Ayun yung BSHM student na sinasabi ng officer pababa ng hagdanan!" Sabi ng batang multo na si Krishia at lumutang papunta sa kinaroroonan ni Lea, habang ang dalaga naman ay hindi pinansin ang batang multo na nagpaikot ikot sa harapan nya at nagpatuloy sa paglalakad. Masama ang pakiramdam nya, pakiramdam nya na may mangyayari na hindi maganda. Pa simpleng tiningnan ni Lea ang babaeng tumatakbo papunta sa kinaroroonan nya. "Hmm... Mukhang kilala ng babaeng ito ang batang multo na ito ah." Nag shrug lang ang dalaga at nagpatuloy ulit sa paglalakad. "Hay! Ano ba yan ate love! Aalis na sya oh! Bilisan mo naman!" Sabi ng bata at lumutang ulit papunta kay Neibel at hinila hila ito para maabutan nila si Lea na papunta sa gate ng school. "Miss teka lang!" Sigaw ni Neibel kay Lea na tumigil naman at nilingon sya at itinuro ang sarili sabay lingon at tingin ulit sa babaeng nasa harapan na nya. "Ako? Bakit?" Kalmadong tanong ni Lea sa kaharap. "Ikaw." Hinihingal na sabi ni Neibel at tinuro si Lea na nasa harapan nya, hinawakan ni Lea ang hintuturo ni Neibel at pinilipit ito. "O-ouch! Aray! Aww! Masakit! Bitawan mo hintuturo ko Ms." Reklamo ni Neibel na binitawan naman ni Lea at nagsalita. "Don't point your fingers to someone you don't know Ms. I might cut if off out of your hands!" "H-ha? S-sorry! Ano kasi... May kailangan akong itanong sayo." Diretsang sabi ni Neibel at seryosong tumingin sa mga mata ni Lea. "What is it?" "Sinabi mo sa officer nung araw na nagpumilit ka na makita ang katawan ni Janice doon sa floral garden, na hindi sya doon pinatay? Anong alam mo tungkol doon Ms?" "Kaklase mo si Janice?" "Yes!" "She was already dead before her body was put in the floral garden by someone." "N-nakita mo ang p-pumatay sa kanya?" "Hindi." "Then how come you know that she wasn't killed in the floral garden? Or?" "Hmm... I know that look ms. I am not the one who killed her, malinis ang floral garden... ni wala itong mga talsik ng dugo ang lugar samantalang puno ng saksak ang buong katawan nito. So I assume that she was killed somewhere, not in the floral garden... I don't know where, I am still figuring it out." "Y-your investigating?" "And you're the one who became the prime suspect?" Balik tanong ni Lea sa dalagang kaharap na natahimik at napayuko. "Hey! Ang sungit mo naman!" Biglang sabi ni Krishia na syang nagpangiti kay Lea at tsaka sya nagpatuloy sa paglalakad palabas ng school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD